Lesson Plan para sa Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino

Ito ay gabay para sa mga instruktor ng MKLRP. Nilalaman nito ang mahahalagang puntong dapat diinan at mga pamamaraang maaaring gamitin sa pagtuturo ng MKLRP. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapasimple at mapapaikli sa lima hanggang anim na oras ang pagbibigay ng kurso, mula sa dating dalawa hanggang tatlong araw na gumagamit ng paraang basa-talakay. Sa tuluy-tuloy na pag-aaral at pagbibigay ng kurso at sa matiyagang paggamit ng mga biswal, tsart, timeline at iba pang interesanteng pamamaraan ng pagtuturo, magagamay at mas mapapahusay pa ng mga instruktor ang paggamit sa gabay na ito. Syempre ang teksto pa rin ng MKLRP ang pangunahing dapat basahin at pagbatayan ng pag-aaral]. Bahagi ng Gabay ang MKLRP Biswal.

Pagbubukas: Ilahad ang layunin at balangkas ng pag-aaral; gumawa ng tsart para dito.  Gamitin ang Biswal MKLRP-02.

Kung may pasilidad, maaaring ipalabas ang Sa Liyab ng Libong Sulo o Red Alimaong (Cebuano) para makatulong sa pagpapasimple at pagpapabilis ng pag-aaral. Kung gagamitin ang video ng Sa liyab... mungkahing ipalabas ito nang tuluy-tuloy; lagumin ang mga pangunahing punto pagkatapos, bago tumungo sa ikatlong paksa ng IPB.

I. Mayaman ang Pilipinas pero naghihirap ang sambayanang Pilipino

A. Ang Bayang Pilipinas at Mamamayang Pilipino.

(Maaaring talakayin sa loob ng 30 minuto)

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Anu-ano ang mga katangian ng Pilipinas?

a.  Ang Pilipinas ay

  • isang bulubunduking kapuluan

  • nasa Timog-Silangang Asya

  • binubuo ng 7,100 pulo

  • 30 milyong ektarya ang lawak ng lupain

  • nahati sa tatlong malalaking grupo ng mga isla (Luzon, Visayas at Mindanao)

  • may populasyong 85M (2005)

  • 75% nito ay nasa kanayunan at 25% ay nasa mga sentrong bayan at lunsod.

b. Ang Lahi o Pinagmulan ng Mamamayang Pilipino

  • pangunahin ang lahing Malayo

  • mahalagang bahagi rin ang lahing Indones at Tsino. May lahi rin mula sa Arabe, Hindu, Espanyol, Amerkano at Negrito

  • 14% ng populasyon ay pambansang minorya

k. Ginagamit mahigit 100 lenggwahe, pangunahin ang Tagalog, Cebuano, Iloko, Hiligaynon, Waray.

2. Anu-ano ang likas na yaman ng Pilipinas?

  • Malawak,  matabang lupain

  • Tropikal na klimang angkop sa iba’t-ibang pananim

  • Malawak na kagubatan

  • Minerales tulad ng ginto, bronse, pilak, karbon, nikel, uranyum, atbp na kailangan sa industriya

  • Mga deposito ng karbon, langis at uranyum na magagamit bilang mapagkukunan ng enerhiya.

  • Mga dagat, ilog at lawa na mayaman sa isda at iba pang pagkain mula sa tubig. Nagagamit din para sa irigasyon, sa elektrisidad; transportasyon at daungan.

  • Maaaring suportahan ng mga yamang ito ang kahit ilang ulit pa ang pagdami ng kasalukuyang populasyon.

 

B. Nahahati sa iilang naghaharing uri at nakararaming pinagsasamantalahan at inaapi ang lipunang Pilipino.

1. Sinu-sino ang kumokontrol at nagpapasasa sa yaman ng Pilipinas?

  • Ang imperyalismong US, malalaking burgesya kumprador at malalaking PML ang kumukontrol at nagsasamantala sa yaman ng Pilipinas at ng lahat ng produkto ng lakas-paggawa ng Pilipino.

2. Ano ang kalagayan ng sambayanang Pilipino?

  • Ang mayorya ng mamamayang Pilipino (magsasaka, manggagawa, petiburges(PTB), pambansang burgesya (pambur) na siyang makapangyarihang pwersa para sa pag-unlad ay dumaranas ng matinding hirap.

 

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang 1a, 1b at 1k.

Gamitin ang mga MKLRP Biswal 03-07 sa paglinaw sa batayang mga katangian ng Pilipinas at mamamayan nito; heograpiya, mga likas na yaman, populasyon, lahi o liping bumubuo ng mamamayang Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 










Magbigay o humingi sa mag-aaral ng lokal na mga halimbawa na nagpapakita sa mga ito.

Idiin na kung ang mamamayan mismo ang may kontrol at gagamit ng mga likas na yamang ito, may sapat na batayan para umunlad ang ating bayan.

 

 

 

 

 

 














Ipakita ang papel ng mga dayuhan at lokal na naghaharing uri sa paghihirap ng sambayanang Pilipino. Magbigay ng mga lokal na halimbawa.

 

Ipalarawan sa mga mag-aaral ang mga palatandaan ng paghihirap.

 

 

 

II. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan ng tunggalian ng iilang naghaharing uri at ng malawak na masa ng sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan.

Ilinaw ang kahalagahan ng pag-aaral sa kasaysayan. Ilahad ang mahahalagang yugto at kung bakit ganito ang pagkakahati ng mga yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Gamitin ang Timeline ng Kasaysayan ng Pilipinas. Maaaring talakayin ang paksa sa loob ng isa at kalahating oras.

 

A. Ang paglaganap ng pyudalismo sa buong Pilipinas at ang paglaban dito ng sambayanan 

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang kalagayan ng lipunang Pilipino bago dumating ang mga kolonyalistang Espanyol?

May umiiral na tatlong sistemang panlipunan: mala-alipin/malakomunal, pyudal, primitibong komunal.

a. Sistemang mala-alipin/malakomunal – ang pinakalaganap. Barangay ang batayang yunit ng lipunan.  Pinamunuan ito ng Raha o Datu.

b. Sistemang pyudal – pinakamaunlad (sultanatong Moro sa Mindanao at Sulu)

k. Sistemang Primitibo Komunal – pinakaatrasado

May batayan para tuluy-tuloy na umunlad ang lipunan kahit hindi dumating ang mga Espanyol.

2. Bakit sinakop ng mga kolonyalistang Espanyol ang Pilipinas?

Sinakop ng Espanya ang Pilipinas para:

a. gawing istasyon ng pakikipagkalakalan sa Tsina at malapit na mga pook.

b. makuha ang ginto’t mamahaling metal, saganang pagkain at iba pang pansuporta sa pangangailangan ng mga kolonyalista.

3. Paano nasakop ng mga kolonyalistang Espanyol ang Pilipinas?

Ginamit ng mga Espanyol ang taktikang manghati at maghari o ang kumbinasyong krus at espada.

4. Paano pinalaganap ng mga kolonyalistang Espanyol ang pyudalismo sa Pilipinas?

Pinalaganap ang pyudalismo sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng:

a. Enkomyenda(1570 – ika-17 siglo) – malawak na lupaing kaloob ng Hari sa mga kolonyal na opisyal at ordeng relihiyuso bilang kapalit ng serbisyo nila sa pagsakop sa mga lugar ng Pilipinas.  Kinasangkapan ito para makapang-agaw ang mga kolonyalista ng malalawak na lupain.

b. Asyenda (huling bahagi ng ika-18 siglo) – malawak na lupaing inangkin ng ilan at tinamnan ng mga produktong pang-eksport tulad ng tabako, tubo, abaka, indigo at iba pa. Dito nagsimula ang sistemang kasama. Lumitaw ang usbong ng uring manggagawang Pilipino at ang usbong ng burgesyang Pilipino (mga komersyante at ng mga anak nilang nakapag-aral sa kolehiyo) bunga ng pagsigla ng kalakalang panloob at panlabas.

5. Paano napatagal ng mga kolonyalistang Espanyol ang paghahari nila sa Pilipinas?

a. Paggamit sa armadong pwersa para supilin ang mga Pilipino

b. Pagkontrol sa isipan ng mamamayan sa pamamagitan ng relihiyon

k. Paggamit ng lokal na naghaharing uri

6. Bago ang Rebolusyon ng 1896 paano nilabanan ng sambayanang Pilipino ang kolonyalismong Espanyol?

May mahigit 200 pag-aalsang naganap bago ang Rebolusyong 1896. 

