Lesson Plan para sa Araling Aktibista

Ang Araling Aktibista (ARAK) ay para sa lahat ng organisadong masang nakapag-aral na ng Pangkalahatang Kursong Masa (MKLRP). Pero prayoridad at kailangan itong ibigay sa mga aktibistang nasa antas ng KP at GP at may karanasan na sa pagkilos sa rebolusyonaryong kilusan, sa kanayunan man o sa kalunsuran.

Pagbubukas:
Ilahad ang layunin sa pag-aaral at balangkas ng kurso.

Layunin: Mabuo ang matatag na gulugod at ubod ng pamumuno sa mga rebolusyonaryong samahan at kilusang masa. (Idagdag ang nalikom nang partikular na layunin ng mag-aaral).

Balangkas:

Aralin I – Ang mga saligang rebolusyonaryong aktitud at ang Limang Gintong Silahis
Aralin II – Rebolusyonaryong Pag-aaral at Wastong Paraan ng Pagsusuri
Aralin III – Linyang Masa
Aralin IV – Ang Demokratikong Sentralismo at Sistemang Komite.


ARALIN I

Limang Gintong Silahis at Batayang Rebolusyonaryong Aktitud

Pagbubukas sa Paksa:
Ilahad ang balangkas, konteksto ng pagkakasulat at kahalagahan ng paksa. Maaaring talakayin ang unang aralin sa loob ng 2-3 oras.

Ang Limang Gintong Silahis ay binubuo ng sumusunod na maikling artikulo:

1)
Paglingkuran ang Sambayanan
2)
Ang Matandang Hangal na Nagpatag ng Bundok
3)
Paggunita kay Norman Bethune
4) Bakahin ang Liberalismo
5)
Tungkol sa mga Maling Kaisipan sa Loob ng Partido

Layunin:
Magagap ang paninindigan, pananaw at mga pamamaraan ng pag-iisip at paggawa na dapat taglayin ng bawat rebolusyonaryo para mahusay na maipatupad ang kanyang mga tungkulin.

(Bago mag-umpisa maaaring panoorin ang VCD hinggil sa buhay ng ating mga martir: Armando Teng, Ka Benjie, atbp.)

1. Bakit pinakamahalaga at susing usapin para sa bawat rebolusyonaryo ang tanong na “Para kanino”?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ang tanong na “Para kanino?” ay usapin ng saligang rebolusyonaryong paninindigan. Kapag malinaw nang nasagot ang katanungan na “Para kanino”, ang lahat ng mga pagsisikap, pag-iisip at paggawa ay maitutuon na para sa paglilingkod sa sambayanan at sa kabuuang pagsisikap para mapahina at maibagsak ang mga kaaway.

Sa bawat pagkakataon, sa bawat kilos, ang tugon ng rebolusyonaryo sa tanong na “Para kanino?” ay iisa lamang: para sa masang api at pinagsasamantalahan. Ito ang pinakaubod ng rebolusyonaryong paninindigan.

 

 

Bago ang talakayan, basahin muna ang artikulong Paglingkuran ang Sambayanan.

Tuluy-tuloy na talakayin ang 1 at 2. Ipasagot sa mag-aaral ang tanong. Likumin at isuma ang mga sagot .

Magbigay ng mga kongkretong halimbawa na pagpapakita na tayo nga ay para sa masang api at pinagsasamantalahan.

 

2. Bakit ang palaging pagsasaalang-alang sa interes at kapakanan ng sambayanan ay buong-pusong paglilingkod sa kanila?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Buong-puso nating mapaglilingkuran ang sambayanan kapag lagi nating isinasaalang-alang ang kapakanan ng sambayanan at ang paghihirap ng lubos na nakararami at itinatanim sa dibdib ang malalim na pagkamuhi sa mga kaaway. Dapat maging masigasig sa pag-alam sa mga suliranin at kalagayan ng masa at mahigpit na makisalamuha at makipagkaisa sa kanila para maitaas ang kanilang kamulatan at maisulong ang pagbubuo ng kanilang lakas at organisasyon at maipagtagumpay ang kanilang mga pakikibaka.

Ang buong-pusong paglilingkod sa sambayanan ay nangangahulugan din ng pagwawaksi ng pagkamakasarili, ng pagwawaksi sa pagpapangibabaw ng makitid na pansariling interes sa halip na pangkalahatang interes o interes ng nakararami.

 

Itanong kung paano pinapakita ang buong-pusong paglilingkod sa sambayanan.

Magbigay ng kongkretong mga halimbawa.

Gamitin ang biswal SPPPR 3a at b.

 

3. Bakit dapat linangin ng bawat rebolusyonaryo ang aktitud ng walang humpay at ubos-kayang pagpupunyagi sa wastong linya ng demokratikong rebolusyong bayan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Mga bundok na pinapasan ng masa ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo. Ginagamit ng mga naghaharing uri ang buong kapangyarihan nila para manatili sa poder at lalong mapatindi ang pagsasamantala at pang-aapi nila sa mamamayan. Tanging sa isang rebolusyon mapapalaya ng malawak na masa ng mamamayan ang sarili nila sa tatlong salot ng lipunan.

Kailangang matiyagang maipaliwanag sa masa ang linya ng demokratikong rebolusyong bayan at organisahin ang kanilang hanay. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagpupunyagi sa linyang ito, nabubuo ang kumpyansa ng mamamayan sa katumpakan at sa tiyak na tagumpay ng rebolusyon. Gaano man kalaki at kalakas ang mga kalaban sa ngayon ay tiyak na magagapi ng higit na makapangyarihang nagkakaisang mamamayan. Dapat walang tigil na magpunyagi ang mga rebolusyonaryo sa demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay. Ito ang susing mensahe sa artikulong “Ang Matandang Hangal na Nagpatag ng mga Bundok”.

 

Bago ang talakayan, basahin muna ang artikulong Ang Matandang Hangal na Nagpatag ng mga Bundok. Himukin ang mag-aaral kung ano ang mensahe ng artikulo.

Diinan ang papel ng mamamayan sa DRB. Iugnay ito sa tungkulin ng mga aktibista sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa.

 

 

4. Bakit kailangan nating magpanibagong-hubog bilang mga rebolusyonaryo?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Bilang mga rebolusyonaryo, tungkulin nating iayon ang ating isip, damdamin at gawa sa tunay na saligang interes ng sambayanang Pilipino. Pero taglay pa ng bawat isa sa atin ang mga kaisipan, ugali at gawi na laganap sa kasalukuyang bulok na lipunan. Lumaki tayo sa lipunang ito na pinaghaharian ng mga uring mapang-api’t mapagsamantala. Hanggang ngayon, patuloy tayong naiimpluwensyahan ng bulok na mga kaisipan ng kasalukuyang lipunan. Kaya importanteng tungkulin ng bawat rebolusyonaryo ang pagpapanibagong-hubog sa sarili.

Binabago natin ang ating mga sarili para malinang ang mga saligang rebolusyonaryong aktitud upang mahusay na makapaglingkod sa masa at mabungang makapag-ambag nang ubos-kaya sa rebolusyon.

 

Idiin na ang pagpapanibagong hubog ay isang tuluy-tuloy na proseso, at ang papel ng kolektibo sa pagsasagawa nito.

5. Paano pinahahalagahan ng rebolusyonaryo ang mga gawain at tungkulin sa rebolusyon?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Lubos na pinahahalagahan ng rebolusyonaryo ang kanyang mga gawain at tungkulin sa rebolusyon. Alam niyang ang mga rebolusyonaryong gawain at tungkulin ay bahagi ng dakilang misyon para mapalaya ang sambayanan mula sa mga kuko ng pagsasamantala at pang-aapi. Ang lubos na pagpapahalaga sa mga gawain at tungkulin ay pagtataguyod ng rebolusyonaryo sa interes ng sambayanang Pilipino.

Ang rebolusyonaryo ay seryoso at masinop sa pag-aatupag ng kanyang mga gawain.

Ang rebolusyonaryo ay masigla at masigasig kung kumilos.

Ang rebolusyonaryo ay laging handang gumampan ng mga gawain at tungkulin.

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang 5-8.

Himukin ang mag-aaral na magbahaginan ng kanilang karanasan sa paggampan ng kanilang indibidwal at kolektibong tungkulin. Lagumin ng instruktor ang mga ibinahagi ng mag-aaral.

Ilarawan ang mga katangian ng rebolusyonaryo kaugnay sa pagharap ng mga gawain.

 

6. Ano ang wastong pagtingin sa kahirapan, sakripisyo at kamatayan?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Kinikilala ng rebolusyonaryo na ang kahirapan, sakripisyo at kamatayan ay di maiiwasang bahagi ng pagpapalaya ng sambayanan.

Ang rebolusyonaryo ay handa sa kahirapan, mga sakripisyo at maging kamatayan alang-alang sa pakikibaka. Makabuluhan ang pagsasakripisyo ng rebolusyonaryo dahil ito’y para sa tagumpay ng rebolusyon.

Mulat ang katapangan ng rebolusyonaryo. Iniiwasan niya ang di kinakailangang sakripisyo at kamatayan. Hindi siya basta na lamang sumusuong sa panganib sa simpleng dahilang handa naman siyang mamamatay. Pinag-iingatan niya ang buhay at kaligtasan ng masa, ng kapwa rebolusyonaryo at ng sarili.

