Lesson Plan para sa Isahang Pagtuturo
ng Tatlong Espesyal na Kursong Masa

Layunin ng lesson plan na ito pasimplehin at paikliin ang pagtuturo ng 3 ESKUM upang tiyaking matatapos ito sa isang sesyon ng tuluy-tuloy na pag-aaral. Batay ito sa kalagayang:

1. maraming hindi nakakakumpleto ng 3 ESKUM;

2. napapatingkad ang “sektoral” na subdibisyon ng mga organisasyong masa (makikita hanggang sa pag-oorganisa) imbes na patalasin ang papel ng Rebolusyonaryong Kilusan ng Magsasaka sa Demokratikong Rebolusyong Bayan;

3. may pangangailangang iistandardisa ang pagbibigay ng eskum.

Kailangang nakatapos na ng MKLRP ang bibigyan ng 3 ESKUM.


Layunin:
Magagap ng mag-aaral ang:

1. katangian, kasaysayan at rebolusyonaryong solusyon sa problema sa lupa ng masang magsasaka;

2. kalagayan ng uring magsasaka kabilang ang sektor ng kababaihan at kabataan;

3. papel at tungkulin sa demokratikong rebolusyong bayan ng rebolusyonaryong kilusang magsasaka, kabilang ang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan at kabataan sa kanayunan.

Pagbubukas ng Talakayan:

1. Iugnay ang pag-aaral na ito sa Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (MKLRP).

2. Ilahad ang layunin at balangkas ng pag-aaral.

Balangkas:

Espesyal na Kurso sa Kilusang Magsasaka

I. Sobrang naghihirap ang uring magsasaka dahil sa problema sa lupa
II. Lumaganap at lumubha ang problema sa lupa sa Pilipinas dahil sa panlilinlang at  pangangamkam ng mga mananakop at lokal na PML
III. Demokratikong rebolusyong bayan (DRB) ang makalulutas sa problema ng masang magsasaka at kaakibat na pagsasamantalang pyudal at malapyudal sa kanila
IV. Ang Rebolusyonaryong Programa sa Reporma sa Lupa
V. Ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)

Espesyal na Kurso para sa Kababaihan sa Kanayunan

I. Inaapi at pinagsasamantalahan ang lubos na nakakaraming kababaihang Pilipino sa kasalukuyang lipunan.
II. Ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan ay nakapaloob at nagsusulong sa demokratikong rebolusyong bayan.
III. Ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA)

Espesyal na Kurso para sa Kabataan

I. Pinagsasamantalahan, api at walang kinabukasan ang kabataang Pilipino sa kasalukuyang lipunanII.  Kailangang yakapin at isulong ng kabataang Pilipino ang demokratikong rebolusyong bayan.III. Ang Kabataang Makabayan (KM) ang batayang organisasyong masa ng kabataan sa kanayunan.


ESPESYAL NA KURSO SA KILUSANG MAGSASAKA

I.  Sobrang naghihirap ang uring magsasaka dahil sa problema sa lupa.

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

A. Ano ang problema sa lupa?

Ito ang pagkontrol ng ilang panginoong maylupa (PML) sa malalawak na lupaing agrikultural habang wala o kulang sa lupang sinasaka ang malawak na mayorya ng masang magsasaka.

B. Gaano kalubha ang problema sa lupa?


1. Pag-aari at kontrolado ng iilang PML ang malalawak na lupain.


9,500 PML lamang ang nagmamay-ari sa halos 21% ng kabuuang lupaing agrikultural ng bansa (1991)

2. Laganap ang malubhang kawalan o kakulangan ng lupa ng masang magsasaka. Laganap ang pakikisama.


Sa buong bansa, pito sa bawat sampung magsasaka ang walang sariling lupa. Ang apat sa pito ay nakikisamá. Kung ibibilang pa ang mga magsasakang nawalan ng lupa at napilitang lumikas at mga manggagawang bukid na nagnanais magbungkal ng lupa, mahigit pa sa 85% ng kabuang pwersang paggawa sa agrikultura ang walang sariling lupa.

L
umaganap ang pakikisama.

·1980 – 50% sa 8 M magsasaka ay nakikisama
·1985-1990 - 75% sa magsasaka ay nakikisama at namumuwisan  

Dumadami ang mga manggagawang bukid na noong 2005 ay umaabot na sa 13 milyon. Kabilang dito ang mga maralita at mababang panggitnang magsasaka na nagmamay-ari ng maliit na parsela subalit napipilitang magbenta ng kanilang lakas-paggawa; ang mga magsasakang lubusan o pangunahaing umaasa sa pagbebenta  ng kanilang lakas-paggawa; at, ang mga magsasakang patungo sa lubusang pagkawala ng kabuhayan at pinakamasahol na pagkakabusabos. Marami sa kanila ang lumuluwas sa kalunsuran para sa samutsaring trabaho at nagiging bahagi ng lumalaking bilang ng malaproletaryado sa bansa.

3. Naubos na ang mga prontera, maraming magsasaka ang inagawan ng lupa at tumitindi ang rekonsentrasyon ng lupa sa malalaking PML, kumprador burges at dayuhang korporasyon.

Sa huling bahagi ng dekada 1960 nasaid na ang mga lupaing publiko na pwedeng buksan ng mga magsasakang walang lupa o kapos sa lupa.  


Gumagamit ang PML ng panggigipit, “pandaraya at dahas para kamkamin ang lupa ng mga nagsasariling magsasaka.
Pagsanla hanggang pagkaembargo sa panahon ng kagipitan Ginagamit ng mga PML at imperyalistang US ang reaksyunaryong batas sa pangangamkam ng lupa.


K. Paano pinagsasamantalahan ang masang magsasaka at manggagawang bukid bunga ng problema sa lupa?

Kinikikilan ang masang magsasaka ng upa sa lupa sa anyong hatian o buwisan.  50-80% ng ani ang napupunta sa PML

Dahil kulang ang nakuha sa ani, napipilitang mangutang sa napakataas na interes sa mga usurero na PML din.