7. Anong mga kilusan ang inilunsad ng mga ilustrado laban sa mga kolonyalistang Espanyol?

Ilustrado – mga Pilipinong nakapag-aral sa loob at labas ng bansa. 

a.  Kilusang Sekularisasyon – kilusan ng mga paring Pilipino para patalsikin ang mga ordeng relihiyoso (mga prayle) mula sa mga parokya. 

b.  Kilusang Propaganda – Inilunsad ito ng mga ilustradong pumunta sa Espanya para mag-aral at mangampanya ng mga reporma sa Pilipinas. Nakatulong ang mga ito sa pagpapalaganap ng nasyunalismo at sa paghahanda ng isip ng mga Pilipino para sa pagsiklab ng Rebolusyon ng 1896.

8. Ano ang Rebolusyon ng 1896?

Ang Rebolusyong 1896 ay:

isang armadong paglabang inilunsad ng mamamayang Pilipino para ibagsak ang kolonyal at pyudal na paghari ng mga Espanyol.

inumpisahan ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Inihudyat ng Sigaw sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896 ang pagsisimula ng armadong paglaban sa mga kolonyalista.

Sa pagtindi ng pagsasamantala at pang-aaping kolonyal sa sambayanan, sumidhi rin ang pambansa-demokratikong hangarin ng malawak na masa ng mamamayan.

Ika-19 na siglo lumitaw ang sibol ng proletaryado, at ang burgesyang Pilipino.

9. Ano ang kinahinatnan ng Rebolusyong 1896?

Bumagsak ang paghahari ng Espanya sa buong kapuluan liban sa Intramuros at ilang di mahalagang garison.

Pero dahil sa panghihimasok at pananalakay ng imperyalismong US, hindi naganap ang pormal na pagsuko ng mga kolonyalistang Espanyol sa mga Pilipino. Ipinagkait sa mga rebolusyonaryong Pilipino ang tagumpay na dapat ay sa kanila.

Makahayop na nilupig ng imperyalismong US ang sambayanang Pilipino at nagpatuloy ang kolonyal na katayuan ng Pilipinas.

 

Gumamit ng mapa at Biswal MKLRP 08-11 para ipakita ang mga tao at lipunan bago dumating ang mga Espanyol.



Mas diinan sa pagtalakay ang sistemang mala-alipin /malakomunal at ang batayan sa pag-unlad ng lipunan.

 

 

 

 




Gumamit ng mapa o globo at ilahad kung ano ang kalagayan ng Espanya sa panahong iyon.

Tuluy-tuloy na talakayin ang #2 at 3.

Gamitin ang Biswal MKLRP 12 -15 sa paglinaw ng mga punto.

 

 

 

 




Idiin na ang yugtong ito ang simula ng kawalan ng lupa ng magsasakang Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 Ilahad ang mga halimbawa ng kalupitan ng mga kolonyalistang Espanyol. Iugnay ito sa kasalukuyang gawi at paniniwalang umiiral pa sa mamamayan.




Talakayin nang tuluy-tuloy ang mga tanong bilang 6 hanggang 9.

Gamitin ang Biswal 16-19 at Apendiks A - Talaan 1: Mga Tampok na Pagbabangon Laban sa mga Kolonyalistang Espanyol

 

 

  

 

 

 

 

 

 




Ilahad ang kalagayan ng Spain at ng Pilipinas sa panahong inilunsad ang Rebolusyon sa 1896. 

Ilahad ang paglitaw ng bagong mga uri sa yugtong ito. Magbigay ng mga halimbawa.

















Sa pamaraang pakwento, baybayin ang mga tampok na pangyayari mula noong Sigaw sa Pugadlawin hanggang 1898.

 

 

 

 

B. Ang kolonyal na paghahari ng imperyalismong US at ang pakikibaka rito ng sambayanang Pilipino

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Bakit sinakop ng imperyalismong US ang Pilipinas?

Sinakop ng US ang Pilipinas dahil sagana ito sa likas na yaman at murang lakas-paggawa at mapagtatambakan ito ng sobrang produkto at kapital. Gusto ring gamitin ng US ang Pilipinas bilang base sa pakikipag-agawan sa iba pang imperyalistang kapangyarihan sa pagkontrol sa Tsina at iba pang bahagi ng Asya.

2. Paano sinakop ng imperyalismong US ang Pilipinas?

Prinsipal na ginamit  ang kontra-rebolusyonaryong dahas at segundaryo, ang panlilinlang.

Treaty of Paris

Digmang Pilipino-Amerikano (1899- 1902)

     > 126,468 tropang Amerikano laban sa 7 milyong Pilipino

     > halos 200,000 Pilipinong sundalo ang napatay

     > mahigit 250,000 sibilyan ang namatay

pagpapalaganap diumano ng “kapayapaan,”  “awtonomya,”  “mapagpalang asimilasyon”

3. Bakit at paano pinanatili ng imperyalismong US ang pyudalismo sa Pilipinas?

a) Pinanatili ang Pyudalismo para:

kunin ang suportang pampulitika ng mga panginoong maylupa, prinsipalya at mga taksil sa rebolusyon,

tiyakin ang patuloy na suplay ng hilaw na materyales na mula sa mga pananim tulad ng tubo, niyog at abaka,

gawing tiyak na pamilihan ang Pilipinas ng mga produktong imperyalista, at

samantalahin ang murang lakas-paggawa.

b) Pinanatili ang Pyudalismo sa pamamagitan ng:

pinapasigla at pinapalaganap ang sistemang asyenda,

mas malaking kapangyarihan sa mga PML,

mga batas hinggil sa lupa na higit pang nagpapahirap sa mga magsasaka.

4. Paano naging malapyudal ang lipunang Pilipino sa ilalim ng kolonyal na paghahari ng imperyalismong US?

Pinaunlad nito nang mas mabilis ang ekonomyang nakabatay sa salapi na kumubabaw sa sistemang pyudal.

Pinalakas ang pag-eeksport ng mga produktong agrikultural at  nagtambak naman ito ng mga yaring produkto mula sa US.

Nabangkrap ang mga magsasakang may sariling sinasakang lupa at nawasak ang lokal na pagyayaring-kamay. Lumitaw ang napakalaking reserbang pwersa sa paggawa na pangunahing nagmula sa uring magsasaka.

Lumaki ang yamang nililikha ng mga manggagawa at magsasaka. Pero dahil sa patuloy na pagpapatindi sa pagsasamantalang kolonyal, pyudal at malapyudal, lalo silang nabaon sa paghihikahos.

5. Paano pinanatili ng imperyalismong US ang kolonyal na paghahari nito sa Pilipinas?

Pinanatili ang kolonyal na paghari ng imperyalismong US sa pamamagitan ng:

a. Patuloy na pagpapalakas sa kolonyal na mga armadong pwersa kahit nahuli na si Aguinaldo at nadurog ang pamunuan ng rebolusyon.

b. Pag-aalaga at pagsasanay sa mga papet na kakatulungin sa pagpapatakbo ng gubyernong kolonyal habang tuwirang hinahawakan nito ang kapangyarihan sa bayan.

k. Pagkontrol ng mga mananakop sa pag-iisip ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpatay sa diwang makabaya't rebolusyonaryo at pagpapalaganap ng pagsamba sa imperyalismong US.

6. Paano ipinagpatuloy ng sambayanang Pilipino ang paglaban sa pananakop ng imperyalismong US?

paglaban ng mamamayan sa Luzon: Sakay (1902-1906); lubusang natapos ang digmang gerilya sa Luzon noong 1911 na.

paglaban ng mga Pulahan sa Visayas

paglaban ng mga mamamayan sa Mindanao (1902-1916)

Naglitawan at lumaganap ang mga unyon ng manggagawa at samahang magsasaka. Sa buong dekadang 1920, sumiklab ang maraming ispontanyong paglaban ng masang manggagawa at magsasaka

Pag-aalsa ng mga Colorum (1925)

nagpatuloy ang makabayang propaganda at mga likhang-sining  na nagtataguyod sa kalayaan.

7. Ano ang kabuluhan ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino?

Sa pamamagitan ng Partido Komunista ng Pilipinas, matatag na hinawakan ng uring proletaryado ang pamumuno sa rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino.

Nagsikap ang Partido na isanib sa kongkretong kundisyon ng lipunang Pilipino ang unibersal na teorya ng Marxismo-Leninismo at itaas ang antas ng rebolusyong Pilipino sa bagong tipo ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa panahon ng imperyalismo. Nailatag ang matibay na pagkakaisang pampulitika ng uring manggagawa at uring magsasaka sa pamumuno ng Partido Komunista.

 

 

Ilinaw ano ang kalagayan ng US sa panahong ito.