 

Idiin na ang mga kahirapan, sakripisyo at kamatayan ay bahagi ng pagpapatupad ng mga gawain at tungkulin sa rebolusyon.

Gamitin ang Arakbiswal-2.

 

7. Bakit ang mamatay na naglilingkod sa sambayanan ay mas mabigat pa sa isang bundok at ang mamatay na naglilingkod sa mga kaaway ay mas magaan pa sa isang balahibo?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang kamatayan ng isang rebolusyonaryo ay isang marangal na kamatayan. Maaaring mamatay ang isang rebolusyonaryo sa iba’t ibang paraan. Subalit hindi ang paraan ng kamatayan ang mapagpasya sa katangian ng kanyang kamatayan. Ang bigat ng kanyang kamatayan ay sinusukat ng kanyang buong-pusong pag-aalay ng sarili para sa sambayanan, ng kanyang walang kapagurang paglilingkod sa masa at pagsusulong sa rebolusyon.

Sa kabilang banda, ang kamatayan ng isang naglilingkod sa mga kaaway ay walang karangalan.

8. Ano ang wastong aktitud sa harap ng mga tagumpay?  

Dapat matyagan ang kayabangan at arogansya; maging mapagkumbaba at huwag magpakalasing sa tagumpay; iwasan ang pagkakampante, pagmamadali o pagluluwag.

9. Ano ang wastong pagtingin sa masa?

Ang masa ang sandigan para makamit ang anumang layuning rebolusyonaryo. Para makamit ang kalayaan, demokrasya at kaunlaran, kailangang sumalig at magtiwala sa masa.

Ang rebolusyonaryo ay kumikilala at bumabalikat ng malaking pananagutan sa masa.

Ang pagtataguyod ng rebolusyonaryo sa pambansa-demokratikong interes ng masa ay matatag na batayan para mabuo ang mahigpit na pagkakaisa ng rebolusyonaryong naglilingkod at ng masang pinaglilingkuran.

10. Paano itinuturing ng rebolusyonaryo ang kapwa rebolusyonaryo?

Ang rebolusyonaryo ay mapagkaisa sa kanyang kapwa rebolusyonaryo, maging iyong hindi pa niya masyadong kilala, iyong hindi pa niya kapalagay o kaopinyon, o iyong nakagawa ng pagkakamali at gusto namang magbago. Ang pag-unawa sa kalagayan ng kanyang kasama at pagsisikap nitong kumilos at maging mahusay na rebolusyonaryo ang inuuna niya.

Maalalahanin at mapagmahal ang rebolusyonaryo sa kanyang mga kasama.

11. Ano ang wastong pagtingin sa punahan at pagpuna-sa-sarili?

Ang rebolusyonaryo ay laging handa na punahin ang kanyang mga kahinaan at kamalian. Bukas siya sa mga puna at lagi niyang ipinangingibabaw ang wasto at mabuti para sa sambayanan. Hindi siya tumatanggi o nag-aatubiling magwasto ng mga kahinaan at kamalian. Lagi siyang handang magbago ng sarili para patuloy na mapaglingkuran ang sambayanan.

Ang punahan at pagpuna-sa-sarili ay isang mabisang paraang kailangan para iwasto ang mga kamalian at pangibabawan ang mga kahinaan. Kailangan ito para patibayin ang pagkakaisa sa loob ng rebolusyonaryong hanay at sa pagitan ng mga rebolusyonaryo at ng masa.

12. Ano ang internasyunalismo?

Sa kasalukuyang panahon ng imperyalismo, mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bayang dumaranas ng di mabatang pang-aapi at pagsasamantala sa pakikibaka laban imperyalismo at lahat ng reaksyon.

Sa pagsulong ng rebolusyong Pilipino, at lalo na sa pagtatagumpay nito, kaalinsabay na napapahina ang imperyalismo sa buong mundo, kaya’t nakakaambag ito sa pagsulong ng pakikibaka ng mamamayan sa ibang bayan. Gayundin, natutulungan tayo ng mamamayan ng ibang bayan na nakikibaka rin sa imperyalismo at iba pang reaksyunaryo.

Internasyunalistang tungkulin natin ang pagsusulong ng dalawang-yugtong rebolusyong Pilipino. Pagkaagaw ng kapangyarihang pulitikal, internasyunalistang tungkulin natin ang pagkonsolida nito, pagtatayo ng demokratikong estadong bayan, at paglulunsad ng sosyalistang rebolusyon. Kailangan ding pahigpitin ang pagkakaisa sa mamamayan ng ibang bayan at patuloy na makipagtulungan sa rebolusyonaryo at anti-imperyalistang mga kilusan at organisasyon sa ibang bayan.

 

Basahin ang tula ni JMS, Paano Maging Bayani (What Makes A Hero).

Humingi ng mga halimbawa sa di tamang aktitud kaugnay sa mga tagumpay – TO, pag-oorganisa, agreb. Basahin ang artikulo ni Mao, Hinggil sa Pagkakampante at Kahambugan.

 

Gamitin ang Arakbiswal -8.

 

 

 

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang 9 at 10.

Itanong kung paano naipakita ang masigasig at responsableng pagkilos sa hanay ng masa.

Magbigay ng kongkretong mga halimbawa sa pagpapahalaga sa pagkakaisang ng rebolusyon-aryong naglilingkod at ng masang pinaglilingkuran.

Gamitin ang Arakbiswal 1 at 13.

 

Humingi ng mga halimbawa paano napapakita ang pagiging mapagkaisa, maalalahanin at mapagmahal sa mga kasama.

Gamitin ang Arakbiswal – 3.


 

 

 

Ipabahagi ang naranasang problema kaugnay sa pps.

Magbigay ng kongkretong paliwanag sa diwang “gamutin ang pasyente para mailigtas ang maysakit”.

Itanong kung bakit kailangan ang regular at palagiang pagdaraos ng punahan at pagpuna-sa-sarili. Iugnay ang praktika ng PPS ay bahagi ng tuluy-tuloy na proseso ng pagpapanibagong-hubog.

Gamitin ang Arakbiswal – 4.

 

 

Basahin ang artikulong Paggunita kay Norman Bethune.

Linawin ang kahulugan at kahalagahan ng internasyunalismo.

 

 

 

 

 

Ilinaw na ang pagtatagumpay ng ating DRB ay isang malaking ambag sa ating tungkuling internasyunalista.

 

13. Anu-ano ang maling mga kaisipan at gawi na nakapipinsala sa interes ng rebolusyon at masa? Paano babaguhin ang mga ito?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

a. Ano ang liberalismo at bakit kailangang bakahin ito?

Liberalismo ang pag-ayaw o pag-iwas sa aktibong tunggalian sa ideolohiya. Pag-ayaw o pag-iwas ito sa malinaw na pagtukoy kung alin ang tama at rebolusyonaryong mga ideya, patakaran at pagkilos, at alin naman ang mali at di rebolusyonaryo. Pag-ayaw o pag-iwas ito na itaguyod ang tama at iwaksi ang mali. Dapat bakahin ang liberalismo dahil taliwas ito at inuuk-ok ang makaprinsipyong pagkakaisa sa hanay ng mga rebolusyonaryo. Sa halip, itinataguyod nito ang di makaprinsipyong kapayapaan, ang pag-iral at paglaganap ng mali at di rebolusyonaryong ng mga ideya, patakaran at kilos.

Repleksyon lamang ito ng pag-iral ng tunggalian ng linya, ng tama at mali, at ng pagkakaroon ng mga limitasyon at kahinaan sa hanay ng mga rebolusyonaryo

 b. Anu-ano ang mga anyo ng liberalismo?

Ang liberalismo ay makikita sa 11 tampok na mga kaisipan at gawi

 k. Paano babakahin ang liberalismo?

Para mahigpit na mabaka ang liberalismo, kailangang iwaksi ang makasariling interes at ipauna ang interes ng nakararaming masang pinagsasamantalahan at inaapi. Sa gayon, maisasagawa ang mga pakikitunggaling pang-ideolohiya at mabubuo ang pinakamatatag na makaprinsipyong pagkakaisa sa ating hanay.

d. Ano ang pananaw na lantay-militar, saan nagmumula ito, at paano ito maiwawasto?

Lantay-militar ang pananaw na magkahiwalay at magkabangga ang pulitika at militar, at tumatangging ipailalim at pagsilbihin sa pulitika ang mga usapin at gawaing militar. Itinuturing nitong tanging tungkulin ng hukbong bayan ang paglaban, at itinatangging tungkulin nito ang pagsasagawa ng propaganda sa masa at produksyon para sa rebolusyon.
Nagmumula ang lantay pananaw-militar sa kakulangang maunawaan ang halaga ng pampulitikang pamumuno sa hukbong bayan at ang nag-iiba sa HB sa reaksyunaryong H ay ang magkaibang pinagsilbihang pulitika ng mga ito.

Maiwawasto ang lantay na pananaw-militar sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamulatan sa ideolohiya at pulitika ng rebolusyonaryong pwersa.

e. Ano ang ultrademokrasya at pagsuway sa disiplina sa organisasyon, at paano maiwawasto ang mga ito?