Napipilitang magbenta ng lakas paggawa, pana-panahon o permanente sa napakababang sahod (sahurang alipin)
Inaalila o pinagtatrabaho ng PML na walang bayad.

Pandaraya ng mga may-ari ng kiskisan, kumprada,  mataas na upa sa irigasyon at mga makinarya at iba pang kagamitang pansaka, manipulasyon sa presyo, labis na pagpepresyo sa abono at pestisidyo.


Hinuhuthot ng pagsasamanta­lang komersyante ang  napakaliit na kita ng mga magsasaka at manggagawang bukid.

Gamitin ang Eskum Biswal 1 at 2.

Tuluy-tuloy na talakayin ang letra A at B.

Ipabahagi sa mag-aaral kung sinu-sino ang PML sa kanilang baryo, bayan o probinsya.

Ipakita sa pamamagitan ng tsart ang datos na nasa teksto hinggil sa mga PML sa Pilipinas.

Gamitin ang PPPU ng baryo kaugnay sa kakulangan o kawalan ng lupa ng mga magsasaka bilang halimbawa.

Itanong sa mag-aaral kung ilan sa kanila ang may sariling lupa. Likumin ang mga sagot at iugnay sa talakayan. Iugnay ang kalagayan ng mga magsasaka sa baryo sa kalagayan ng mga magsasaka sa iba’t-ibang pananim sa buong bansa.

Gamitin ang tsart ng datos na nasa kaliwa (gumawa ng tsart para dito). 

 

Ipabahagi sa 1 o 2 mag-aaral na may  karanasan hinggil dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Gamitin ang MKLRP Biswal 49-53.



Gamitin ang kongkretong karanasan ng mga mag-aaral hinggil sa:


-  mataas na upa sa lupa

-  usura at ang kalakaran ng pautang sa baryo


-  pagbebenta ng lakas-paggawa

-  pandaraya o pagmamanipula ng mga negosyante sa presyo ng mga produkto ng magsasaka

-  libreng pagpapatrabaho ng PML sa mga kasamá. Ipakita ang laki ng nakakamkam ng uring PML sa antas baryo. Magbigay ng mga halimbawa mula sa karanasan ng ibang lugar sa iba’t-ibang uri ng pananim. (Tingnan ang Apendiks sa Teksto hinggil sa Upa Case Studies)


D. Paano dagdag na pinahihirapan ang mga magsasaka bunga ng atrasadong paraan ng pagsasaka?


MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Maliitan at hiwa-hiwalay na pagsasaka

2. Atrasadong paraan ng pagsasaka

3. Lubhang bulnerable sa mga kalamidad

4. Kawalan ng suportang serbisyo at kapabayaan ng reaksyunaryong gubyerno.

5. Pagsaid sa likas na yaman at malawakang pagwasak sa kapaligiran.

Ilinaw ang epekto ng 1-5 laluna sa mababang saray ng magsasaka.


E. Anu-ano ang mga kasangkapan ng PML para mapanatili at mapalawak ang monopolyo nila sa lupa?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang kapangyarihan sa ekonomya ng PML nagbibigay din ng kapangyarihang pampulitika na ginagamit nila para supilin ang magsasaka para manatili, mapatindi at mapalawak pa ang kanilang pagsasamantala.

1.  AFP – tagapagtaguyod ng interes ng mga PML.

2.  Kontrolado ng mga PML ang reaksyunaryong gubyerno.

3.  reaksyunaryong korte

4. simbahang Katoliko

5.  Asosasyon ng mga prodyuser,  miller at negosyante

6.  Mga organisasyong repormistang inisponsor  ng CIA,  mga NGO at mga renegadong nagtutulak ng repormista at kontrarebolusyonaryong mga programa at naghahasik ng anti-komunismo

7. Ginagamit din ang kultura upang mapanatili at mapalakas pa ang kanilang paghahari. Sa pamamagitan ng simbahan, masmidya at mga paaralan, patuloy na itinatanim sa isipan ang mga asal ng  pagiging sunud-sunoran at pangangayupapa sa mga naghahari, paniniwala sa mga pamahiin, pagpapaubaya sa tadhana o kapalaran, pagsasawalang kibo at pagtitimpi sa kabila ng mga pang-aapi, sistemang patron, at iba pang pyudal na asal at kaisipan.

Ipakita na karamihan sa mga upisyal ng gubyerno (lokal at nasyunal) ay mga PML din at ang paggamit nila sa mga mapanupil na instrumento ng estado.

 

 

 

 

 

 


Magbigay ng mga halimbawa ng mga repormista at kontra-rebolusyonaryong mga organisasyong kinakasangkapan ng mga naghaharing uri (nasyunal at lokal), tulad ng PRRM, PPI, CFP, UNORKA, Peace, IRDF.

 




Awitin ang
Tano o iba pang angkop na awitin bilang pansumada sa talakayan.

G.  Paano higit na pinagsasamantalahan at pinipiga ng imperyalismo at malaking burgesyang kumprador ang uring magsasaka sa kasalukuyan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Higit na pinasisidhi nito ang kontrol sa agrikultura sa pamamagitan ng mga batas at programa ng GATT-WTO. Ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) ay serye ng mga “kasunduan” sa kalakalan na sumasaklaw sa mahigit isandaang bayan, o siyamnapung porsyento (90%) ng kalakalan sa daigdig. Ang World Trade Organization (WTO) ang itinayong organisasyon ng mga bayang sumasailalim sa GATT. Mekanismo ito ng imperyalismo para maipataw sa maliliit at mahihinang bayan ang nais nilang kaayusan sa kalakalan.

Matinding pinahihirapan ang masang magsasaka ng mga kasunduan sa GATT tulad ng sumusunod:

1) Ganap na liberalisasyon ng importasyon o pag-aalis ng nalalabing mga restriksyon na nagpoprotekta sa lokal na mga produktong agrikultural.