Gamitin ang mga Biswal 20 -26. Tuluy-tuloy na talakayin ang # 1 at 2.

 Idiin ang napakalupit na pananakop ng imperyalistang US sa mamamayang Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang # 3 - 5.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Gamitin ang Biswal 27 at ipakita ang patuloy na paglaban ng sambayanan sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.

 Tuluy-tuloy na talakayin ang 6 at 7.

 

 

 

 

 

 

 











Ilinaw na sa yugto ng imperyalismo, ang kilusan sa pagpapalaya ng mga kolonya at malakolonya ay bahagi na ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon laban sa imperyalismo.

 

 

 

K. Ang pakikibaka ng sambayanan laban sa mananalakay na Hapones

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Bakit sinakop ng imperyalismong Hapones ang Pilipinas?

Malubha ang krisis sa mga kapitalistang bayan noong mga taong 1930. Nayanig ang balanse ng kapangyarihan sa pagitan at sa loob ng mga bayang imperyalista. Nakapangibabaw ang pasismo sa Germany, Italya at Japan. 

Sinimulan ng mga pasistang kapangyarihan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig para mang-agaw ng mga kolonya at iligtas ang kanilang sarili sa malubhang krisis. Sa Asya, nanalakay ang imperyalismong Hapones para agawin ang mga kolonya ng US, Britanya, Pransya at Holland

2. Ano ang mga pangunahing katangian ng pananakop ng imperyalismong Hapones sa Pilipinas?

Marahas na sinupil at pinagsamantalahan ang sambayanang Pilipino. Naging laganap ang pangungumpiska sa ari-arian ng mga mamamayan.

Nahati sa 2 paksyon ang mga MBK at PML: ang isa ay pumanig sa US at ang isa ay sa Hapon. Si Jose Laurel ay pangunahing papet sa panahon ng pananakop ng Hapon.

3. Paano nilabanan ng sambayanan ang mananakop na Hapones?

Kilusan sa pagboykot ng mga produktong Hapones (bago dumating ang mga Hapones)

Nang masakop na ng Hapones ang Pilipinas, sumiklab sa lahat ng probinsya ang pakikidigmang gerilya. Itinayo ng Partido Komunista ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) noong Marso 29, 1942. Nanguna ito sa armadong pakikibaka sa malawak na bahagi ng Gitna at Timog Luzon.

Ang magiting na pakikibaka ng mamamayang Pilipino, kasama na ang Hukbalahap at iba pang makabayang gerilya, ang bumali sa gulugod ng mga mananalakay na Hapones. Ito rin ang nagpalaya sa malawak na bahagi ng bayan.

 

 

Gumamit ng mapa o globo para ipakita ang mga nagdidigmaang imperyalistang kapangyarihan.

 Gamitin ang Biswal 28-29

Ipakwento sa mga mag-aaral ang mga naririnig nilang mga kwento hinggil sa panahong ito. (Rendahan lang ang pagkukwento).

 





Tuluy-tuloy na talakayin ang # 2 at 3.

 

 

 

D. Ang pagbabalik ng imperyalismong US at ang papet na republika sa Pilipinas

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Paano napanumbalik sa Pilipinas ang paghahari ng imperyalistang US?

Binomba ng mga Amerikano ang mga syudad at kabayanan ng Pilipinas hindi lamang para pasukuin ang mga natitirang pwersang Hapones kundi para din lumpuhin ang ekonomya ng Pilipinas. Sa gayon, mas madaling naipailalim muli ang Pilipinas sa kapangyarihan ng imperyalismong US

Sinamantala ng imperyalismong US ang malakihang pagkawasak ng ekonomya ng bayan. Nagdikta ito ng mga di pantay na kasunduan at nangikil ng mga pribilehiyo kapalit ng mga bayad sa pinsala ng gera na pinakinabangan lamang ng mga kapitalistang Amerikano at ng lokal na mga naghaharing uri.

Marahas na sinalakay ng imperyalismong US ang Partido Komunista, Hukbalahap at ang masang magsasaka sa Gitna at Timog Luzon.   

Sinuportahan at pinalakas ng imperyalismong US ang mga panginoong maylupa

2. Paano naitatag ang papet na republika ng Pilipinas?

Noong Hulyo 4, 1946, ibinigay ng imperyalismong US ang huwad na kalayaan sa Pilipinas. Ginawa ito sa pangambang sumiklab ang isang digmang mapagpalaya sa Pilipinas.

Tiniyak ng imperyalismong US na magpapatuloy ang kontrol nito sa Pilipinas. Nagdikta ito ng mga kasunduan na nagbigay sa kanya ng mga karapatan para patuloy na magpanatili ng mga base militar at tropa sa bayan, mag-ari at magpalawak ng mga negosyo dito at patuloy na makialam sa papet na gubyerno at armadong pwersa.

Sa pagkakatatag ng papet na republika, naging malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino.  Nananatili sa ilalim ng matinding pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo ang malawak na masa ng sambayanan – ang mga manggagawa, magsasaka, petiburgesya, at pambansang burgesya.


3. Paano itinaguyod ng mga papet na rehimen ang mga interes ng imperyalismo at pyudalismo?

 

a. Rehimeng Manuel Roxas (1946-1948)

- Kasunduang US-RP sa Pangkalahatang Relasyon

- Batas sa Ari-arian

- Batas Bell sa Kalakalan

- Kasunduang US-RP sa mga Base Militar

- Kasunduang US-RP sa Tulong Militar

 

b. Rehimeng Elpidio Quirino (1948-1953)

- grabeng pangatake sa Partido at Hukbo

- sinuspende ang writ of habeas corpus

- Kasunduan sa Pagpasok ng mga Mangangalakal at Mamumuhunan ng US

- Tratado ng US-RP sa Pagdedepensahan

- Pagpapatuloy ng walang taning sa bisa ng Kasunduang US-RP sa Tulong Militar

k. Rehimeng Ramon Magsaysay (1953-1957)
-  huwad na reporma sa lupa
-  pinag-ibayo ang pagpapadayo ng mga magsasaka sa mga prontera para pakalmahin ang pag-aalsa nila at pagtakpan ang pangangamkam ng lupa ng mga mapagsamantala. Ipinalaganap nito ang pagtatayo ng huwad na mga kooperatiba

- Kasunduang Laurel-Langley na nag-amyenda sa Batas Bell sa Kalakalan.
-  pagtatayo ng SEATO

d. Rehimeng Carlos Garcia (1958-61)
 - Batas Subersyon (1958)
 - Palisiyang “Pilipino Muna” para tabunan ang kanyang pagkapapet

-  Kasunduang Japan-RP sa Pagkakaibigan, Komersyo at Nabigasyon

e. Rehimeng Diosdado Macapagal
- inalis ang kontrol sa paglabas at pagpasok ng dolyar sa Pilipinas.
- Pagkaubos ng reserbang dolyar ng Pilipinas, ibinaba ang halaga ng piso sa  P3.90 mula P2.00 bawat dolyar.
- patakarang “bukas na pinto” para sa mga puhunang US.
- Kodigo sa Reporma sa Lupang Agrikultural para linlangin ang mga magsasaka.
-pagpasok ng mga negosyong Hapones.

g. Rehimeng Ferdinand Marcos (1966-1986)
- Batas na Pangganyak sa Pamumuhunan
- Batas na Pagganyak sa Eksport
- muling ibinaba ng rehimeng Marcos ang halaga ng piso. Naging mahigit anim na piso bawat dolyar ang palitan
- pinalaganap nito ang militarisasyon at malawakang binuo ang mga yunit sa “kontra-insureksyon”. Sinuspinde ang kasulatang habeas corpus (1971), pormal na idineklara nito ang paghaharing militar noong Septyembre 21, 1972
- Binago ang Konstitusyon ng 1935 para gawing ligal ang walang-taning na paghahari ng pangkating Marcos
- Lalong pinasigla ang kalakalang kolonyal
- Higit pang lumalim ang pagkakabaon ng Pilipinas sa utang sa mga dayuhan
- arbitraryong niratipika ni Marcos ang Kasunduang Japan-RP sa Pagkakaibigan, Komersyo at Nabigasyon.
- bagong batas sa reporma sa lupa (PD 27) para pakalmahin ang masang magsasaka.

e. Ang rehimeng Corazon Aquino
- Ipinagpatuloy at pinatibay ang mga patakaran sa ekonomya na nagbibigay sa imperyalismong US at iba pang dayuhan ng pribilehiyo para patuloy na makapandambong sa bayan at makapagkamal ng mas malalaking supertubo.