Ultrademokrasya ang labis na pagpapahalaga o paggigiit sa demokrasya nang lumalabas o hindi nagagabayan ng mga prinsipyo ng organisasyon. Hindi isinasaalang-alang, bantulot sa pagpapatupad, kung hindi man tahasang nilalabag, ang mga prinsipyo, patakaran, tuntunin o desisyon ng organisasyon.

Makikita naman ang pagsuway sa disiplina sa organisasyon sa sumusunod:

a. Pagtanggi ng minorya na sumunod sa mayorya.

b. Pagpuna nang walang pagsasaalang-alang sa disiplina sa organisasyon.

Kapwa nakakasira sa pagkakaisa at nakakapagpahina ng organisasyon ang mga ito at nakaugat sa petiburges na pagkamakasarili o indibidwalismo at pag-ayaw sa disiplina.

Para maiwasto, kailangang mabunot ang ugat na petiburges na pagkamakasarili o indibidwalismo at ang pag-ayaw sa disiplina sa organisasyon sa pamamagitan ng edukasyon at tunggaliang pang-ideolohiya.

g. Ano ang indibidwalismo at paano ito maiwawasto?

Indibidwalismo ang labis ng pagpapahalaga sa sariling kapakanan samantalang ipinapailalim dito o isinasantabi ang kapakanan ng organisasyon at ng rebolusyon. nakikita ang tunguhing indibidwalismo sa sumusunod na mga anyo: 1). Pagganti 2). mentalidad na “maliit na grupo” 3). mentalidad na empleyado 4). paghahanap ng aliw 5). pagpapasibo o kawalang-sigasig 6). pagnanais na “bumaba” o “magpahinga” 7). kanya-kanyang kaharian. 

Dahil sinasalamin ng indibidwalismo ang petiburges at burges na mga kaisipan sa loob ng rebolusyonaryong kilusan, edukasyon sa ideolohiya ang pangunahing paraan ng pagwawasto.

h. Ano ang suhetibismo at paano ito maiwawasto?

Suhetibismo ang maling pagtingin o pagsusuri sa kalagayan, gawain, at maging sa mga kasama. Ibig sabihin, hindi ito umaayon sa obhetibong katotohanan.

Mauugat ang suhetibismo sa di proletaryo at di syentipikong pananaw at paraan ng pag-iisip. Nakakapinsala ito sa organisasyon dahil nagbubunga ng maling mga patakaran at desisyon, at naglilikha ng di makaprinsipyong mga tunggaliang nagpapahina sa organisasyon.

Para maiwasto ito, kailangang ipalaganap at itaguyod ang proletaryo at syentipikong paninindigan, pananaw at paraan ng pagsusuri sa mga bagay-bagay.

i. Ano ang labi ng putsismo at ideolohiya ng mga pangkat ng rebeldeng lagalag at paano ito maiwawasto?

Ang labi ng putsismo at ideolohiya ng mga pangkat ng rebeldeng lagalag ay kapwa di proletaryong mga kaisipan na nagbubunsod ng kawalan ng disiplina, katamaran sa gawain sa pulitika at produksyon,bulagsak at labis na mapusok at mapaminsalang mga kilos na kilos sa loob ng hukbong bayan.

Nakaugat ang mga labi ng putsismo sa ideolohiyang lumpenproletaryo at petiburges. Ang ideolohiya ng mga pangkat ng rebeldeng lagalag naman ay nagmumula sa kaisipan ng malaproletaryo at lumpen-proletaryong mga lagalag.

Para maiwasto ang mga labi ng putsismo at ideolohiya ng pangkat ng rebeldeng lagalag, kailangang maiwaksi ang makauring ugat ng mga ito sa pamamagitan ng edukasyon at aktibong tunggalian sa ideolohiya; pagpapasampa sa hukbong bayan ng mas maraming militanteng masa mula sa hanay ng mga manggagawa at maralitang magsasaka; mahigpit na disiplina sa hukbong bayan at pagsabak ng mga yunit sa gawaing masa at produksyon.

 

 

Basahin ang artikulong Bakahin Ang Liberalismo (Setyembre 7, 1937)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Gumawa ng chart ng 11 tampok na mga anyo ng liberalismo. Tuluy-tuloy na talakayin ang a-k. Linawin kung ano ang liberalismo at bakit kailangang bakahin ito.

Magbigay o humingi sa mag-aaral ng halimbawa mula sa kongkretong karanasan sa bawat tipo ng liberalismo.

Talakayin kung paano babakahin ang liberalismo at kung paano matutulungan ang mga kasama na bakahin ang liberalismo.

 

Basahin ang artikulong Tungkol sa mga Maling Kaisipan sa Loob ng Partido. Gumawa ng tsart ng mga maling kaisipan.

Talakayin ang bawat maling kaisipan. Magbigay ng kongkretong mga halimbawa sa paglarawan ng mga ito.

Diinan ang mga pinsalang dulot ng bawat maling kaisipan sa loob ng Partido.

Diinan ang makauring ugat ng mga maling kaisipang ito at kung paano maiwawasto ang mga ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bilang pagsasara ng Aralin I, sumahin ang saligang mga rebolusyonaryong aktitud:

1. Buong-pusong paglilingkod ng sambayanan

2. Walang humpay at ubos-kayang pagpupunyagi sa wastong linya.

3. Nagpanibagong-hubog bilang mga rebolusyonaryo

4. Taglay ang wastong pagtingin sa kahirapan, sakripisyo at kamatayan; ang wastong aktitud sa harap ng mga tagumpay; at wastong pagtingin sa punahan at pagpuna-sa-sarili

5. Mapagkaisa sa masa at kapwa rebolusyonaryo, kahit yung hindi mkapalagay o nagkakamali.

6. Walang tigil na binabaka ang liberalismo at ang mga maling kaisipan.

7. May internasyunalistang diwa.

 


ARALIN II
Ang Rebolusyonaryong Pag-aaral at Wastong Paraan ng Pagsusuri

Pagbubukas sa Paksa:

1. Gumawa ng strip sa sinabi ni Mao: “ang kumilos na parang ‘isang nakapiring na taong nanghuhuli ng maya’ o ‘isang bulag na nangangapa ng isda’, ang maging padaskul-daskol at pabaya, ang magdaldal lamang, ang magkasya na lamang sa katiting na nalalaman—ito ang napakasamang estilo ng marami pa nating mga kasama” at idikit sa blakbord.

2. Itanong kung ano ang pagkaunawa nila dito.

3. Idiin na magpunyagi tayo sa rebolusyonaryong pag-aaral upang mapahusay natin ang ating rebolusyonaryong pagkilos.


A. Ano ang Rebolusyonaryong Pag-aaral?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Bakit mahalaga ang pag-aaral?

Dahil ang kailangan sa rebolusyon ay mulat na pagkilos. Mapanganib para sa masa at sa rebolusyon ang kilos na ipinapaubaya sa tsamba o pagbabakasakali. Ang bawat hakbang ay nakabatay sa kongkretong pag-aaral sa kalagayan at mga pangangailangan ng rebolusyon.

Rebolusyonaryo pag-aaral: paglahok sa kolektibong mga talakayan, pagbabasa ng mga aklat at iba pang lathalain, pananaliksik, pagsisiyasat, at pagsusuring ginagawa sa mga pagtatasa, paglalagom at pagplano ng gawain.

Ang paksa ng rebolusyonaryong pag-aaral ay ang lipunan at rebolusyon; ang mga ideya o teorya na naglilinaw sa kalagayan ng mga uri sa lipunan at ang kanilang tunggalian.

Tanging layunin natin sa pag-aaral ang mapahigpit ang paggagap sa mga bagay-bagay upang mas mabisang mabago ang mga ito.

2. Bakit mahalaga ang pag-aaral tungkol sa demokratikong rebolusyong bayan?

Ang pag-aaral hinggil sa DRB ay napakaimportante dahil itinuturo nito ang wastong pagsusuri sa kalagayan ng lipunang Pilipino, ang ugat ng mga suliranin ng mamamayan, at ang mga paraan ng paglutas nito. Ang rebolusyon ay isang syensya. Sa pakikipagtunggali sa mga kaaway kailangang matalinong pag-aralan ang mga usapin at batas ng pagrerebolusyon, paano mahusay na makikitunggali at makikilaban ang masa para magapi ang mga kaaway.

Mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan at rebolusyong Pilipino ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa pag-aaral naman natin sa bawat lugar na kinikilusan, napakahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng lugar para magagap ang katangian ng lugar, mga suliranin, at ang kasaysayan ng pakikibaka ng masa.

Tuluy-tuloy na pag-aaral sa DRB ang dapat gawin ng mga rebolusyonaryo.

3. Ano ang pagsisiyasat?

Ang pagsisiyasat ay ang pagkuha ng tunay o wastong impormasyon hinggil sa kalagayan at mga pangyayari.

Ang panlipunang pagsisiyasat ay pag-aaral sa kalagayan ng mga uri sa tunay na buhay. Mahalaga ang panlipunang pagsisiyasat dahil inililinaw nito sa atin ang target, paraan at direksyon ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa.

Ang pagsisiyasat sa pagpapatupad ng gawain, plano o programa ay ang paglikom ng datos hinggil sa tinakbo ng pagpapatupad.