2)  Pagtalikod ng gubyerno sa responsibilidad na magbigay ng suporta sa agrikultura tulad ng mga subsidyo sa palay at mais, pestisidyo at iba pa, at mga serbisyo tulad ng patubig at pautang. 

3)  Pagpapalawak ng saklaw ng Mga Karapatan sa Pag-aaring Intelektwal (Intellectual Property Rights o IPR) sa anyo ng patent, copyright at trademark.

4) Pag-aalis ng nalalabing mga restriksyon sa pamumuhunan sa akwakultura. 

 

Ihalimbawa ang pagbaha sa pamilihan ng mga imported na gulay, manok, isda, karne ng baboy at baka at iba pang produktong agrikultural na pumapatay sa maliliit na lokal na prodyuser; ang kawalan ng subsidyo para sa produksyong agrikultural at ang matinding korapsyon sa pondo para dito.


II. Lumaganap at lumubha ang problema sa lupa sa Pilipinas dahil sa panlilinlang at pangangamkam ng mga mananakop at lokal na PML
.

*Gamitin ang Timeline ng kasaysayan ng problema sa lupa sa pagtalakay. Iugnay sa pag-aaral ng kasaysayan sa MKLRP.


III. DRB ang makalulutas sa problema sa lupa at kaakibat na pagsasamantalang pyudal & malapyudal sa masang magsasaka.

A.  Bakit DRB ang solusyon sa problema sa lupa ng masang magsasaka? B.  Bakit kailangang itayo ang demokratikong kapangyarihang pampulitika sa kanayunan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Walang solusyon sa problema ng magsasaka kundi ang maglunsad ng armadong pakikibaka, magsagawa ng rebolusyong agraryo at magtayo ng mga rebolusyonaryong base. Rebolusyong agraryo ang pangunahing nilalaman ng rebolusyong Pilipino. 

Sa pamamagitan ng DRB lamang maaaring maibagsak at mawakasan ang kontrol at dominasyon ng USI, malaking burgesya komprador na pangunahing kasabwat ng imperyalista at mga PML sa bayan.

Sa pamamagitan ng DRB lamang matitiyak na puspusan ang  pagtataguyod sa pakikibaka para sa lupa ng masang magsasaka at makatatanaw sa sosyalistang kinabukasan upang ganap na pawiin ang mga kundisyon para muling makapanumbalik ang kontrol sa lupa ng iilang PML.

 

Gamitin ang Eskum Biswal 3.

Ilinaw na rebolusyong agraryo ang pangunahing laman ng DRB.

 

Ipaliwanag ang tatlong sangkap ng DRB – armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo at pagbubuo ng baseng masa.

 

B.  Bakit kailangang itayo ang demokratikong kapangyarihang pampulitika sa kanayunan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang demokratikong kapangyarihang (DKP) pampulitika ay ang demokratikong rebolusyonaryong lakas na antipyudal ng maralita at panggitnang magsasaka at manggagawang bukid, hukbong bayan at demokratikong gubyernong bayan. Hakbang-hakbang itong itinatayo mula sa antas baryo pataas. 

Dito nakasalalay ang hakbang-hakbang na pagpapabagsak sa kapangyarihan ng PML, pagpapahina sa kapangyarihan ng imperyalismong US at mga lokal na naghaharing uri sa buong bayan.

 

Ipabahagi sa mag-aaral kung ano ang kaibahang nakikita sa baryo noong wala pa ang rebolusyonaryong kilusan at sa kasalukuyan kaugnay sa upa sa lupa, usura at pasahod sa mga manggagawang bukid.

 
Ilinaw ang kahalagahan ng pagtatayo ng PKM, Makibaka at KM sa baryo.

 

K.  Bakit rekisito ang rebolusyong agraryo sa pagtatayo ng demokratikong kapangyarihang pampulitika at pagsusulong ng armadong pakikibaka (AP)?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Sa pamamagitan ng rebolusyong agraryo (RA) lamang mamomobilisa ang higanteng lakas ng masang magsasaka upang maagaw nila ang kapangyarihan sa ekonomya at pulitika mula sa PML. Sa pamamagitan ng RA mabibigkis ang saligang alyansa ng uring proletaryo at magsasaka.

Rebolusyonaryong dahas ang tugon sa kontra-rebolusyonaryong dahas na ginagamit ng uring PML upang panatilihin ang kanilang paghahari sa masang magsasaka. Mabubuo lamang ang mga pangunahing armadong pangkat ng rebolusyong Pilipino sa paglulunsad ng gerang magsasaka. Sa paglunsad ng AP hakbang-hakbang na nakakapag-ipon ng lakas tungo sa ganap na tagumpay ng DRB at RA.

 

Gamitin ang karanasan ng Samar at Cagayan Valley (Apendiks).

 

 

Ipakita bakit sa uring magsasaka nagmumula ang kalakhan ng mga mandirigma ng BHB. Ihalimbawa ang karanasan sa baryo o larangan.

 

 

D. Paano mabibigkis ang pagkakaisa ng uring magsasaka laban sa uring panginoong maylupa ?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Pangunahing umaasa sa maralitang magsasaka, mababang panggitnang magsasaka at manggagawang bukid.

Hinihimok ang gitna at mataas na panggitnang magsasaka.

Ninunyutralisa ang mayamang magsasaka, at

Sinasamantala ang mga kontradiksyon sa pagitan ng naliliwanagan at despotikong panginoong maylupa para ihiwalay ang despotiko at nasa kapangyarihang PML.

 

Ilinaw na dapat pangunahing sumalig sa pinakabatayang saray ng uring magsasaka dahil sila ang pinakainteresadong magsulong ng agreb at armadong pakikibaka.

 

 

E.  Ano ang mga batayang paraan ng pakikibaka at pagkilos at mga porma ng organisasyon ng mga magsasaka para isulong ang rebolusyong agraryo?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Armadong pakikibaka (AP) at iba pang iligal na porma ng pakikibaka at pagkilos ang pangunahing paraan.