- Kosmetikong mga reporma tulad pagbabalik ng  eleksyon at Kongreso. Kasabay, higit nitong pinatindi ang pasistang pananalakay sa mamamayan

- Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP 

- Isinabatas nito ang Herrera Bill (RA 6715)
- Ginamit ang usapang pangkapayapaan bilang paghahanda sa “total war” laban sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos mabigo ang “usapan sa kapayapaan” noong Enero 1987, inilunsad ang “total war”.

g. Ang rehimeng Fidel Ramos
- kasunduang ehekutibo sa pagitan ng US at Pilipinas kaugnay ng Access and Cross Servicing na nagbabalik sa presensya ng pwersang militar, kagamitang pandigma at mga pasilidad ng US sa Pilipinas
- “Philippines 2000”
- General Agreement on Tariff and Trade (GATT) at ang pagsapi sa World Trade Organization (WTO)
- pinaiigting at pinalalawak ang mga patakarang kontra-manggagawa na tumitiyak sa mas murang lakas-paggawa tulad ng: pagpapahaba sa apprenticeship period, pagliligalisa sa kontraktwalisasyon ng paggawa o labor-only-contracting, walang-unyon at walang-welga 
- Pinaghahati-hati ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagkupkop sa mga bagong dilawang organisasyong manggagawa tulad ng BMP 
- Agrarian Reform Communities (ARCs) 
- Anti-Terrorism Bill

- National Reference Card System (panukala)
- Aktibong ginagamit ang serbisyo ng mga oportunistang taksil

l. Ang rehimeng Estrada(1998-2001)
- ipinagpatuloy niya ang mga programa ng rehimeng Ramos na pawang mga patakarang dikta ng IMF-WB-WTO ayon sa pakanang  globalisasyon ng imperyalista.
- pinuno ng gubyernong pinatakbo ng mga sindikatong kriminal.
- buu-buong itinulak ang mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon
- Visiting Forces Agreement (VFA)
- Oplan Makabayan
- Binalewala ang CARHRIHL na pinirmahan niya mismo at lahat ng naunang mga kasunduan sa NDF.

m. Ang rehimeng Macapagal-Arroyo
- Pinag-ibayo ang pagpapatupad ng patakarang globalisasyon na dikta ng IMF-WB-WTO. 
- pagpapahigpit sa tali ng liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon sa ekonomya ng Pilipinas.
- lalong nabangkrap ang dati nang bangkrap na kabuhayan ng Pilipinas – umabot sa P3 trilyon ang kabuuang utang ng gobyerno.
- Higit na naging malaganap at lantad ang maraming kaso ng korapsyon sa iba’t ibang antas ng reaksyunaryong gubyerno
- US-RP Mutual Logistics Support Agreement (MLSA).
- “gera laban sa terorismo”
- Sa unang taon pa lamang, nalampasan na  nito  ang rekord ng gubyernong Estrada sa mga paglabag sa karapatang-pantao.
- Tiniyak ang kanyang “panalo” sa eleksyong 2004

 
4. Sa ilalim ng papet na republika, paano ipinagpatuloy ng sambayanang Pilipino ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya?

Mula 1946 hanggang 1955, ang pinakamaka-buluhang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya ay nasa pamumuno ng Partido Komunista. (Noong 1955, ipinatupad ni Jesus Lava ang patakarang itigil ang armadong pakikibaka. Nagtago siya sa syudad hanggang noong 1964 nang sumuko siya sa rehimeng Macapagal)

Huling bahagi ng dekada 1950 at maagang bahagi ng dekada 1960, naging aktibo ang mga pambansang burges sa pamumuno ni Recto. Nagpropaganda sila laban sa pagkontrol ng imperyalismong US sa Pilipinas.

Noong 1961, nagsimula ang muling paglakas ng rebolusyonaryong kilusang masa. Inihudyat ito ng demonstrasyon ng mga kabataan laban sa Komite sa mga Aktibidad na Anti-Pilipino (CAFA) ng papet na Kongreso.

Sa ilalim ng rehimeng Marcos, ibayong lumakas at lumawak ang rebolusyonaryong kilusan. Libu-libong manggagawa, magsasaka at estudyante ang lumahok sa sunud-sunod ang demonstrasyon.

Noong Disyembre 26, 1968, muling itinatag ng dati at bagong mga proletaryong rebolusyonaryo ang Partido Komunista ng Pilipinas sa patnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong.

Noong 1992, inilunsad ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) upang itakwil at ituwid ang adbenturismong militar at insureksyunismong lunsod na lumitaw sa loob ng Partido na nagdulot ng malaking  pinsala. Matagumpay na naitakwil ng Partido ang mga kontrarebolusyonaryong taksil, naiwaksi ang masasahol na anyo ng mga paglihis at pagkakamali. Ang Partido ay higit ngayong konsolidado sa ideolohiya, pulitika at organisasyon. Nagpupursige ito sa tamang landas ng demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan.     

 

Ilinaw ang kalagayang umiral  nang bumalik ang US sa Pilipinas at Asya.

Gamitin ang mga Biswal 30

Tuluy-tuloy na talakayin ang 1 at 2.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 Gamitin ang biswal 31-32.

Bigyang diin ang kasalukuyang rehimen. Talakayin ang mga bagong batas at patakarang ipinatutupad ng rehimeng Arroyo (Human Security Act, Oplan Bantay Laya at mga pampulitikang pagpaslang).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ipabahagi sa mag-aaral ang nakikita o naranasan nilang pagtindi sa panlipunang kalagayan sa kasalukuyang rehimen. Maaaring ihambing sa iba pang mga rehimen na naabutan nila.

 

 

 

 

 

 

 

  

 

Bigyang diin ang kasalukuyang paglaban ng mamamayan. Ipakita ang mahabang kasaysayan sa paglaban ng mamamayang Pilipino sa mga dayuhan at lokal na mapagsamantala at mapang-aping uri.

Gamitin ang Biswal 33

 

 

 

III. Ang imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo ang mga ugat ng kahirapan ng sambayanang Pilipino.

(Maaaring talakayin ang paksa sa loob ng isa at kalahating oras.)

 Pagbubukas ng paksa:

Ilinaw na ang Pilipinas ay kontrolado ng imperyalismong US, kasabwat ang lokal na mga naghaharing uri — ang malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa. Kinakatawan ng mga ito ang paghahari ng tatlong salot na pahirap sa sambayanang Pilipino: ang imperyalismong US, pyudalismo, at burukratang kapitalismo.

 A. Ang imperyalismong US ang pangunahing dahilan ng kahirapan ng sambayanang Pilipino

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang imperyalismo?

Ang imperyalismo ay ang monopolyong yugto ng kapitalismo, ang huling yugto ng kapitalismo.

Sa panahon ng imperyalismo, nakonsentra sa kamay ng iilang malaking kapitalista ang puhunan sa industriya at bangko na kanilang pinagsanib. Sa gayon, nakokontrol nila ang buu-buong mga industriya at nakapagdidikta sila ng laki ng produksyon, presyuhan at pagpapautang.

Hawak ng mga monopolyong kapitalista ang mga pamilihan, pinagmumulan ng hilaw na materyales, modernong teknolohiya at bihasang paggawa (skilled labor). Pati ang kapalaran ng mas maliliit na kapitalista ay mapagpasyang naiimpluwensyahannila.

2. Bakit katangian ng imperyalismo ang pananakop at pagkontrol sa mga atrasadong bayan?

Ang mga bayang ito ang pinagkukunan ng murang hilaw na materyales, pinagtatambakan ng mga produktong yari sa imperyalistang bayan at pinagdadalhan ng sobrang kapital. Mula sa pamumuhunan, kalakalan at pagpapautang sa mga atrasadong bayan, nagkakamal ang mga imperyalista ng supertubo.

Kaya sa panahon ng imperyalismo, pinaghahati-hatian ng mga imperyalistang bayan ang daigdig. Nakabatay sa lakas ng kanilang ekonomya at militar ang lawak ng teritoryong sakop ng bawat imperyalistang kapangyarihan.

3. Bakit nangangahulugan ng gera ang imperyalismo?

Kakambal ng imperyalismo ang gera at pagpapalakas sa militar. Kakabit ito ng pagtatanggol at pagsusulong ng mga imperyalista sa kanilang mga interes sa ekonomya sa sariling bayan, sa kanilang mga kolonya at malakolonya at sa buong daigdig. Dalawang digmaang pandaigdig na ang naganap dahil sa pag-aagawan ng mga imperyalistang kapangyarihan sa teritoryo.

Isang malaking negosyo ng mga imperyalista ang

manupaktura at pagbebenta ng mga armas at kagamitan sa digma.