Ang wasto at sapat na impormasyong nakukuha natin sa pamamagitan ng pagsisiyasat ay mahalaga, at kailangan para makabuo ng wastong mga desisyon, plano at programa sa pagkilos.

4. Ano ang pagsusuri at bakit ito mahalaga?

Sa pamamagitan ng pagsusuri nasasapol natin ang katangian ng mga bagay o pangyayari na sinusuri; nauugat natin ang mga dahilan at paraan ng pag-unlad ng mga ito.

Sinasagot natin sa pagsusuri ang mga tanong na “Bakit?”, “Paano?” at “Ano ang katangian at ugnayan?” Sa gayon, nagkakaroon tayo ng mas buo at mas malalim na pag-unawa sa mga bagay at pangyayari.

Tuluy-tuloy at magkaalinsabay ang pagsasagawa ng pagsusuri at pagsisiyasat. Kahit magkahiwalay na gawain o aktibidad, nagsasalimbayan ang mga ito sa iisang proseso. Matapos magsiyasat, sinusuri natin ang datos. Nagbubuo tayo ng mga kongklusyon at desisyon na isinasapraktika. Muli nating sinisiyasat ang pagpapatupad nito, at muling sinusuri ang mga nagawa at pangyayari upang batay dito ay muling gumawa ng kongklusyon at desisyon para higit pang isulong ang rebolusyonaryong gawain.

5. Ano ang pagtatasa?

Ang pagtatasa ay isang anyo ng pagsusuri. Dalawang klase ng pagtatasa ang karaniwan nating ginagawa: ang pagtatasa ng gawain at ang pagtatasa ng kalagayan. Ang pagtatasa ng gawain ay ang pagsusuri para masukat kung ano ang katayuan o naabot sa pagtupad ng programa o plano. Ang pagtatasa naman ng kalagayan ay ang pagsusuri sa katangian ng sitwasyon at ng antas ng tunggalian ng mga uri sa lipunan.

Ang pagtatasa ay nagbibigay sa atin ng tuwiran, kagyat at ispesipikong batayan sa wastong pagpaplano at pagtupad ng ating mga gawain.

Nakabatay ang mga plano sa pagtatasa ng inabot na antas ng gawain. Kung gayon, binabago ang mga plano at kilos ayon sa mga pagbabago at pag-unlad na natutukoy sa patuloy na mga pagtatasa ng gawain.

6. Ano ang paglalagom?

Ang paglalagom ay ang pagsusuri ng ating positibo at negatibong karanasan para humalaw ng mga aral. Ang mga kongklusyong nabubuo natin sa paglalagom ay mga pangkalahatang aral na nakakagabay sa ating pagkilos.

Karaniwang nilalagom natin ang karanasan sa pagkilos ng masa, sa pamumuno sa masa at sa pagkilos ng organisasyon.

Matapos mailinaw ang mga datos at resulta ng pagkilos, ayon sa saklaw ng panahon at karanasang nilalagom, pinapansin natin ang:

a) pagsulong, pagkabalaho o pag-atras ng pagkilos; ang mga dahilan at kalagayang nagbunsod nito; at mga aral na mahahango rito.

b) mga tampok na kalakasan, kahusayan, kahinaan at kamalian sa pagkilos; ang mga kalagayan at pananaw na nagbunsod ng mga ito; at ang mga aral na mahahango rito.

Ang paglalagom ay mahalagang bahagi ng ating pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglalagom, mapapahigpit natin ang pag-unawa sa mga prinsipyo ng rebolusyon batay sa naging karanasan mismo.

7. Paano ang buong proseso ng pag-alam at ng rebolusyonaryong pag-aaral?

Alamin natin ang katotohanan mula sa pangyayari. Ayon kay Mao, “Ang mga ‘pangyayari’ ay lahat ng bagay na obhetibo (o kongkreto) na umiiral; ang ‘katotohanan’ ay ang panloob na pagkakaugnay-ugnay nila, iyong mga batas na sumasaklaw sa kanila; at ang ‘pag-alam’ ay pag-aaral.”

Ang pag-alam sa kalagayan at ang pagkilos para baguhin ito ay isang tuluy-tuloy na proseso.

Mahalagang bahagi sa buong prosesong ito ang pagtatasa sa sariling pwersa: pagtatasa ng buong yunit sa sariling pagkilos at kalagayan, at pagtatasa sa pagkilos at gawain ng bawat isa. Dito pumapasok ang punahan at pagpuna-sa-sarili.

 

Iugnay ang pagtalakay sa karanasan ng mag-aaral sa produksyon o paghahapbuhay tulad ng pag-aaral nila sa pagpili ng binhi, kung ano ang magandang palahian sa paghahayupan at ang mahusay na pag-aalaga ng mga ito, atbp. (batay sa katangian ng mag-aaral)

Linawin kung ano ang pag-aaral.

Idiin na ang pag-aaral ay hindi lang pagbabasa ng libro. Napakahalagang bahagi ng rebolusyonaryong pag-aaral ang pag-aaral sa kalagayan at sa praktika, gaya ng panlipunang pagsisiyasat, pagsusuri sa uri, at iba pa.

Linawin ang rebolusyonaryong pag-aaral.

Idiin ang tanging layunin ng pag-aaral.

Gamitin ang Arakbiswal – 5.

 





















Itanong sa mag-aaral kung nakapaglulunsad ba sila ng pana-panahong PPPU; pag-aaral at pagsusuri sa mga problemang kinakaharap ng masa sa baryo o eryang kinikilusan; pag-aaral at pagsusuri sa mga usaping nakakaharap sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa.

Idiin na ang layunin ng pag-aaral ng mga prinsipyo sa drb ay upang magabayan tayo sa pagsusuri at paglutas ng mga problemang makakaharap natin sa pagkilos, at ang tuluy-tuloy na pag-aaral.

Tuluy-tuloy na talakayin ang tanong #3 at 4.

Case Study: gamitin ang gabay sa PPPU sa antas GP-KP upang ilinaw ang mga hakbangin sa pagsisiyasat at pagsusuri. (ihanda ito)

Idiin na ang pagsisiyasat at pagsusuri ay isang tuluy-tuloy na gawain.

Gamitin ang Arakbiswal – 6.

Sa ginamit na case study, ipakita ang ugnayan ng pagsisiyasat at pagsusuri.

 

 

 

 

 

 

 Tuluy-tuloy na talakayin ang 5 at 6.

Magbigay ng halimbawa ng isinagawang pagtatasa ng gawain at pagtatasa ng kalagayan.

Diinan ang kahalagahan ng palagian at napapanahong pagtatasa at ang ugnayan nito sa pagpaplano sa pamamagitan ng angkop na halimbawa (depende sa katangian ng mag-aaral).

 

 

 

 

 

Maghanda ng angkop na case study ng paglalagom ng isang gawain o kampanyang isinagawa (halimbawa sa agreb o gawaing militar sa lugar na kinikilusan) at gamitin ito sa pagtalakay.

Idiin na sa paglalagom natututo tayo kapwa sa positibo at negatibong karanasan para patuloy na paunlarin ang ating kaalaman at pag-unawa sa ating mga gawain at tungkulin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Gamitin ang naunang case study sa PPPU para kongkretong maipakita ang buong proseso ng pag-alam at rebolusyonaryong pag-aaral.

 


B.  Paano Wastong Sinusuri ang mga Bagay at Pangyayari

1. Ano ang pinagbabatayan ng wastong pagsusuri?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Nakabatay ang wastong pagsusuri sa kongkreto, aktwal, tunay, o obhetibong mga kalagayan at pangyayari. Kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan ang tanging wastong paraan ng pagsusuri.

Madalas mangyari na mahirap gumawa ng tamang kongklusyon—halimbawa mahirap matukoy ang tunay na katangian o dahilan ng isang problema—dahil kulang pa sa kongkretong datos o may kakulangan sa wastong pagsusuri o pagproseso sa datos o kulang sa paggamit ng mga prinsipyo na gumagabay sa pag-uugnay-ugnay ng kalat-kalat na datos.

Nangyayari pa nga na maling mga kongklusyon ang nararating, kahit sapat ang datos na pinagbabatayan dahil sa maling pagsusuri, na karaniwang bunga ng maling pag-uugnay-ugnay ng datos.

Magsimula sa mga tunay o aktwal na mga pangyayari at kongkretong mga datos ng kalagayan. Pag-aralan ang ugnayan ng mga datos, pangyayari, at iba pa. Alin ang mahalaga, alin ang hindi? Alin ang totoo, alin ang mali? Paano ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari? Ito ang pinagbabatayan ng wastong pagsusuri.

 

 

Gamitin ang naunang case study sa PPPU para kongkretong maipakita ang buong proseso ng pag-alam at rebolusyonaryong pag-aaral.

 

Case study ng pagtatasa ng isang gawain ng yunit, maaaring kaugnay sa gawaing militar, pag-oorganisa o kampanyang masa o pag-aayos ng isang problema o tunggalian sa hanay ng masa. Tuunan ng pansin kung paano naabot ang konklusyon o pagsusuri at pagpapasya sa kaso o usapin.