Hayag at ligal na mga porma ng pagkilos at pakikibaka bilang suportang pagkilos.

Mahusay na gamitin ang ligal at iligal na porma ng organisasyon ng mga  magsasaka. Ang lihim na mga organisasyong magsasaka ang magsisilbing bag-as ng rebolusyonaryong kilusang magsasaka.

Ang ligal na organisasyon ang daluyan ng iligal na mga pagkilos,  kublihan ng mga organisasyong lihim at tulay para maabot at maugnayan ang ilang mamamayan.

 

Magbigay ng mga halimbawa ng mga nailunsad na pagkilos kaugnay ng pagpapababa sa upa, usura, pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapataas ng presyo ng produkto ng mga magsasaka at iba pa. Ilahad ang itinayong organisasyon at anyo ng pagkilos para isagawa ito. Idiin ang kahalagahan ng lihim na organisasyon at pagkilos.

Maaaring gamitin ang Apendiks – rebolusyong agraryo.

 

 

G. Paano matatag na sumusulong ang rebolusyonaryong kilusang magsasaka sa balangkas ng matagalang digmang bayan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Makikita ito sa mahigit 120 larangang gerilyang nakakalat sa buong kapuluan, sa pagdami at paglawak ng samahang magsasaka, sa paglaki ng BHB, pag-iral at pagtatag ng mga OKP, at pagsigla ng pakikibakang antipyudal sa iba’t ibang porma at saklaw: matagumpay na naibaba ang upa sa lupa, naibsan ang pang-uusura, napataas ang sahod ng mga manggagawang bukid, naibaba ang resiko sa kopra at presyo nilang bilihin at naigiit ang karapatang manatili sa lupang sinasaka. Nawala ang mga mangangalabaw at mga magnanakaw sa baryo. Matagumpay na naparusahan ang mga despotiko at marami ang nanyutralisa para maisulong ang rebolusyong Dagraryo.

Sa mga lugar na may nakatayo nang organo ng demokratikong kapangyarihang pampulitika, nawawalan na ng saysay ang kapangyarihan ng mga PML, burges kumprador at maging ng lokal na burukrasya. Gumagana ang mga hukumang bayan na handang magpairal ng tunay na hustisya na di kailanman nakamit ng mamamayan sa mga korte ng reaksyunaryong estado. Umiiral ang sistema ng depensa at pagpapanatili sa seguridad at kaayusan ng lugar.

Naging aktibo ang kilusang magsasaka sa mga isyung antipyudal, antipasista at anti-imperyalista at nagiging mas malawak at mas mahigpit ang pakikipag-alyansa ng mga magsasaka sa iba’t ibang demokratikong uri at sektor ng lipunan.

 

 

Ibahagi ang mga tagumpay na nakamit ng rebolusyonaryong kilusang magsasaka sa balangkas ng matagalang digmang bayan.

 

 

 

IV. Ang rebolusyonaryong programa sa reporma sa lupa

A.  Ano ang rebolusyonaryong programa sa reporma sa lupa (RPRL)?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Pagwasak sa monopolyo sa lupa ng uring PML at pagpawi sa lahat ng porma ng pagsasamantalang pyudal at malapyudal.

Pagtugon sa mithiin ng masang magsasaka na magkaroon ng sariling lupa. 

 

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang A at B. Idiin na ang RPRL sa esensya ay pagwasak sa pang-ekonomya at pampulitikang kapangyarihan ng uring PML. Ipaliwanag ang minimum at maksimum na layunin ng RPRL.

 

 

B.   Ano ang mga kundisyon sa pagpapatupad ng reporma sa lupa?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

a.  Hakbang-hakbang na ipapatupad ang RPRL batay sa kakayahan at lakas ng rebolusyonaryong kilusan. Habang nag-iipon pa ng lakas ang kilusang magsasaka at AP sa buong bayan, makikibaka para sa minimum na layunin:

- pagpapababa ng upa sa lupa,

- pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid,

- pagpawi ng usura at

- pagpapataas ng presyo ng produkto ng magsasaka. 

- pagpapaunlad ang produksyon at pagtatayo ng karagdagang mapagkakakitaan ng masang magsasaka.

b. Sa tagumpay ng DRB kukumpiskahin at ina-nasyunalisa ang mga lupain ng mga panginoong maylupa, malaking burgesyang kumprador at imperyalista at ipapamahagi ang karapatang magbungkal nang libre sa mga nagbubungkal na walang lupa o walang sapat na lupa.

 

 

 

Gamitin ang Eskum Biswal 4.

Magbigay ng halimbawa mula sa mga karanasan ng baryo.

 

 

 

K. Ano ang nasyunalisasyon ng lupa at bakit kailangan ito sa ganap na pagpapatupad ng rebolusyonaryong reporma sa lupa?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang nasyunalisasyon ng lupa ay ang pagsasabansa ng mga lupain ng mga PML, burgesyang kumprador at mga imperyalista sa ganap na tagumpay ng DRB sa pambansang saklaw. Ang mga lupaing ito ay magiging pag-aari ng estado o ng buong mamamayan. 

Ipagbabawal ang pagbenta at/o pagbili ng mga lupaing nabanggit upang matiyak na hindi na muling makokonsentra ang lupa sa kamay ng iilan. Titiyakin din na mabigyan-daan ang kooperatibisasyon ng indibidwal na pagsasaka.

 

 

Ilinaw na ang patakaran sa nasyunalisasyon ng lupa ay garantiya laban sa pagpapanumbalik ng kapangyarihan ng uring PML o paglitaw ng bagong PML.

 

 

 

D. Ano ang partikular  na mga gabay sa pagpapatupad ng minimum na programa sa reporma sa lupa?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Kaugnay ng upa sa lupa

Ibaba ang upa sa lupa hanggang 10% sa bawat netong ani, o mas mababa pa.

Bilang unang hakbang, maaaring ibaba nang kalahati sa umiiral.