4. Kaaway ba ng sambayanang Pilipino ang mamamayan ng mga imperyalistang bayan?

Hindi. Ang mamamayan sa mga imperyalistang bayan ay pinagsasamantalahan at inaapi ng mga monopolyong kapitalista at mga tauhan nila sa gubyerno at militar. Mga manggagawa ang mayorya sa kanila.

5. Paano kinokontrol ng imperyalismong US ang Pilipinas?

a. Larangan ng ekonomya

1) Paghawak ng mga monopolyong kapitalista ng US sa estratehikong mga industriya sa Pilipinas tulad ng industriya ng petrolyo, bangko at pananalapi, komunikasyon, transportasyon at mina.

2) Patuloy na pagkatali ng ekonomya ng Pilipinas sa eksport at import.

3) Pagkatali ng piso sa dolyar.

4) Pagkabaon ng Pilipinas sa utang sa mga dayuhan.

b. Sa larangan ng pulitika

1) Kontrolado ng imperyalismong US ang papet na gubyerno at ang reaksyunaryong armadong pwersa ng Pilipinas.

2) Nagpapatuloy ang pagpupusisyon ng mga tropang Amerikano at kagamitang pandigma ng US sa Pilipinas sa ilalim ng Kasunduang Access and Cross-Servicing, Tratadong US-RP sa Mutwal na Pagdedepensahan at Kasunduang US-RP sa Tulong Militar.

k. Sa larangan ng kultura

Ipinapalaganap sa bayan ang mga ideyang palasamba at palaasa sa imperyalismong US. Para ipalaganap ang imperyalistang kultura, itinataguyod ang paggamit ng Ingles sa mga eskwelahan, negosyo at sa gubyerno. Lubusang ginagamit ang mga paaralan sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga kurikulum at mga libro. Mahalagang kasangkapan din ang mga sine, dyaryo, telebisyon, panitikan at sining.

d. Sa larangan ng ugnayang panlabas

Dinidiktahan ng imperyalismong US ang patakarang panlabas ng papet na gubyerno. Saligang katangian ng patakarang ito ang pagiging sunud-sunuran sa mga patakaran at programa ng imperyalismong US sa ugnayang pandaigdig.

6. Paano pinagsasamantalahan ng imperyalismong US ang sambayanang Pilipino?

Tatlong pangunahing paraan ang ginagamit ng imperyalismong US:

a. Kolonyal na kalakalan. Binibili ng imperyalismong US ang mga eksport ng Pilipinas sa napakamurang halaga at nagbebenta naman dito ng mga produkto sa napakataas na presyo. Sa kalakalang ito, laging lugi ang Pilipinas habang limpak-limpak namang tubo ang napupunta sa mga imperyalista

b. Tuwirang pamumuhunan. Ang mga monopolyong kapitalistang US ay nagtatayo sa Pilipinas ng mga sangay ng kanilang mga korporasyon o kaya’y nakikisosyo sila sa malaking burgesyang kumprador. Sinasamantala nila ang murang lakas-paggawa sa bayan. May iba’t ibang kaluwagan pa sila sa buwis at pagnenegosyo na ibinibigay ng papet ng gubyerno.

k. Pagpapautang. Sadyang ibinabaon ng imperyalismong US ang Pilipinas sa utang. Mula sa pagpapautang sa Pilipinas, tumutubo ang mga imperyalista ng malaking interes at nakakapagdikta ng mga kundisyong nagpapaluwag pa sa pandarambong at lalong nagpapahigpit ng kontrol nila sa bayan.

 

Gamitin ang Biswal 34 - 45.

Tuluy-tuloy na talakayin ang #1 - 4.

Ilarawan ng imperyalismo sa pamamagitan ng mga halimbawang malapit sa karanasan ng mag-aaral.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



Magbigay ng ilang halimbawa na nagpapakita sa mga ito. Tiyaking pamilyar sa mag-aaral ang mga halimbawa at iugnay ito sa lokal na kalagayan.

Gamitin ang Biswal.

 

 

 

B. Ang pyudalismo bilang ugat ng kahirapan ng sambayanang Pilipino.


MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang pyudalismo?

Pyudalismo ang sistema ng produksyon na ang pangunahing pwersa sa produksyon ay mga magsasaka at ang lupang binubungkal nila. Sa sistemang pyudal, ipinabubungkal sa masang magsasaka ang malalawak na lupaing pag-aari ng mga panginoong maylupa. Pinagbabayad ang una ng napakataas na upa sa lupa.

2. Ano ang mga palatandaan ng pag-iral ng pyudalismo sa Pilipinas?

a. Monopolyo at kontrol ng iilang panginoong maylupa sa malalawak na lupain at kakulangan o kawalan ng lupa ng masang magsasaka

b. Laganap na pagsasamantalang pyudal  tulad ng napakataas na upa sa lupa, usura at pang-aalila sa masang magsasaka.

k. Atrasado at maliitang pagsasaka sa malaking bahagi ng kanayunan

3. Paano naghihirap ang magsasaka sa ilalim ng pananatili ng pyudalismo sa malawak na kanayunan?

a. Pangingikil ng mataas na upa sa lupa

b. Usura o pagpapautang sa napakataas na interes

k. Napakababang pasahod

d. Pang-aalila at tributo

e. Pang-aagaw ng mga panginoong maylupa sa lupa ng mga magsasaka

4. Paano pinahihirapan ng pyudalismo ang buong sambayanang Pilipino?

Ito ang pinakamalaking dahilan ng pagkaatrasado ng ekonomya ng bayan.

Dahil tumatanggap ng upa sa lupa na sobra-sobra sa mga pangangailangan at luho nila, walang interes ang mga panginoong maylupa sa pagpapaunlad ng pamamaraan ng pagsasaka. 

Dahil sa monopolyo sa lupa at atrasadong pagsasaka, maraming taganayon ang pwersadong pumunta sa kalunsuran para maghanapbuhay. Sa kalagayang sobra-sobra ang nagkukumpitensyahan sa limitadong oportunidad sa trabaho,  lalong nakakapagdikta ang mga dayuhan at lokal na kapitalista ng mababang sahod at di makataong kundisyon sa paggawa.

Dahil pinaghihikahos ng pyudalismo ang pinakamalaking bilang ng mamamayan,  limitado ang pamilihan ng mga produkto ng industriya sa loob ng bayan.

Malaking hadlang ang pyudalismo sa industriyalisasyon at tumutulong ito para lalong makontrol ng mga dayuhang monopolyong kapitalista ang ekonomya ng bansa.

5. Bakit pyudalismo ang baseng panlipunan ng imperyalismo?

Ang pyudalismo ay pinananatili ng imperyalismong US para pamalagiing naghihirap ang malawak na sambayanan, supilin ang pinakamalaking uri, ang uring magsasaka, at manipulahin ang atrasadong kalagayan ng bayan. Sa gayon, napapakinabangan nito ang murang paggawa at murang hilaw na materyales. Nasa proteksyon naman ng imperyalismong US ang pananatili sa kapangyarihan ng mga panginoong maylupa. Kaya sinasabi na baseng panlipunan ng imperyalismong US ang katutubong pyudalismo.

 

Gamitin ang Biswal 46 - 53.

Tuluy-tuloy na talakayin ang # 1 at 2.

 

 

 



Magbigay ng mga lokal na halimbawa na nagpapakita ng mga palatandaan ng pag-iral ng pyudalismo.

Isuma ang mga halimbawang ibinigay at iugnay ito sa pag-iral ng pyudalismo sa buong Pilipinas.

 


M
aglahad ng mga kongkretong datos mula sa mga kasong pinag-aralan mula sa lokalidad.

 

 

 

 

 

 

Ipakita ang kongkretong epekto ng pyudalismo sa mga magsasaka at buong mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga buhay na halimbawa mula sa panimulang PPPU na isinagawa sa baryo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ilinaw ang papel ng imperyalismo sa pagpapanatili ng pyudalismo, at ang ugnayan ng dalawa sa pagpapahirap sa mamamayan.

 

 

 

K. Ang burukratang kapitalismo bilang ugat ng kahirapan ng sambayanang Pilipino

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang burukratang kapitalismo?

Ang burukratang kapitalismo ay ang pagpapatakbo sa gubyerno nang parang negosyo at para sa pagpapayaman ng mga nakaupo sa kapangyarihan.

-Ang malalaking burukrata o upisyal ng reaksyunaryong gubyerno ay pawang mga kinatawan at bahagi ng uring malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa.