2. Bakit natin sinasabi na lahat ng bagay ay nagbabago?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

a. Ang lahat ng bagay ay nagbabago. Walang anumang bagay ang masasabi nating yari o ganap na kaya’t hindi na magbabago. Kung pagmamasdan natin ang kapaligiran, ang kalikasan at ang lipunan ng tao, makikita nating patuloy na nagbabago ang mga bagay-bagay—pati na ang tao. Bawat bagay ay may pagsibol, pag-unlad at paglipas. May mga pagbabagong dahan-dahan, may mga biglaan naman. At ang pagbabago ay nangyayari sa buong proseso ng pag-iral ng bagay, mula sa umpisa hanggang sa wakas nito.

b. Ang kaalaman ng tao ay bunga ng pag-aaral sa pagbabago, paggalaw o pag-iral ng mga bagay. Kasabay ng pag-unlad ng lipunan, patuloy ding umuunlad ang kaalaman ng tao. Sumusulong ang kaalaman ng tao sa pagsusuri na wastong tumutuklas sa mga dahilan at paraan ng pagbabago. Sa pag-unlad ng kaalaman ng tao, aktibo at mabisa siyang nakakakilos sa pagbabago ng mga bagay para sa kanyang pakinabang.

k. Ang kaalaman na mauunawaan ng tao ang mga bagay sa pamamagitan ng pag-aaral sa pagbabago ang nagbibigay sa atin ng tibay ng loob at tatag ng kapasyahan sa harap ng problema at mahirap na sitwasyon. Itinuturo nito sa atin na kapag wasto nating masusuri ang kalagayan, mauunawaan natin kung paano lulutasin ang problema at haharapin ang mahirap na sitwasyon.

 

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang 2 at 3. Gumamit ng mga simpleng halimbawa na nakikita sa paligid. Hikayatin ang mag-aaral ng mga halimbawa.

Gamitin ang Arakbiswal – 7.

 


3. Ano ang dahilan ng pagbabago ng mga bagay?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Bawat bagay ay may dalawang panig o aspeto na magkasalungat at nagtutunggalian. Ito ang tinatawag nating kontradiksyon. Ang katangian ng bagay ay itinatakda ng kontradiksyon, at ang pag-unlad at pagbabago ng bagay ay itinatakda ng pagtutunggalian ng dalawang aspeto ng kontradiksyon. Kung gayon, ang dahilan ng pagbabago ng anumang bagay ay nasa loob, o kaibuturan, at wala sa labas nito.

Nag-iimpluwensya naman ang mga panlabas na kalagayan sa pagbabago ng bagay. Walang bagay ang umiiral nang hiwalay sa kanyang paligid. Sa kanyang paggalaw at pag-unlad, nakakaugnay nito ang iba pang bagay sa paligid. Ito ang panlabas na mga kalagayan na nakapagpapabilis o nakapagpapabagal sa pagbabago ng bagay.

Gamitin ang halimbawang nasa teksto (pagbabago at pag-unlad ng lipunang Pilipino at pag-unlad ng isang kasama) sa pagpapakita ng dahilan sa pagbabago ng mga bagay at ang impluwensya ng panlabas na kalagayan sa pagbabago ng bagay.

Maaari ding gamiting halimbawa ang hinggil sa produksyon - ang ugnayan ng binhi, lupa, tubig, init, etc. sa pagtubo ng mga tanim; o ang ugnayan ng iba’t-ibang sangkap ng paghahayupan; ang iba’t-ibang aspeto ng isang kampanyang masa; pagtatayo at pag-unlad ng organisasyong masa, atbp.


4. Bakit natin sinasabing ang “paghahati ng isa sa dalawa” ang wastong paraan ng pagsusuri?


MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang pagsusuring naghahati ng isa sa dalawa ang wastong paraan ng pagsusuri. Inaalam natin ang dalawang aspeto na bumubuo sa kontradiksyon. Inaalam natin kung alin sa dalawang aspeto ang nangingibabaw o prinsipal. Ihinahambing natin ang isang bagay sa iba pa upang malaman ang esensyang komun sa kanila. Iniiba natin ang bagay na ito sa iba pa upang mapalamnan at mabuo ang pag-unawa sa bagay na sinusuri. Inaalam natin kung paano umunlad ang kontradiksyon o ang pag-aaral sa kasaysayan .

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang 4-7. Gamitin ang halimbawang nasa teksto o ang lipunang Pilipino sa pagtalakay ng mga punto.

5. Sa isang karaniwang bagay, ano ang pangunahing nagtatakda ng pagbabago?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Sa simpleng bagay o proseso, ang prinsipal o nangingibabaw na aspeto ng kontradiksyon ang nagtatakda sa kalikasan ng isang bagay. Sa kumplikadong bagay o proseso, ang prinsipal na aspeto ng prinsipal na kontradiksyon ang pangunahing nagtatakda ng kalikasan ng isang bagay, ng esensya nito at sa pag-unlad ng bagay o proseso. Ang kontradiksyong ito ang tumutuhog, kaugnay, at nakakaapekto sa pag-iral at pag-unlad ng lahat ng iba pang kontradiksyon.

Sa pagsusuri, pag-aralan natin ang mga kontradiksyong bumubuo ng bagay, suriin kung alin sa mga kontradiksyon ang prinsipal, pag-aralan kung paano ito tumutuhog at nakakaimpluwensya sa iba pang kontradiksyon, pag-aralan ang mga aspeto nito at alamin kung alin sa dalawang aspeto nito ang prinsipal. Kailangan ring pag-aralan ang segundaryong mga kontradiksyon at ang mga aspeto nito.

Ang paglutas ng prinsipal na kontradiksyon ang magbibigay daan sa paglutas sa iba pang kontradiksyon.

 

Hal: mga kontradiksyon sa lipunang Pilipino:

USI, MBK, PML &nbsp     \ – prinsipal na
                     vs.          / kontradiksyon
Mamamayang Pil /

 

(USI, MBK,PML\ prinsipal na
                                 aspeto ng
                                \ prinsipal na
                                 \kontradiksyon)

mggwa
mssaka                  /segundaryong
ptb                       / aspeto ng
nb                     / prinsipal          
                            na kontradiksyon

Ang DRB ay ang paglutas sa prinsipal na kontradiksyon sa lipunang Pilipino.

 


6. Bakit kailangang isaalang-alang ang ugnayan ng kabuuan at mga bahagi?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Sa pagsusuri ng bagay, dapat iugnay ito sa kabuuan para maiwasang maging makaisang-panig, mababaw at lutang ang mga kongklusyon. Sa kabilang banda, ang pagsusuri ng bagay ay nabubuo at napapalalim kapag mahusay na sinusuri ang lahat ng bahagi nito.

Anumang bagay na sinusuri natin ay kabahagi ng isang mas malawak na kabuuan. Dapat isaalang-alang ang relasyon ng bagay na sinusuri sa kabuuang ito. Kailangang pansinin kung paano nagkakaimpluwensya at nasasalamin sa bagay na sinusuri ang pag-unlad ng kabuuan. Sa gayon mas mauunawaan pa natin ang dahilan at pag-unlad ng bagay na iyon.

 

 

 
7. Paano nagbabago ang isang bagay?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

May kontradiksyon mula sa simula hanggang matapos ang bagay. Ang pag-unlad ng mga bagay ay nagdaraan sa kantitatibo at kalitatibong pagbabago.

Sa simula, ang isang aspeto ng kontradiksyon ay mas malakas at nakakapangibabaw sa kabilang aspeto. Ang nangingibabaw na aspeto ang nagta-takda ng batayang kalikasan ng bagay.

Pero hindi tigil ang katayuang ito. Walang-humpay na nagtutunggalian ang dalawang aspeto. Patuloy na nagbabago ang anyo at lakas ng bawat kasalungat. At patuloy na nagbabago ang anyo at tindi ng kanilang pagtutunggalian, minsa’y tago, minsa’y litaw. Ito ang tinatawag na antas ng kantitatibong pagbabago, isang antas na parang hindi nagbabago ang bagay. Ang mapa-pansin lamang natin, kung mayroon man, ay ang maliliit na pagbabago sa porma o panlabas na kaanyuan ng bagay. Sa buong antas na ito, hindi nagbabago ang pusisyon ng mga aspeto.

Nagkakaroon ng kalitatibong pagbabago sa bagay kapag nagpalit ng pusisyon ang dalawang aspeto. Sa patuloy na paglakas ng dating segundaryong aspeto at paghina ng prinsipal at pabulusok na aspeto, aabot ang panahon na ang dating segun-daryo pero pasulong ang mangingibabaw at ang dating prinsipal ang pangingibabawan. Ito ang tinatawag na antas ng kalitatibong pagbabago. Ang pagpapalitan ng pusisyon ng pangingibabaw ng magkasalungat na aspeto ay mamamalas sa isang igpaw na nagbabago sa kalikasan ng bagay. Itatakda na ngayon ng bagong nangingibabaw na aspeto ang kalikasan ng bagay.

Kailangang suriin kung saan nagsisilbi ang kantitatibong pagbabago. Ang mga kantitatibong pagbabago na naglilingkod at nagpapalakas sa prinsipal na aspeto ay hindi hahantong sa kalitatibong pagbabago. Ang mga kantitatibong pagbabago naman na naglilingkod at nagpapalakas sa segundaryong aspeto ang hahantong sa kalitatibong pagbabago.

Nalilinaw sa atin ng pag-unawa sa kantitatibo at kalitatibong pagbabago kung ano ang mga pangangailangan at kalagayan para maganap ang kalitatibong pagbabago ng bagay o pangyayari.