Ibibigay sa demokratikong gubyernong bayan (DGB) ang bahagi ng nabawas sa upa ng lupa sa pamamagitan ng PKM o ng BHB.

Sabay-sabay na itigil ng mga kasama ang pagbayad ng upa sa lupa kung malapit nang kumpiskahin ang mga ari-arian ng PML.

2.  Kaugnay ng usura

Bilang unang hakbang,  ibaba ng 50% ang interes sa usura na umiiral sa lugar

3. Kaugnay ng  gastos sa pagsasaka

4. Kaugnay ng pagpapababa ng paarkila sa hayop at kagamitang pansaka

5. Kaugnay ng anumang klase ng tributo

6. Kaugnay ng sahod

7. Kaugnay ng mga kalamidad

8. Kaugnay ng karapatan sa pagbubungkal

 

 

Magbigay ng kongkretong halimbawa.

Ipakita paano makukuha ang netong ani.

 

 

 

 

 


Basahin ang teksto kung paano pawiin ang usura. Magbigay ng mga halimbawa.

Basahin ang # 3-8 sa teksto. Magbigay ng mga halimbawa

 

 

 

 

E. Paano pakikitunguhan ang mga kaaway at kaibigan ng rebolusyon sa kanayunan sa pagpapatupad ng maksimum na programa sa reporma sa lupa?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1.  Kapitalistang dayuhan at lokal (MBK)

- Mahigpit na ipagbabawal ang pagmamay-ari o kontrol ng malaking kapitalistang dayuhan sa kahit kapirasong lupang agrikultural. 

- Matapos ang pambansang tagumpay ng rebolusyon, kukumpiskahin at isasabansa ng demokratikong gubyernong bayan ang mga lupaing agrikultural na pinatatakbo sa batayang kapitalista.

2. Panginoong Maylupa (PML)

- Kumpiskahan at isasabansa ang lupain nila para maipamahagi sa mga maralita at mababang panggitnang magsasaka.

- Pangunahing target ang PML na malaki,  nangangamkam ng lupa, nasa poder at despotiko.

- Ang naliliwanagang PML (sumusunod sa rebolusyonaryong patakaran sa reporma sa lupa) ay papayagang magmamay-ari ng sariling bahay, personal na pasilidad, at negosyo sa industriya o komersyo, o kapirasong lupang halos kasinlaki ng pag-aari ng mayamang magsasaka, kung sila mismo ang magbubungkal ng lupa.

- Ang mga PML na hindi gumawa ng malubhang krimen laban sa mamamayan ay papartehan ng lupang kapareho ang laki at kalidad sa ibibigay sa maralita at mabababang panggitnang magsasaka kung handa siyang magbungkal ng lupa.

- Paparusahan ayon sa bigat ng krimen ang sinumang gumagamit ng dahas at kontra-rebolusyonaryong hakbang laban sa reporma sa lupa, pero bibigyan ng pagkakataong magkaroon ng ikabubuhay ang ibang myembro ng pamilya nito kung susunod sila sa batas ng demokratikong gubyernong bayan.

3.  Komersyante 

4.  Mayaman at Mataas na Panggitnang Magsasaka

5.  Gitnang-Panggitnang Magsasaka

6.  Maralita at Mababang Panggitnang Magsasaka

7.  Manggagawang Bukid

8.  Maralitang Setler at pambansang minorya

9.  Iba pa

 

 

 

Gamitin Biswal  MKLRP Biswal 7.

Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pakikitungo sa mga kaaway at kaibigan sa rebolusyon. Ipakita ang pagkamakatarungan ng rebolusyonaryong patakaran.

 

Hikayatin ang mag-aaral na magpahayag ng kanilang mga opinyon o maghapag ng mga tanong.

 

 

 

 

 

 

 

  

 

 

 

 

G. Paano itataguyod ang mahusay na kundisyon sa pagtatrabaho at pamumuhay ng manggagawang bukid sa mga sakahang kapitalista?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Lubos na susuportahan ang pag-unyon ng mga manggagawa sa mga sakahang kapitalista para mapahusay ang kundisyon sa pagtatrabaho at pamumuhay nila at makuha ang iba pang benepisyo.

1.   Pakikibaka para sa mahusay na kundisyon sa pagtatrabaho at pamumuhay.

2.   Ang patakaran sa pagrerekrut ng manggagawang bukid sa hanay ng masang magsasaka.

 

 

 

Basahin ang # 1 at 2 sa teksto.

Maaaring magtalakayan tungkol sa umiiral na sistema ng pasahod sa baryo o erya. 

 

 

 

 

 

 

 

 

  

 

 

 

 

H. Paano pangangasiwaan ng demokratikong gubyernong bayan ang gawain sa reporma sa lupa?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Sa pamamagitan ng Komite para sa reporma sa lupa sa bawat antas at sa tulong ng BHB.

1. Momobilisahin ang masang magsasaka ng samahan ng mga magsasaka at mga namumunong organo sa pagsusuri sa uri, atbp….

2. Pulong masa

3. Bubuwisan ang bawat pamilya o bubong sa porma ng produkto o pera.

Ipabasa ang numero 1-3.

Magbigay ng halimbawa.

  

 

 

 

 

 

V.  Ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)

A.   Ano ang Pambansang Katipunan ng mga  Magbubukid (PKM)?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ito ay isang rebolusyonaryong organisasyong masa na binubuo ng mga magsasaka para isulong ang rebolusyong agraryo at DRB.

Gamitin ang Eskum Biswal 5.

Tuluy-tuloy na talakayin ang A-K. Ilinaw na ang pagbubuo ng PKM ay nagsisimula sa pagtatayo ng mga grupong pang-organisa (GP) nito sa baryo.

 

 

 

B. Sino ang maaaring sumapi sa PKM?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Maralitang magsasaka, manggagawang bukid, panggitnang magsasaka, at iba pang mahirap na mamamayang naninirahan sa kanayunan.