2. Paano pinahihirapan ng burukratang kapitalismo ang sambayanang Pilipino?

Sa pamamagitan ng:

a. Pasismo at pagsupil sa mamamayan

b. Pagpasok sa mga di-pantay na kasunduan at pagpapatupad ng mga batas at programa na nagtataguyod ng pagsasamantala ng mga dayuhan at lokal na naghaharing uri

k. Kabulukan sa gubyerno

d. Panlilinlang sa mamamayan

e. Pagsangkot sa kriminal iligal naaktibidad.

 

 

Gamitin ang Biswal 54 – 59.

Ilarawan ang pag-iral nito sa pambansa at lokal na antas; maaaring magtukoy rin ng mga personahe sa pambansa o lokal na antas para higit na makongkreto ang pagkilala sa mga burukratang kapitalista.

Tanungin ang mag-aaral sa pagkakakilala nila sa mga tinukoy na personahe.

Ilinaw ang mga anyo ng pagpapahirap ng mga burukratang kapitalista sa masang anakpawis.

Paglaharin ang mag-aaral sa kanilang karanasan kaugnay nito. Ilinaw ang papel ng lokal na burukrata, AFP, PNP, CAFGU, mga kontrarebolusyonaryong armadong grupo (RPA-ABB, RHB, HMB at iba pa) at mga lokal na maton ng mga naghaharing uri sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga PML at MBK sa lokalidad.

 


D. Ang pagsasabwatan ng tatlong salot sa pagpapanatili ng lipunang malakolonyal at malapyudal

 

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Paano nagsasabwatan ang imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo sa pagpapahirap sa sambayanang Pilipino?

Ang imperyalismong US ang pangunahing nakikinabang at pinakamapagpasyang pwersang nagtataguyod sa kasalukuyang naghaharing sistema sa Pilipinas.  Pangunahing kasangkapan nito ang malaking burgesyang kumprador (MBK) sa pagsasamantala sa sambayanang Pilipino.

Pinapanatili ang pyudalismo para pamalagiing atrasado at nakasandig sa US ang bayan.

Pinag-uugnay ng burukrata kapitalismo at pinangangalagaan ang interes ng imperyalismo at pyudalismo laban sa pagtutol at pakikibaka ng mamamayan.

2. Paano naging malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino bunga ng pagsasabwatan ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo?

Ang malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino ay pangunahing itinatakda ng pagkubabaw ng monopolyong kapitalismo ng US sa lumang pyudal na paraan ng produksyon sa Pilipinas. Ang kongkretong resulta nito ay ang pagkaagnas at pagkalusaw ng natural na ekonomyang nakakasapat sa sarili na naging ekonomyang pangkalakal.

Ang pyudalismo ay pinasisigla at pinananatili ng imperyalismong US para pamalagiing naghihirap ang malawak na masa ng mamamayan, supilin ang pinakamalaking uri, ang uring magsasaka, at manipulahin ang atrasadong kalagayan ng bayan nang sa gayo’y makakuha rito ng murang paggawa at murang hilaw na materyales. Sa ganitong pakahulugan, sinasabi na batayang panlipunan ng imperyalismong US ang pananatili ng pagsasamantala ng mga panginoong maylupa.

Ang mga pundamental na problema ng sambayanang Pilipino ay hindi maaasahang lutasin ng kasalukuyang reaksyunaryong estado dahil, unang-una, likha at papet na instrumento ito ng imperyalismong US at pyudalismo.

 

Talakayin nang buo ang letra D.

Gamitin ang biswal sa paglilinaw ng mga punto.

 














Magbigay ng mga halimbawang malapit sa karanasan ng mag-aaral.

 

 

 


IV. Demokratikong rebolusyong bayan ang tanging solusyon sa mga pundamental na problema ng sambayanang Pilipino.

(Ilahad ang daloy ng paksa. Maaaring talakayin sa loob ng dalawang oras.)

 

A. Ang demokratikong rebolusyong bayan

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Bakit rebolusyon ang tanging solusyon sa pundamental na mga problema ng sambayanang Pilipino?

Hindi kailanman kusang isusuko ng mga dayuhan at lokal na naghaharing uri ang kanilang kapangyarihan sa ekonomya at pulitika.

2. Bakit pambansa-demokratiko ang katangian ng kasalukuyang yugto ng rebolusyong Pilipino?

Pambansang rebolusyon ito dahil pangunahing iginigiit nito ang pambansang soberanya laban sa imperyalismong US at mga lokal na tuta nito.

Demokratikong rebolusyon ito dahil pangunahing inilulunsad ang pakikibakang magsasaka para sa lupa at laban sa katutubong pyudalismo. Itinataguyod din nito ang mga demokratikong karapatan ng malawak na masa ng sambayanan laban sa pasismo.

3. Bakit bagong tipo ang pambansa-demokratikong rebolusyon na inilulunsad sa Pilipinas?

Bagong tipo ang kasalukuyang pambansa-demokratikong rebolusyon dahil ang makauring pamumuno nito ay wala na sa burgesya kundi nasa proletaryado at ang patutunguhan ng rebolusyon ay hindi kapitalista kundi sosyalista.

Hindi maibabagsak ang imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo kung ang malawak na masa ng sambayanan ay hindi pamumunuan ng rebolusyonaryong partido ng proletaryado, ang Partido Komunista ng Pilipinas, sa kataastaasang patnubay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.

4. Ano ang perspektiba ng demokratikong rebolusyong bayan?

Sosyalismo ang perspektiba ng demokratikong rebolusyong bayan. Kagyat na sisimulan ang rebolusyong sosyalista sa tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan.

Ang sosyalismo ay ang sistemang panlipunan na ang kapangyarihang pang-estado ay nasa kamay ng uring manggagawa at ang mga kagamitan sa produksyon ay pag-aaring publiko. Ang sistema ng apropriyasyon ay may katangiang sosyal alinsunod sa katangiang sosyal ng malakihang produksyon. Sa sistemang ito,  planado ang produksyon para sa pakinabang ng buong lipunan.

Ang diktadura ng proletaryado ang bag-as ng demokratikong diktadurang bayan.

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang buong letra A.

Gamitin ang Biswal 60 - 61. 

 

 

Ilinaw ang katangian ng rebolusyong kasalukuyang isinusulong ng mamamayang Pilipino.

 

 

 

 

 

Idiin na ang tagumpay ng DRB ang naglalatag ng materyal na mga kundisyon at nagluluwal ng mga pwersa at mga kaparaanan para sa paglulunsad at pagsusulong ng sosyalistang rebolusyon. Hindi maaaring simulan ang sosyalistang rebolusyon hangga’t hindi naipagtatagumpay ang DRB.

 

 

 

B. Ang mga kaibigan at kaaway ng rebolusyon

Sa paglulunsad ng DRB, mahalagang makilala kung sino ang mga kaibigan at kung sino ang mga kaaway para natutukoy natin kung paano wastong pakikitunguhan ang bawat isa sa mga ito.

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Paano makikilala ang lokal na mga naghaharing uri?

Mga kaaway ng sambayanang Pilipino ang imperyalismong US, malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa na bumubuo ng 1% lamang ng populasyon.

Bilang mga naghaharing uri, sila ang kumokontrol at nagpapasasa sa yaman ng Pilipinas. Kontrolado din nila ang reaksyunaryong gubyerno at mga armadong pwersa nito.

2. Paano makikilala ang bumubuo sa sambayanang Pilipino?

Magkakakampi sa rebolusyon ang proletaryado, uring magsasaka, petiburgesya at sa ilang panahon at limitadong saklaw, ang pambansang burgesya.

Sila ang 99% ng populasyon pero sila ang dumaranas ng pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo.

3. Bakit mahalagang bigyang-pansin ang natatanging mga grupo sa lipunan?

a. Mangingisda. Importanteng-importante sila sa pagkakawing at pagdedepensa sa mga pulo at sa pagpapakain sa mamamayan. Pwede nilang payamanin ang teorya at praktika ng digmang bayan sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa pakikidigmang dagat at pakikidigmang inilulunsad sa mga ilog, lawa at wawa.

b. Pambansang minorya. Marami sa kanila ang naitaboy sa pinakaliblib na lugar, at ang mga ito ay pwedeng gawing makapangyarihang mga base para sa rebolusyonaryong pakikidigma.

k. Setler. Importante sila dahil sila’y inaapi, marami at nasa tereyn na paborable sa armadong pakikibaka. Sa ilang probinsya, ang mga setler ang mayorya ng lokal na populasyon.

d. Kababaihan. Kalahati sa 80M Pilipino. Obhetibong interes ng kababaihan mula sa mga pinagsasamantalahan at inaaping uri at sektor ang pagrerebolusyon. Tanging sa rebolusyonaryong pagbabago ng mga panlipunang kundisyon mabubunot ang magaganit na pang-ekonomya, pampulitika, pang-ideolohiya at sosyo-kultural na ugat ng pangkasarian at makauring pang-aapi sa masang kababaihan.

e. Kabataan. Binubuo ng mga may edad 13-35 taon. 35% sa populasyon. Taglay nila ang kasiglahan ng pag-iisip at pangangatawan. Bukas ang isip nila sa pagbabago, sa pagrerebolusyon. Sila’y bagong pwersa na dumaranas ng pagsasamantala at pang-aapi, interesado at handang makibaka para wakasan ang naghaharing sistema at itayo ang mas maaliwalas na bukas. Sila ang tagapagmana at tagapagpatuloy ng rebolusyon.