 

 

Maaaring magbigay din ng mga halimbawa mula sa karanasan ng mag-aaral sa produksyon o paghahanapbuhay o sa pakikibaka: kahoy o bao nagiging uling; gata nagiging langis; ordinaryong masa naging aktibista; pagkabuo ng unyon sa pabrika, atbp.

Hikayating magtanong ang mag-aaral. Sikaping masagot.

Ilinaw ang kaibahan ng repormismo sa rebolusyonaryong pakikibaka para sa reporma.

 

 
8. Paano nalulutas ang isang kontradiksyon?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Sa pagkakaroon ng kalitatibong pagbabago sa pagpapalitan ng pusisyon ng prinsipal at segundaryong aspeto ng kontradiksyon, nagbabago na ang kalikasan ng isang bagay. Nawawala ang kondisyon sa pag-iral ng dating magkasalungat na aspeto at nagwawakas ang lumang bagay. Sumisibol naman ang bagong kontradiksyon at bagong bagay. Sa sandaling mangibabaw ang bagong aspeto sa luma, ang lumang bagay ay nagbabago ng kalidad at nagiging bagong bagay.

Ang tunggaliang magkaiba sa kalidad ay malulutas sa kalitatibong magkaibang paraan. Naitatakda ng katangian ng kontradiksyon ang paraan ng paglutas nito.

Gamitin ang mga halimbawang ginamit sa pagtalakay sa 5-7. Ilinaw ang magkaibang paraan sa paglutas ng magkaibang katangian ng kontradiksyon (marahas at di marahas na paraan ng paglutas). Pero dahil patuloy na nagbabago ang mga bagay, nangyayari na ang isang dating marahas na paraan ng paglutas ay nagiging di marahas, at ang dating di marahas ay nagiging marahas.

Basahin ang huling dalawang parapo ng # 8 bilang pagsasara ng Aralin II.

(Tantyang bilang ng oras ng pagtalakay: 2 oras)

ARALIN III
Ang Linyang Masa


1. Bakit ang prinsipyong “ang masa at ang masa lamang ang tagapaglikha ng kasaysayan” ang salalayang prinsipyo ng linyang masa?

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

Ang prinsipyong “ang masa at ang masa lamang ang tagapaglikha ng kasaysayan” ay isang prinsipyong nahalaw sa syentipikong paraan sa malalim na pagsusuri sa kasaysayan ng tao. Pinatunayan na ng maraming daantaon ng kasaysayan ng sangkatauhan na ang nagsusulong ng mga pagbabago ng lipunan ay walang iba kundi ang masa. Sa kanilang lakas sa produksyon nabubuhay ang lipunan. Sa kanilang dunong at talino umuunlad ang kaalaman at buhay ng lipunan. Sa kanilang kapangyarihan napapalis ang anumang pwersang sumasagka sa pagsulong ng lipunan.

Sa ganun, dapat lubusang sumalig sa masa, pukawin, organisahin at pakilusin ang masa sa pagsusulong ng rebolusyon at sa pagsusulong ng mga rebolusyonaryong gawain.

Ito ang matibay at syentipikong batayan ng wastong aktitud sa masa, ng matiyaga at pursigidong pagkilos sa hanay ng masa at ng mapagkumbabang pakikitungo sa kanila; ng pagsalungat sa maling kaisipan na umasa sa iilang tao lamang, sa pagiging palautos sa isang banda, at pag-ako naman ng lahat ng gawain sa kabilang banda.

2. Ano ang ibig sabihin ng magtiwala at sumalig sa masa?

Dapat tayong tumungo sa hanay ng masa, makiisa sa kanila at mabisang pamunuan sila. Sa matiyagang pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa malawak na masa, mabubuo at maipapamalas ang kanilang lakas at ang mga rebolusyonaryong ideya ay magiging isang makapangyarihang materyal na pwersa na siyang magtutulak sa pagsulong ng lipunan.

Sinabi ni Kasamang Mao, dapat tayong magpakahusay na maisalin sa kilos ng masa ang mga patakaran ng Partido, dapat magpakahusay na maipaunawa at mahasa ang malawak na masa, hindi lamang ang ilang nangungunang kadre sa bawat kilusan at pakikibakang ating inilulunsad.

3. Ano ang ibig sabihin ng mahigpit na ugnay sa masa at mainit na pakikisalamuha sa kanila?

Ito ang pagsasapuso ng interes ng masa. Sa pakikisalamuha sa masa, pinupukaw natin sila at itinataas ang kanilang antas ng kamulatan, tinutulungan natin silang kusang organisahin ang sarili at ibunsod ang lahat ng esensyal na pakikibakang ipinahihintulot ng mga kalagayan.

Walang mangyayari sa anumang pagsisikap ng isang namumunong grupo kung hindi ito mahigpit na ikukumbina sa pagkilos ng masa, na matatamo lamang sa pamamagitan ng mahigpit na ugnay sa kanila. Sa kabilang banda, kung ang masa lamang ang kumikilos nang walang matatag na pamunuan na mahusay na makapag-oorganisa ng kanilang pagkilos, hindi maisusustini ang gayong pagkilos, ni maisusulong sa wastong direksyon, ni maitataas sa mas mataas na antas.

4. Ano ang ibig sabihin ng “mula sa masa, tungo sa masa”?

Ang wastong paraan ng pamumuno sa masa ay “mula sa masa, tungo sa masa”. Ibig sabihin, kalapin ang hiwa-hiwalay na mga ideya at palagay ng masa at buuin ang mga ito. Pagkatapos ay ibalik at ipaliwanag sa masa ang nabuong ideya hanggang sa tanggapin nila at isakatuparan.

Mabubuo lamang ang wastong mga desisyon at plano kung kabahagi ang mga karanasan at kaalaman ng masa.

Para maisakatuparan ang mga ideyang nabuo at lutasin ang problema ng masa, kailangang sumalig sa kakayahan at lakas ng masa. Kaya tungkulin nating matiyagang ipaliwanag sa masa ang ideyang nabuo mula sa mga ideya nila hanggang yakapin nila ito bilang mismong sa kanila. Sa gayon maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagkilos.

5. Ano ang ibig sabihin ng kumilos ayon sa interes at kahandaan ng masa?

Dapat tayong magsimula at kumilos ayon sa kongkretong kalagayan at pangangailangann ng masa, hindi sa kung ano ang ating inaakala. Gaano man kabuti ang ating intensyon, kapag lumilihis tayo sa obhetibong interes ng masa, mahihiwalay tayo sa kanila sa malao't madali.

Kung sa simula, hindi pa nila nauunawaan ang pangangailangan ng pagbabago at hindi pa sila handang kumilos para isagawa ang pagbabago, dapat tayong magtiyaga at maging pursigido sa pagpapaliwanag hanggang sa tanggapin ng masa ang ideyang nahalaw batay sa kanilang obhetibong interes, at maging handa't determinado na silang isakatuparan ito.

Kaya dapat bakahin ang komandismo sa masa, ibig sabihin ang paglampas sa aktwal na antas ng kamulatang pampulitika ng masa at paglabag sa prinsipyo ng boluntaryong pagkilos ng masa.

Dapat ding bakahin ang buntotismo sa masa, pagkahuli sa antas ng kamulatang pampulitika ng masa at pagpapatumpik-tumpik sa pagkilos at paglabag sa prinsipyo ng pamumuno sa masa upang sumulong sa rebolusyonaryong pakikibaka.

Mahahati natin ang masa sa tatlong bahagi: ang sulong, ang panggitna at ang nahuhuling bahagi.

Wastong pamumuno sa masa: Pangunahing umasa sa sulong na bahagi ng masa, ang bahaging pinakaaktibo, masigasig at interesado sa pagbabago. Sa pamamagitan ng sulong na bahaging ito, napapakilos ang panggitnang bahagi at nakakabig ang nahuhuling bahagi.

6. Bakit ang pagtalima sa linya ng demokratikong rebolusyong bayan ang susi sa wastong pagsabuhay ng linyang masa sa kasalukuyang yugto ng rebolusyong Pilipino?

Ang linya ng DRB ay nabuo mula sa masusing pag-aaral ng kasaysayan at kalagayan ng lipunang Pilipino. Ito ang tumutugon sa interes ng sambayanan para sa kalayaan at demokrasya. Ang DRB ay nagsisimula sa obhetibong kalagayan at pangangailangan ng malawak na masa at nagtuturo sa wastong landas ng rebolusyonaryong pagbabago. At dahil umaalinsunod sa obetibong interes ng malawak na masa, ang linya ng DRB ay madaling mauunawaan ng masa, madaling mayayakap bilang kanila at maisasalin sa kanilang pagkilos.

7. Bakit mahalaga ang demokratikong estilo ng paggawa sa pagsasabuhay ng linyang masa?

Ipinapakita ng ating karanasan na pinahihigpit ng demokratikong estilo ng paggawa ang ating ugnay sa masa, habang ang maling estilo ng paggawa ay walang salang sumasalungat sa mga adhikain at kahilingan ng masa sa isang takdang panahon at lugar at tiyak na ihihiwalay tayo sa masa.