Pagkakumpleto sa libreng pamamahagi ng lupa,  ibubukas ang pagsapi sa mayamang magsasaka,  pero hindi sila pwedeng  mahalal sa namumunong mga komite ng PKM.

 

Ipaliwanag ang batayan at proseso sa pagsapi sa PKM.

 

 

 

K. Ano ang mga karapatan at tungkulin ng mga kasapi?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

 

Basahin sa teksto at ipaliwanag.

Maaari ring gumawa ng tsart at gamitin sa talakayan.

 

D. Paano ang sistema ng organisasyon at pagpondo?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Kailangang sundin ng indibidwal ang mga alituntunin at desisyon ng organisasyon. Kailangang sundin ng minorya ang kaisahan ng nakararami.

Tungkulin ng pamunuan ng samahan  na alamin ang mga problema, kalagayan at palagay ng mga kasapi para mabuo ang wastong  desisyon.

Tungkulin ng mga kasapi na ipaabot sa mga namumuno ang nakikitang mga problema, palagay at mungkahi nila para maagap na maaksyunan ang mga ito.

Balangay sa baryo ang batayang yunit ng organisasyon.

Magmumula sa taunang butaw ng mga kasapi ang pondo ng samahan: 

Maralitang magsasaka o manggagawang bukid = P6 o katumbas nito sa butil

Panggitnang magsasaka = P12 o  katumbas nito sa butil       

Ibibigay ito pagkatapos ng anihan.

 

Ipaliwanag ang sistema sa organisasyon at pondo.


Hikayatin ang mag-aaral na magtanong.

 

 

 

 

E.  Ano ang tungkulin ng PKM?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

 

Basahin o ipabasa ang teksto at ipaliwanag. Gumawa ng tsart at gamitin sa talakayan.

 

G. Paano magsisilbing kooperatiba ang PKM?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

 Ipapatupad ang iba’t-ibang porma ng kooperasyon para maitaguyod ang kapakanan ng lahat, mapataas ang produksyon, mabawasan ang gastos sa produksyon, at mapawi ang pangungutang sa mga usurero. Popondohan ang kooperatiba mula sa kontribusyon o sapi ng mga kasapi.

Ang mga lupa ng kooperatiba ang basehan ng para sa mas mataas na antas ng kooperasyon.

 

Basahin ang ikalawang talata sa teksto at ipaliwanag sa pamamagitan ng halimbawa.

Himukin ang mag-aaral na magtanong o magpahayag ng opinyon.

 

 

 

 


ANG ESPESYAL NA KURSO PARA SA KABABAIHAN SA KANAYUNAN

I. Inaapi at pinagsasamantalahan ang lubos na nakakaraming kababaihang Pilipino sa kasalukuyang lipunan.

A.  Ano ang kalagayan ng kababaihang Pilipino?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Bumubuo sila ng humigit-kumulang kalahati sa populasyong Pilipino (80 M sa 2000); 90% nito ay mula sa uring manggagawa at magsasaka.

Ang nabanggit nang mga pinoproblema ng masang magsasaka at manggagawang bukid ay pinoproblema rin ng kababaihan sa kanayunan. Pangunahin nito ay ang kawalan o kakulangan ng lupa bunga ng monopolyo o pag-aari ng iilang panginong maylupa ng malalawak na lupaing sakahan. Dulot nito, matindi silang napagsa­samantalahan. Dumaranas sila sa pagsasamantala at pang-aapi na dinaranas ng mga kauring kalalakihan.

 

Gamitin ang Biswal Eskum-Kab-1.

Ilinaw na ang pagsasamantala at pang-aaping nararanasan ng kababaihang magsasaka ay pangunahing nakaugat pa rin sa kakulangan o kawalan ng lupa. Liban dito, dumaranas pa ng dagdag na pang-aapi at pagsasamantala ang kababaihang anakpawis bunga ng mababang katayuan nila sa lipunan na dulot ng pag-iral ng 4 na awtoridad.

 

B. Paano napatitindi ang hirap at aping kalagayan ng kababaihang anak-pawis bunga ng mababang katayuan ng babae sa lipunan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan bunga ng sistemang malakolonyal at malapyudal, at ng pyudal-burges na kulturang ipinalalaganap ng naghaharing uri:

* Pyudal: Babae ay mahina, pambahay, sunud-sunuran sa asawa

* Burges: Babae ay kalakal, taga-aliw ng lalake.

2. Higit na limitadong karapatang lumahok sa mga usapin tungkol sa gubyerno at lipunan.

3. Mas limitadong oportunidad na makapag-aral

4. Kawalan ng karapatan sa loob ng pamilya.

5.  Biktima ng karahasan at kapabayaan ng gubyerno

 

Magbigay ng mga halimbawa.

 

 

 

K .  Ano ang ugat ng hirap at aping kalagayan ng kababaihang anakpawis?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang sistemang malakolonyal at malapyudal na pinaghaharian ng imperyalismong US, malaking burgesyang komprador at uring panginoong maylupa at ang pagpapalaganap ng mga ito sa pyudal at burges na pananaw sa kababaihan ang dahilan kung bakit pinagsasamantalahan at api ang kababaihan sa lipunang Pilipino.

Sa malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino, laluna sa kanayunan, patuloy na umiiral ang mapang-aping pyudal na mga institusyon ng awtoridad:

1.  awtoridad ng pulitika – haligi ng iba pang awtoridad.  Nakasentro sa PML.

2.  awtoridad ng angkan – Mapagpasya ang pamilya o angkan .

3.  awtoridad ng simbahan – Nagpapalaganap sa pagiging mapagtiis at masunurin sa awtoridad.

4. awtoridad ng lalaki – Napaiilalim ang babae sa poder ng lalaki. 

Sagabal ang 4 na awtoridad at dekadenteng kultura sa lubos na paggamit at pagpapaunlad ng kababaihan sa kakayahan nila.