4. Bakit mahalaga ang pana-panahong pagsusuri sa mga uri sa proseso ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan?

Pwedeng mangyari na maikaklasipika ang isang tao sa dalawa o higit pang kategorya ng uri. Pwedeng tukuyin ang prinsipal na katangian ng uri ng taong ito batay sa kanyang prinsipal na pinagkakakitaan.

Walang isinisilang na Pula kahit sa mga anakpawis. Sa gayon, dapat bigyan ng nararapat na importansya ang pamantayan ng paninindigang pampulitika at ang proseso ng pagbabago ng ideolohiya.

Kailangan natin ang paulit-ulit na pagsusuri sa mga uri para  tama nating masapol ang mga pagbabago sa pampulitikang aktitud na ibinubunga ng bagong materyal na kundisyon, at ang mga pagbabago sa materyal na kundisyon dahil sa mga pagbabago sa pampulitikang aktitud.

 

Gamitin ang Biswal 62 at Apendiks B: Mga Uri sa Lipunang Pilipino sa pagtalakay sa mga batayang katangian ng bawat uri sa lipunang Pilipino, ang papel nila sa larangan ng ekonomya at paninindigan sa pulitika/rebolusyon.

Magbigay ng mga lokal na halimbawa na pamilyar sa mga mag-aaral. Maaaring magsampol ng proseso o paraan ng pagsusuri ng uri sa baryo.

 

 

 

 

 

 


Gamitin ang Apendiks K: Ang Natatanging
Mga Grupo sa Lipunan sa pagtalakay.

Ilinaw na ang pagbibigay ng Partido ng espesyal na atensyon sa mga grupong panlipunang ito  ay  hindi para palabuin o pawalan ng halaga ang makauring nilalaman kundi para bigyan ng nararapat na atensyon ang partikular  na kundisyong taglay o kailangan ng bawat grupong panlipunan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ipakita ang kahalagahan ng pana-panahong pagsusuri ng mga uri sa pamamagitan ng pagbibigay ng kongkretong halimbawa.

 

 

 


K. Ang tatlong mahahalagang sandatang kailangan para magtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan

Ang tatlong sandata ng rebolusyong Pilipino ay ang Partido Komunista ng Pilipinas, ang Bagong Hukbong Bayan at ang pambansang nagkakaisang prente.

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Bakit kailangan ang makauring liderato ng proletaryado at ng Partido nito, ang Partido Komunista ng Pilipinas?

Ang Partido Komunista ng Pilipinas ang pinakaabanteng kumakatawan at prinsipal na instrumento ng rebolusyonaryong liderato ng proletaryadong Pilipino sa pagtupad sa makasaysayan nilang tungkulin. Binubo ang Partido ng pinakaabanteng mga elemento ng proletaryado at kung gayo’y konsentradong ekspresyon ito ng lakas sa ideolohiya, pulitika at organisasyon ng proletaryado bilang uring namumuno.

Kung wala ang PKP, hindi magkakaroon ng rebolusyonaryong kilusan. Responsable ang Partido sa tamang paggamit ng unibersal na teorya ng MLM sa kongkretong kundisyon ng lipunang Pilipino. Ang praktikal na liderato at mga patakaran nito ang nagtatakda sa takbo ng rebolusyonaryong kilusan. Bilang pangkalahatang pamunuan ng rebolusyong Pilipino, tinitiyak ng Partido na maisusulong ng tamang estratehiya at mga taktika ang rebolusyon.

2. Bakit kailangan ang kilusang magsasaka at ang armadong pakikibaka?

Ang uring magsasaka ang kalakhang pwersa ng rebolusyong Pilipino. Kung wala ang makapangyarihang suporta nila, hinding-hindi magtatagumpay ang demokratikong rebolusyon ng bayan.

Mabubuo lamang ang mga pangunahing armadong pangkat ng rebolusyong Pilipino sa paglulunsad ng gerang magsasaka.  Sa uring magsasaka lamang pwedeng magmula ang malawak na mayorya ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbang Bayan.

3. Bakit kailangang itayo ang saligang alyansa ng manggagawa at magsasaka bilang pundasyon ng pambansang nagkakaisang prente?

Sa pagbubuo lamang ng saligang alyansa ng  manggagawa at magsasaka pwedeng maakit sa pambansang nagkakaisang prente ang mga panggitnang pwersang tulad ng petiburgesya at pambansang burgesya para maihiwalay ang mga pusakal na kaaway. Nagsisilbi ang pambansang nagkakaisang prente sa linyang pampulitika ng Partido. Ang tunay na nagkakaisang prente para sa DRB ay para sa paglulunsad ng armadong pakikibaka.

 

Gamitin ang Biswal 63 – 65.

Diinan sa pagtalakay ang mapagpasyang papel ng PKP sa tagumpay ng DRB at sosyalistang perspektiba ng ating rebolusyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Diinan ang napakahalagang papel ng kilusang magsasaka sa pagsusulong ng armadong pakikibaka sa kanayunan.

 

 

 

 

 

 Ipaliwanag na naisasapraktika ito sa pagbubuo ng mga OKP at ng BHB.

Ilinaw na kailangan ang   pambansang nagkakaisang prente para pakilusin ang pinakamalawak na masang pinagsasamantalahan at inaapi dahil hindi magtatagumpay ang rebolusyon kung PKP at BHB lamang ang kikilos.

 

 

 D. Ang matagalang digmang bayan at ang estratehikong linya ng pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang matagalang digmang bayan?

Ang matagalang digmang bayan ay ang rebolusyonaryong digma na pangunahing inilulunsad sa kanayunan ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at mamamayang Pilipino para kamtin ang tunay na kalayaan at demokrasya.

Sa matagalang digmang bayan pangunahing diin ang pagsusulong ng rebolusyon sa kanayunan. Dito matatagpua ang pinakamahinang kawing sa kapangyarihan ng kaaway, ang malawak na kalupaang paborable sa armadong pakikibaka, at ang masang magsasaka na pangunahing pwersa ng rebolusyon. 

Sa kanayunan, nakakapag-ipon ang rebolusyonaryong mga pwersa ng lakas na pandurog sa kaaway. Hakbang-hakbang na pinapaunlad ang armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at mga baseng rebolusyonaryo hanggang sa mapantayan at sa kalauna’y malamangan at magapi ng hukbong bayan ang armadong pwersa ng kaaway.

Sa paglulunsad ng matagalang digmang bayan, ginagamit natin ang estratehikong linyang kubkubin ang mga lunsod mula sa kanayunan. Matatag nating pinauunlad ang mga base at sonang gerilya sa iba't ibang estratehikong lugar sa bayan. Mula sa ganoong mga base ay maaagaw natin sa wakas ang mga lunsod at makasusulong tayo tungo sa tagumpay sa buong bansa.

2. Ano ang rebolusyonaryong kilusang inilulunsad sa kalunsuran?

Segundaryong tungkulin  na paunlarin ang rebolusyonaryong kilusang lihim, at ang malawak na demokratikong kilusang masa sa kalunsuran. Ang pangunahing katangian ng rebolusyonaryong kilusang inilulunsad sa kalunsuran ay ang pagiging ligal at depensiba.

Sa kalunsuran pinupukaw, inoorganisa’t pinapakilos ang masa ng mga manggagawa at iba pang maralita, gayundin ang petiburgesya (laluna ang mga estudyante’t guro), at iba pang gitnang pwersa para sa mga pakikibakang anti-imperyalista at antipasista, at para suportahan ang rebolusyonaryong kilusan sa kanayunan.

3. Paano ang ugnayan ng rebolusyonaryong kilusang inilulunsad sa kanayunan at kalunsuran?

Ang pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa kanayunan ay nagbibigay-sigla sa rebolusyonaryong kilusan sa kalunsuran. 