8. Bakit umaalinsunod ang linyang masa sa rebolusyonaryong linya sa uri?

Ang rebolusyonaryong linya sa uri ang prinsipyong nagtuturo sa atin ng pagkilala at wastong pakikitungo sa iba't ibang uri sa lipunang Pilipino. Inililinaw nito kung sino ang tunay na mga kaibigan at ang tunay na mga kaaway ng rebolusyon. Inililinaw nito ang wastong makauring batayan ng pamumuno natin sa masa: ang umasa pangunahin sa pinakamasasaligang mga uri, paghimok sa mga gitnang pwersa, at paghiwalay at paglaban sa mga kaaway. Sinasamantala rin natin ang mga hidwaan sa hanay ng kaaway nang sa gayon higit pang mapahina ang buong naghaharing uri at ibayong mapalakas ang rebolusyonaryong pwersa.

Sa pamamagitan ng rebolusyonaryong linya sa uri nagkakaroon ng syentipikong makauring batayan ang pagkilala sa bumubuo ng masa sa isang lugar.

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang tanong # 1–5.

Gamitin ang Arakbiswal – 8 at 9.

Itanong sa mag-aaral kung sino ang lumilikha ng pagkain at iba pang batayang pangangailangan ng lipunan; kung sino ang gumagawa ng mga daan, tulay, gusali, atbp; kung sino ang nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol, Amerikano at Hapon. Likumin at isuma ang mga sagot bilang patunay na ang masa ang tagapaglikha ng kasaysayan.

 

Ipabahagi sa mag-aaral kung ano ang wasto nating aktitud sa masa at paano ito maipakita at maipadama sa kanila.

 

 

Idiin na sa pagpukaw, pag-organisa at pagpakilos sa masa lamang lubos na yayakapin ng masa ang drb.

 

 

 

 

 

 

 


Ilinaw na ang ibig sabihin ng mahigpit na ugnay sa masa at mainit na pakikisalamuha sa kanila ay ang pagmumulat hanggang sa pag-oorganisa at pagpapakilos sa kanila at matugunan ang kanilang obhetibong interes.

Idiin ang kahalagahan ng pamumunong mahigpit na kinukumbina sa pagkilos ng masa at ang pagkilos ng masa na may matatag na pamunuan.

 

 

 

 

Gamiting halimbawa ang isang natasa nang kampanya (minimum na reporma sa lupa, anti-militarisasyon, atbp.) sa pagpapakita na nabuo ang konsepto ng kampanya mula sa pagsisiyasat sa kalagayan ng masa, sa pagsusuri sa nakuhang datos at paano nagkaisa ang mga namumuno at ang masa sa kampanya at ang kinahinatnan nito.

 

Ipabahagi rin ang mga naging kahinaan sa pagpapatupad sa prinsipyong ito at ang naging resulta.

 

 

 

Hikayatin ang mag-aaral na magbigay ng halimbawa sa pagkilos ayon sa interes at kahandaan ng masa.

 

Ihalimbawa ang drb bilang linya sa pulitika, na sa umpisa ay hindi pa naunawaan ng masa na yun ang kailangan para sa tunay na pagbabago. Sa matiyaga & pursigidong pagpapaliwanag, natanggap din nila na ito ay ayon sa interes nila at kumilos na sila sa pagsakutaparan nito.

 

 

 

 

Magbigay o humingi ng halimbawa ng komandismo at buntotismo.

 

 

 

 

 

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang tanong # 6 – 8 bilang mga paraan sa wastong pagsasabuhay ng linyang masa.

 

Ilinaw na ang pangunahing laman ng DRB na paglutas sa suliranin sa lupa ay paglutas din sa kahilingan ng mayorya ng mamamayan at pagkakamit ng pinakamalawak na demokrasya sa bayan. Kaya kongkretong isinasabuhay ng DRB ang obhetibong interes ng malawak na sambayanan.

 

Ilinaw kung sa paanong paraan isinasapraktika ang demokratikong estilo ng paggawa. Ipabasa ang huling dalawang parapo sa teksto bilang pagsuma.

Gamitin ang Arakbiswal – 10.

 

Ilinaw na ang ating reb linya sa uri ay ang aplikasyon ng linyang masa. Halimbawa, sa pagtatayo ng mga grupong pang-organisa, una nating ipinapaloob ang mula sa batayang masa.

Gamitin ang Arakbiswal - 11

 

Awitin ang Linyang Masa bilang pagsasara ng paksa.

 

 

(Tantyang bilang ng oras ng pagtalakay: 1 oras)

ARALIN IV
Ang Demokratikong Sentralismo at Sistemang Komite

A. Ang Demokratikong Sentralismo

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang organisasyon at bakit ito mahalaga?

Ang organisasyon ay isang sistema ng pagbubuklod ng mga tao para tumindig at kumilos bilang isang buong pwersa, para kumilos bilang isa tungo sa pagkakamit ng iisang layunin.

Para matiyak ang pagmartsa sa iisang kumpas tungo sa pagtatamo ng naitakdang layunin mayroon itong tiyak na mga prinsipyong gumagabay sa pag-iisip at pagkilos ng buong kasapian nito at balangkas ng pangunahing mga tungkulin na sinasalamin ng isang sistema ng pamumuno sa iba’t ibang antas at saklaw ng responsibilidad.

2. Ano ang rebolusyonaryong organisasyon? Bakit ito mahalaga?

Rebolusyonaryo ang isang organisasyon na nagtataguyod sa interes ng malawak na masa. Puspusan itong kumikilos para palayain ang sambayanan mula sa pagsasamantala at pang-aapi at para sa tunay na pagbabago ng lipunan.

Boluntaryo ang pagsapi sa rebolusyonaryong mga organisasyon. Ang pagsapi ay ang mulat na pagyakap sa simulain, at komitment na kusang kikilos ayon sa mga prinsipyo, patakaran at desisyon ng organisasyon.

Ang kaaway ay nagtayo rin ng mga organisasyong na ang layon ay pangalagaan ang makitid na interes ng nagsasamantala at nang-aaping mga uri. Ginagamit ang mga ito upang linlangin at supilin ang mamamayan. Karaniwan niyang ipinapatupad ang taktikang “manghati at magharian” para sagkaan ang pagbubuo ng ating pagkakaisa.

Ngunit kung organisado at matibay ang pagkakaisa, tulad ng walis, makakakilos tayo para alisin ang mga dumi at suliranin ng lipunan.

3. Ano ang demokratikong sentralismo?

Ang demokratikong sentralismo ang prinsipyong gumagabay sa atin sa pagbubuo at pagpapatakbo ng ating organisasyon. Ito ang sentralismong nakabatay sa demokrasya at demokrasyang ginagabayan ng sentralisadong pamumuno.

Ito ang nagtitiyak na kikilos tayo bilang isang organisadong kabuuan.

Ang esensya ng sentralismo ay ang matibay na komitment ng bawat kasapi sa mga prinsipyo at layunin ng organisasyon na siyang pinakabatayan ng pagkakaisa ng buong kasapian. Dito nagmumula ang mulat na disiplina ng mga kasapi ng organisasyon, o ang kusang pagsasailalim nila sa disiplina ng organisasyon para sa ikatatagumpay ng mga layunin ng organisasyon. Ang demokrasya ay ang paglahok ng kasapian sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga desisyon, at ang mahusay na pagtangan ng bawat kasapi ng kanilang mga tungkulin at mga karapatan bilang kasapi ng organisasyon.

Nasa ubod ng demokratikong sentralismo ang mahigpit na pagtataguyod sa mga saligang prinsipyo at pagpapatupad sa mga patakaran at mga desisyon ng organisasyon. Ito ang pangunahing nagtitiyak ng pagkakaisa ng buong kasapian sa isip at sa pagkilos.

4. Anu-ano ang mga batayang kundisyon ng pag-iral ng demokratikong sentralismo?

a.   Ang mga namumunong yunit o grupo sa lahat ng antas ng organisasyon ay pinipili sa demokratikong pamamaraan. Sila ay responsable sa kani-kanilang pinamumunuang antas na pumili sa kanila.

b.   Pagkatapos ng malaya at masusing talakayan, lahat ng desisyon ay ipapatupad nang walang pasubali at alinsunod sa apat na alituntunin sa disiplina.

k. Laging binibigyang-pansin ng mga namumunong yunit o grupo ang mga ulat at pananaw ng mga pinamumunuan nilang yunit at ng masang kasapian. Lagi nilang pinag-aaralan ang mga kongkretong karanasan at nagbibigay ng maagap na gabay at tulong sa paglutas ng mga suliranin.

d.   Ang nakabababang mga yunit ay magbibigay ng mga regular at espesyal na ulat tungkol sa mga gawain nila sa organisasyong nakatataas sa kanila at maagap na hihiling ng mga instruksyon tungkol sa mga suliraning nangangailangan ng desisyon ng nakatataas na yunit.

e.   Lahat ng yunit ay sumusunod sa prinsipyo ng kolektibong pamumuno at lahat ng mahalagang usapin ay pinagpapasyahan nang kolektibo.

5. Ano ang apat na alituntunin sa disiplina?

Mahalaga ang apat na alituntunin sa disiplina para matiyak ang pagkakaisa ng ating organisasyon. Nakabatay ang mga ito sa prinsipyo ng demokratikong sentralismo:

Una, ang indibidwal ay napapailalim sa organisasyon. Kailangang sundin niya ang Saligang Batas ng organisasyon at mga desisyon nang walang pasubali.