 

Itanong kung may tanong pa hinggil sa tatlong batayang problema na siyang ugat sa hirap at aping kalagayan ng kababaihang anakpawis.  Magpaliwanag kung kailangan.

 

 

 

Ilarawan kung paano nakapagsasamantala at nakapang-aapi sa kababaihang anakpawis ang 4 na awtoridad. (Iwasang maging kontra-lalaki ang diskusyon).

 

 

 

 


II. Ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan ay nakapaloob at nagsusulong sa demokratikong rebolusyong bayan.

A. Ano ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan ay isang pampulitikang pakikibaka ng kababaihang pinagsasamantalahan at inaapi  laban sa paghahari ng mga kaaway sa uri at sa pyudal at burges na pananaw sa mga babae. Layon nitong bigkisin at pakilusin ang kababaihan para aktibong lumahok sa rebolusyonaryong pakikibaka.

Sa  ngayon, ang kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan ay nakapaloob at nagsisilbi sa DRB.

Ang paglaya ng sambayanan sa paghahari ng tatlong salot ay  isang higanteng hakbang tungo sa paglaya ng kababaihan sa mababa at aping kalagayan sa kasalukuyang lipunan.

Sa sosyalistang rebolusyon, ibayong malilikha ang mga kundisyon para sa pagtatamo ng pantay na katayuan ng babae at lalaki.

Ang kilusan ng kababaihan ay nagsisilbi at napaiilalim sa makauring pakikibaka ng masang anakpawis, ang manggagawa at magsasaka.

 

Gamitin ang Biswal Eskum-Kab-2.

Tuluy-tuloy na talakayin ang # 1–3.

Linawin ang katangian at layon ng kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan, ang pangunahin at iba pang tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa kanayunan.

 

 

 

 

B. Ano ang tatlong pangunahing tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa kanayunan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ang tungkulin sa pag-oorganisa

2. Ang tungkulin kaugnay ng armadong pakikibaka


3. Ang tungkulin sa rebolusyong agraryo at produksyon

Gamitin ang Eskum Biswal 5.

Tuluy-tuloy na talakayin ang A-K. Ilinaw na ang pagbubuo ng PKM ay nagsisimula sa pagtatayo ng mga grupong pang-organisa (GP) nito sa baryo.

 

K. Ano ang iba pang mga tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan sa kanayunan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ipaunawa sa taumbaryo ang kahalagahan ng kilusan sa pagpapalaya sa kababaihan.

2. Ilunsad ang demokratisasyon ng pamilya.

 

Gamitin ang Eskum Biswal 5.

Tuluy-tuloy na talakayin ang A-K. Ilinaw na ang pagbubuo ng PKM ay nagsisimula sa pagtatayo ng mga grupong pang-organisa (GP) nito sa baryo.

 

 

III. Ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA)

 

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

A.  Ano ang MAKIBAKA?

Ito ang batayang organisasyon ng kababaihang taganayon para isulong ang rebolusyonaryong kilusan ng kababaihan;  isang rebolusyonaryong organisasyong nagtataguyod sa pambansa at demokratikong interes ng  mamamayan.

B.  Ano ang mga tungkulin ng Makibaka?

Ang Makibaka ay may tungkulin sa larangan ng pulitika, ekonomya, militar at kultura.

 

Ipakilala kung ano ang Makibaka, paano ito itayo at sino ang maging kasapi nito. 

Basahin sa teksto at talakayin ang mga partikular na tungkulin.  Maaari ring gumawa ng tsart  at gamitin sa pagtalakay.

Awitin ang Martsa ng Kababaihan bilang pagsuma sa subtopiko. 

 

 

ESPESYAL NA KURSO PARA SA KABATAAN

I. Pinagsasamantalahan, Api at Walang Kinabukasan ang Kabataang Pilipino sa Kasalukuyang Lipunan

A. Ano ang mga katangian ng kabataang Pilipino?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Kabataan: 13-35 taong gulang; 37% ng populasyon

Nasa kanayunan ang bulto nito

Nakapaloob sila sa iba’t-ibang uri.

Taglay nila ang kasiglahan ng pag-iisip at
pangangatawan. Bukas ang isip nila sa pagbabago, sa pagrerebolusyon. Sila ang tagapagmana at
tagapagpatuloy ng rebolusyon.

 

Gamitin ang Biswal Eskum-Kbt-1

Ipalarawan sa mag-aaral ang mga katangian ng kabataan sa baryo nila.


Likumin  ang mga sagot at magdagdag ng paliwanag sa pamamagitan ng mga halimbawa.

 

B. Ano ang kalagayan sa kabuhayan ng kabataang Pilipino? 

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Hirap at pinagsasamantalahan ayon sa kanilang uri.  Marami ang nagtatrabaho na bago pa sila umabot sa gulang na 15, at mas mababa pa kaysa sa karaniwan ang kanilang sahod.

Tuluy-tuloy na talakayin ang tanong B-K.

Ipabahagi sa mag-aaral ang kabuhayan ng kabataan sa baryo. Iugnay ito sa kalagayan ng kabataan sa kanayunan sa buong bansa.

Ilarawan din ang kalagayan ng kabataang manggagawa, estudyante, at iba pang petiburges.

 

 

K.  Natatamasa ba ng kabataan ang karapatan nila sa makabuluhang edukasyon?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Hindi.

Limitado ang kanilang oportunidad na makapag-aral.

Matindi ang komersyalisasyon ng edukasyon.

Laman ng edukasyong ibinigay ng gubyerno ang mga ideya at kaisipang  nagsisilbi sa mga imperyalista, MBK at PML. Hinubog ng ganitong edukasyon ang mga kabataang Pilipino para maging makasarili, bulag sa kahirapan ng mamamayan at hiwalay sa kanila, mapamahiin, maamo at sunud-sunoran sa mga naghaharing uri at makadayuhan.

 

Itanong kung anong antas ng edukasyon ang karaniwang naabot ng kabataan sa baryo at bakit; kung may umabot o nakatapos sa kolehiyo.  