Sa kabilang banda, ang rebolusyonaryong kilusan sa kalunsuran ay nagbibigay ng kinakailangang suportang pampulitika, tao at materyal sa rebolusyonaryong kilusan sa kanayunan.

 

Gamitin ang Biswal 66 – 69.

Bigyang diin ang:
a) papel ng kanayunan sa paglulunsad ng matagalang digmang bayan;

b) estratehikong linya ng pagkubkob ng kalunsuran mula sa kanayunan.

Magbigay ng kongkretong mga halimbawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Idiin ang papel ng rebolusyonaryong kilusan sa kalunsuran bilang segundaryo ngunit mahalaga sa pamamagitan ng kongkretong mga halimbawa.

 

 

 

 





Ipasagot sa mag-aaral ang tanong.  Isuma ang mga sagot.

 

 

E. Ang programa ng demokratikong rebolusyong bayan

Pagbubukas ng paksa:

Ipaliwanag na isinasaad ng programa ng demokratikong rebolusyong bayan ang mga saligang prinsipyo, layunin at tungkulin ng demokratikong rebolusyong bayan. Batay ito sa “Programa sa Demokratikong Rebolusyong Bayan” na pinagtibay ng PKP noong 1968. Tinatanggap ito ngayon ng malawak na masa bilang gabay sa pagsusulong sa demokratikong rebolusyong bayan. Napatunayan nang wasto ang pangunahing mga nilalaman nito mula sa rebolusyonaryong pakikibaka sa nakaraang mahigit tatlong dekada. 

Gamitin ang Biswal 70-74.

Maaaring ipabasa at ipaliwanag ang sumusunod:

1. Ang sentral na tungkulin ng demokratikong rebolusyong bayan

Sentral na tungkulin ng demokratikong rebolusyong bayan na ibagsak ang imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo at agawin at konsolidahin ang kapangyarihang pampulitika. Layunin nitong palayain ang sambayanang Pilipino sa dayuhan at pyudal na pagsasamantala at pang-aapi.

2. Ang tungkulin ng demokratikong rebolusyon ng bayan sa larangan ng pulitika

Isang bagong demokratikong republika na pinamumunuan ng proletaryado at nagtutugma-tugma sa mga interes ng lahat ng rebolusyonaryong uri’t saray ang papalit sa kasalukuyang huwad na republika na walang iba kundi papet na likha ng imperyalismong US at mapamwersang instrumento ng mga mapagsamantalang uri. Ang republikang ito ay magkasanib na diktadura ng lahat ng rebolusyonaryong uri’t saray na pamumunuan ng proletaryado.

Kahit hindi pa lubusang naibabagsak sa buong bayan ang reaksyunaryong estado, itatatag na ang demokratikong gubyernong bayan sa mga lugar na nagtagumpay na ang mamamayan

3. Ang mga tungkulin ng demokratikong rebolusyong bayan sa larangang militar

Ang Bagong Hukbong Bayan ang magiging sandigan ng sistema ng demokratikong estadong bayan. Prinsipal na tungkulin nito ngayon na agawin at konsolidahin ang kapangyarihang pampulitika.

Dapat magkaroon ng katangiang masa ang lahat ng armadong pwersa ng bayan at dapat pamunuan ang mga ito ng PKP. Sa proseso ng pagsulong ng armadong pakikibaka mapauunlad ang mga pangunahing anyo ng armadong pwersa ng bayan: ang regular na pwersang makilos, ang mga gerilyang bayan at ang milisyang bayan.

4. Ang mga tungkulin ng demokratikong rebolusyong bayan sa larangan ng ekonomya

Kukumpiskahin at isasabansa ang mga pag-aari ng mga imperyalista, malaking burgesyang kumprador, malalaking burukrata kapitalista at mga taksil.

Magkakaroon ng katangiang sosyalista ang sektor na pang-estado ng ekonomya at magiging namumunong salik sa pambansang ekonomya.

Kukumpiskahin at isasabansa ang lupa ng mga panginoong maylupa at ipamamahagi nang libre sa mga magsasakang walang lupa o kulang sa lupa. Ipapatupad ang prinsipyo ng pantay-pantay na pag-aari ng lupa. Uumpisahan ang mga empresang kooperatiba sa mga may-aring nagbubungkal at iba pang maliliit na prodyuser bilang unang hakbang tungo sa sosyalismo.

Papayagan ang pambansang burgesya na magpatupad ng kapitalistang produksyon pero hindi ito dapat makapangibabaw o makahadlang sa kabuhayan ng sambayanang Pilipino.

Ipapatupad ang prinsipyo ng pag-asa sa sarili sa mga usapin sa ekonomya habang itinatayo ang mga base at sonang gerilya sa kanayunan. Lalahok sa produksyon ang mga rebolusyonaryong pwersa at iiwasang lubos na umasa sa pondong mapapalitaw mula sa kontribusyon, kumpiskasyon o bonong pandigma.

Bago ang pambansang tagumpay, ang mga namumunong organo ng Partido at ang gubyerno ng base ay gagawa ng angkop na mga patakarang pang-ekonomya para sa mga base at kalapit na mga sonang gerilya batay sa kongkretong sitwasyon.

5. Ang mga katangian ng kulturang ipapalaganap ng demokratikong rebolusyong bayan

Ang konsepto ng demokrasyang bayan o bagong tipo ng pambansang demokrasya, ang dapat maging buod ng pangkulturang aktibidad ng rebolusyonaryong kilusang masa. Dapat pangibabawan at ibagsak ng isang pambansa, syentipiko at pangmasang kultura ang imperyalista, pyudal at antipopular na kulturang umiiral ngayon.

Ang sistema sa edukasyon, mula pinakamababa hanggang pinakamataas na antas, ay magiging demokratiko. Ipatutupad ang libreng edukasyon para sa mamamayan sa lahat ng antas.

Dapat palaganapin ang isang rebolusyonaryong kulturang pambansa para labanan ang imperyalistang pang-aapi at maitaguyod ang dignidad at kasarinlan ng bansang Pilipino.   Dapat umugnay ang rebolusyonaryong kulturang ito sa mga kulturang sosyalista at kultura ng bagong demokrasya ng ibang bansa. Kasabay nito, dapat irespeto ang kultura at mga kaugalian ng mga pambansang minorya.

Dapat itaguyod ang paggamit sa pambansang lenggwahe para mapabilis ang pagpapalaganap sa rebolusyonaryong kulturang pambansa.

Kailangang palaganapin ang kulturang tunay na naglilingkod sa mamamayan lalo na sa masang anakpawis. Dapat palaganapin ang syentipikong kultura para labanan ang reaksyunaryong ideyalismong inilalako ng imperyalismo't pyudalismo at pati ang mga pamahiing umiiral pa. Pero ang dapat laging namumunong ubod ng syentipikong kulturang ito ay ang teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Ang kulturang ito ang dapat magsilbing gabay sa praktikal na kilusan ng rebolusyonaryong masa at pati sa pagbabago ng ideolohiya ng mga intelektwal. 

Igagalang ang kalayaan ng mga mamamayan sa paniniwala o di paniniwala sa mga relihiyon. Aktibong ipapalaganap ang syentipikong pananaw at mga prinsipyo ng Marxismo-Leninismo-Maoismo bilang makapangyarihang sandata sa pagrerebolusyon at pagsulong ng lipunan.

6. Ang mga tungkulin ng demokratikong rebolusyong bayan sa larangan ng relasyong panlabas

Pagkatatag sa Demokratikong Republikang Bayan ng Pilipinas, magbubukas ito’t magpapanatili ng relasyong diplomatiko at kalakalan sa lahat ng bayang rumerespeto sa soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa.

Susundin ang mga prinsipyo ng mapayapang pakikipamuhayan:

a) pagrespeto sa soberanya at integridad ng teritoryo ng isa’t isa

b) di pagsasalakayan

k) di pakikialam sa panloob na mga usapin ng bawat isa

d) pagkakapantay at kapakinabangan ng isa’t isa

e) mapayapang pakikipamuhayan sa ibang bayan anuman ang sistema ng lipunan.

Agad ipawawalambisa ang lahat ng di pantay na tratado at kasunduan sa imperyalismong US at iba pang imperyalistang bayan.

Itataguyod ang pinakamatalik at pinakamasiglang pakikipag-ugnayan sa mga kapatid na sosyalistang estado, partido at lahat ng rebolusyonaryong kilusang lumalaban sa imperyalismo, modernong rebisyunismo at lahat ng reaksyon.

 

Pagsasara ng pag-aaral:

Balikan ang layunin at balangkas ng kurso.

Tayain kung nakamit ang layunin ng pag-aaral. Sikaping ilinaw ang mga puntong di gaanong nasapol.