Ipabahagi ang obserbasyon nila sa kalagayan ng sistema ng edukasyon sa baryo.

Iugnay ang kalagayan sa baryo nila sa kalagayan ng edukasyon sa bansa.

 

 

D. Nagtatamasa ba ng demokratikong mga karapatan ang kabataang Pilipino?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Hindi,  tulad ng malawak na sambayanan.

Ipinagkakait o sinusupil ang karapatang mag-organisa at mamahayag. 

Iginigiit ng pasistang gubyerno sa kabataan ang reaksyunaryong mga organisasyon – AFP, SK. Pilit na sinasanay sa buhay militar sa eskwelahan – CAT, CMT-ROTC, NSTP

 

Ipabahagi sa 1 o 2  kabataang mag-aaral ang mga demokratikong karapatan na tinatamasa nila, at ang naranasan nilang panunupil ng pasistang estado.

Ipaliwanag ang panggigipit sa mga kabataan – sa lunsod man o kanayunan – ng pasistang gubyerno.  Ihalimbawa ang di na mabilang na kabataang naging biktima ng pagdakip, pagbilanggo, pagtortyur at pagpaslang ng pasistang estado.

 

 

E. Anong klaseng kultura ang pangunahing nakakaimpluwensya sa kaisipan, gawi at pag-uugali ng kabataang Pilipino?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ipinalalaganap ang:

Kulturang makasarili, mapamahiin,  makadayuhan at sunud-sunuran sa naghaharing uri;

Kulturang pasista: “normal” ang pagyurak sa mga karapatan ng mamamayan at ang pagturing sa pasistang gubyerno at AFP na tagapagligtas  ng bayan;

-Dekadenteng kultura: krimen, pagsusugal, paglalasing,  pagdodroga, panghahalay at paglalaro sa kababaihan at iba pang kalaswaan at pagsasayang ng pera at panahon.

2. Ang mga ito ay ipinalalaganap sa radyo, TV, komiks, sine, TV, dyaryo; eskwelahan at simbahan.

3. Hindi wastong nahuhubog ang pag-iisip  at pag-uugali ng kabataan. Inilalayo ng bulok na kultura ang kabataan sa landas ng pagrerebolusyon.

 

Ipabahagi sa mag-aaral ang laganap na kultura (kaisipan,  paniniwala, gawi at pag-uugali)  ng kabataan sa baryo.

Sumahin ang mga sagot.  Ipaliwanag kung paano lumaganap sa baryo ang ganoong impluwensya.

Ilinaw na ganito rin ang nangyayari sa buong bansa  at kung ano ang kahihitnatnan ng kabataan sa ganoong kultura.

 

 

 

 


G.   Ano ang ugat ng mga problema ng kabataang Pilipino?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang paghahari ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo sa malakolonyal at malapyudal na lipunan ang ugat ng mga problema ng mamamayang Pilipino, kabilang ang kabataan.

Linawin na ang paliwanag dito ay katulad din ng sa magsasaka at kababaihan.

 

 

 

 

II. Kailangang yakapin at isulong ng kabataang Pilipino ang demokratikong rebolusyong bayan.

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

A. Paano mababago ang kasalukuyang kalagayan ng kabataang Pilipino?

Para mabago ang kasalukuyang kalagayan ng kabataang Pilipino, kailangang ibagsak ang naghaharing sistema sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan at itayo ang isang lipunang tunay na malaya at demokratiko.

B. Ano ang mga pangunahing tungkulin ng rebolusyonaryong kabataan sa kanayunan?

Ang pagkilos ng rebolusyonaryong kabataan sa kanayunan ay bahagi ng kilusang magsasakang nagsisilbi sa DRB.  Sa kanayunan may tatlong pangunahing tungkulin ang rebolusyonaryong kabataan:

1. ang pagsulong ng kilusang magsasakang nagsisilbi sa DRB sa pamamagitan ng pagsanib at pagkilos sa Kabataang Makabayan (KM);

2. ang pagganap sa gawaing propaganda para ipalaganap ang  pambansa-demokratikong mithiin ng mamamayan at ang pangangailangan sa armadong pakikibaka para makamtan ito;

3. ang paglahok, pagsuporta at pagsusulong sa armadong pakikibaka.

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang A & B.

Linawin na mababago lang ang kasalukuyang kalagayan ng kabaatang Pilipino sa pamamagitan ng pagyakap at pagsulong ng DRB sa tagumpay.

Basa-talakay sa mga   pangunahing tungkulin ng rebolusyonaryong kabataan sa kanayunan.  

 

 

 

 

 

 

III. Ang Kabataang Makabayan (KM) ang batayang organisasyong masa ng kabataan sa kanayunan.

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ang  KM ang organisasyong daluyan ng pagkakaisa at pagkilos ng rebolusyonaryong  kabataan sa kanayunan para isulong ang kilusang magsasaka at DRB.

2. Para magampanan ang papel nito bilang bahagi ng kilusang magsasaka para sa DRB,  may mga tungkulin ito sa larangan ng pulitika,  militar,  ekonomya at kultura.

 

Gamitin ang Biswal Eskum-Kbt-2

Ipaliwanag kung ano ang KM,  paano ito itayo at sino ang maaaring sumapi nito.

Ilagay sa strip ang siniping pangungusap ni Kasamang Mao: ”Kabataan, puno ng lakas at sigla tulad ng araw sa ika-8 o ika-9 ng umaga. Ang daigdig ay sa inyo at sa amin. Ngunit sa huling pagtutuos ito ay sa inyo…”  Kunin ang opinyon ng mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng siping ito.

 

 

Pagsasara: 

1.  Buudin ang eskum magsasaka, kababahihan at kabataan.

2. Isara sa pamamagitan ng pag-awit o pagpapatugtog ng Awit ng Pagbabalikwas, (nasa Mga Kanta ng Rebolusyong Pilipino Vol 2,) o pagtula ng isang angkop na tula.