Ikalawa, ang minorya ay napapailalim sa mayorya.

Ikatlo, ang nakabababang antas ay napapailalim sa nakatataas na antas.

At panghuli, ang buong kasapian ay napapailalim sa pinakamataas na pamunuan at kapulungan.

6. Ano ang mga tungkulin ng pamunuan at nakatataas na antas ng organisasyon?

Tungkulin ng pamunuan ang pangkalahatang pamumuno sa organisasyon. Sinusubaybayan nito ang pangkalahatang takbo ng pagkilos ng buong organisasyon para matiyak na masinop at nagkakaisang isinusulong ang mga layunin ng organisasyon. Direkta nitong pinapangunahan ang paggampan ng mahahalagang gawain para matiyak ang mahusay na pagtupad sa mga desisyon, plano at programa sa pagkilos. Pinapangasiwaan nito ang pagkilos sa iba’t ibang bahagi ng organisasyon para matiyak ang masinop na pagpapatupad ng mga gawain.

Isang mahalagang papel ng pamunuan ang pagbabalangkas ng plano at programa ng pagkilos ng organisasyon. Nagtatakda rin ang pamunuan ng mga gabay at patakaran para pagpapatupad ng programa o plano. Sa pamamagitan ng programa o plano ng pagkilos, nasisistematisa at napapag-isa natin ang pagkilos ng organisasyon.

Tumatanggap ang pamunuan ng mga ulat mula sa nakabababang mga antas ng organisasyon at masusi nitong pinag-aaralan at sinusuri ang mga iyon. Tumutungo ang mga namumuno sa hanay ng kasapian at sa masa para tuwirang mangalap ng kinakailangang mga impormasyon at alamin ang kongkretong kalagayan. Sa gayon, natitiyak ng pamunuan na laging nasusubaybayan nito ang takbo ng pagkilos at nasasapol agad ang anumang pagbabago ng kalagayan. Kaya maagap ang paggabay at pagdedesisyon at naaangkupan at nalulutas ang sumusulpot na mga problema. Sa gayon natitiyak na naisusulong ang mga gawain.

Ang pamunuan ang tumatawag at nagpapatakbo ng mga pangkalahatang pulong ng organisasyon. Dito tinatalakay at pinagpapasyahan ang mahahalagang usaping kasangkot ang interes at pagkilos ng organisasyon tungo sa pagbubuo ng nagkakaisang pagtanaw at kinakailangang mga desisyon kaugnay ng naihapag na mga usapin. Dito rin iniuulat ng pamunuan ang kalagayan at takbo ng pagkilos at inihahapag ang binalangkas na programa o plano para mapagkaisahan. Tungkulin ng pamunuan na tiyaking mahusay na nabubuo ang pagkakaisa sa loob ng mga pulong.

7. Ano ang mga tungkulin ng kasapian at nakabababang antas?

Tungkulin ng bawat kasapi at bahagi ng organisasyon na sumunod sa lahat ng desisyon, ipatupad ang mga gawain, plano at programa nang buong husay, pangalagaan ang interes at kaligtasan ng organisasyon at kumikilos ayon sa kabuuang interes at layunin ng organisasyon; pag-aralan ang mga desisyon, plano at programa para maunawaan ang mga ito nang husto, masuri kung paano ito maipapatupad at makapagtatakda ng mga paraan ng paggawa; ipaabot agad sa pamunuan ang anumang katanungan o problema, at ang resulta ng pagpapatupad ng mga gawain.

Tungkulin ng lahat ng kasapi at nakabababang antas ng organisasyon ang regular at maagap na pagpapaabot ng mga ulat, kasama na ang kanilang mga mungkahi, obserbasyon at puna sa iba’t ibang usaping mahalaga sa interes at pagkilos ng organisasyon; masusing pag-aralan ang kalagayang kinapapalooban, at maging tapat at tiyaking naipapaabot ang wastong impormasyon para mabuo ang wastong mga desisyon at plano.

Tungkulin ng bawat kasapi ang dumalo at aktibong lumahok sa mga pulong – maglahad ng kanyang karanasan at kaalaman sa kalagayan at magpahayag ng kanyang mga opinyon, obserbasyon, mungkahi at puna.

 

Ihambing ang organisasyon sa isang walis tinting. Itanong sa mag-aaral kung saan ito kumukuha ng lakas para maging mabisang panlinis.

 

Idiin ang kahalagahan ng prinsipyong gabay ng isang organisasyon at ang balangkas ng pamumuno.

 

 

 

 

Humingi ng halimbawa ng rebolusyonaryong mga organisasyon (sa kasalukuyan at yung nakipaglaban sa mga dayuhang mananalakay).

Humingi rin ng halimbawa ng mga organisasyong itinayo ng kaaway. Ipabahagi kung ano ang nakikita o naranasan nilang ginagawa ng kaaway para linlangin at supilin ang mamamayan at kung ano ang tugon ng mamamayang nagkakaisa.

 

Idiin na ang lakas ng pagkakaisa ang tanging pwersa na maihaharap ng malawak na sambayanan laban sa makapangyarihang mga kaaway sa uri

 

 

Tuluy-tuloy na talakayin ang tanong # 3-5.

Gamitin ang Arakbiswal - 12

Hikayatin ang mag-aaral na magtanong o magpahayag ng problema kaugnay sa demsen.

Linawin ang esensya at ubod ng demsen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ilagay sa chart ang mga batayang kundisyon ng pag-iral ng demokratikong sentralismo.

Ipabasa ang mga kundisyon paisa-isa.

Ipabahagi sa mag-aaral kung paano nila isinasabuhay ang demokratikong sentralismo, partikular ng kolektibong pamumuno; kung may problema kaugnay dito at paano hinarap ang mga ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ilagay sa chart.

Ipabasa ang apat na alituntunin ng disiplina.

Ipabahagi kung paano ito isinasapraktika ng kani-kanilang mga yunit. Isuma ang mga sagot. Magdagdag ng paglilinaw kung kailangan.

 

 

 

 

 

 

Linawin ang kaibahan ng pamunuan sa rebolusyonaryong organisasyon sa buges o pyudal na mga organisasyon.

 

Ihalimbawa ang mga gabay na ginawa ng pambansang pamunuan tulad ng mga espesyal na kursong masa, RGRL, Hakbang-hakbang na Pag-organisa, mga pana-panahong plano at programa kaugnay sa mga matitingkad na isyu, at mga pagpapartikularisa ng mga ito sa pamunuan sa antas rehiyon o probinsya.

 

Hikayatin ang mag-aaral na magpahayag kung sapat ba silang nagagabayan o sinasanay sa nakakataas na antas ng organisasyon sa pamumuno sa mas nakakababang antas ng organisasyon at sa masa. Kung hindi, anu-ano ang mga kailangan nilang gabay o pagsasanay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Linawin ang kaibahan ng mga kasapi ng rebolusyonaryong organisasyon sa mga kasapi ng burges and pyudal na mga organisasyon.

 

Ipabahagi sa mag-aaral kung nagagampanan ba nila ang mga tungkulin bilang mga kasapi ng rebolusyonaryong organisasyon; kung ano ang mga problema o hadlang sa paggampan ng mga ito; kung paano ito nilulutas o plano para malutas ang mga ito.

 

 


B.  Ang Sistemang Komite

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang kolektibong pamumuno?

Ang kolektibong pamumuno ay ang pagsasabuhay ng prinsipyo ng demokratikong sentralismo sa pagkilos ng pamunuan ng rebolusyonaryong organisasyon. Itinuturo nito ang pagkilos ng mga namumunong komite bilang mga kolektiba. Ang lahat ng mahahalagang usapin ay kolektibong dinedesisyunan at ipinapatupad.

Sa pamamagitan ng kolektibong pamumuno, wastong makakatawan sa pamunuan ang malawak na base ng demokratikong partisipasyon ng kasapian. Mas mahusay na masasapol ng pamunuan ang kalagayan at mga suliraning kinakaharap ng organisasyon.

Sa pamamagitan ng kolektibong pamumuno mahusay na napagsasanib ang pagkilos ng mga kagawad para gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pamumuno. Pinauunlad nito ang inisyatiba at pagsisikap ng bawat kagawad na lumahok sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga desisyon ng kolektiba at naiiwasang mamonopolyo ng isa o ng iilan ang pagdedesisyon at pagpapatakbo ng organisayon.

2. Ano ang sistemang komite?

Ang sistemang komite ay sistema o paraan ng kolektibong pagkilos ng namumunong grupo o komite. Nakikita dito ang paghahati ng mga gawain, ang relasyon ng kalihim at mga kagawad, pagpupulong at iba pa. Naglalayon itong palakasin ang pamunuan ng organisasyon nang sa gayon mabisang magampanan nito ang tungkulin ng pamumuno.

Mahusay na pinagkukumbina ng sistemang komite ang kolektibong pamumuno at indibidwal na responsibilidad. Ang mahusay na paggampan ng bawat kagawad ng komite ng kani-kanilang partikular na tungkulin ay tumutulong sa pagpapalakas ng kolektibong pamumuno.

 Ang sistemang komite ay importante para mahusay na maharap ng komite ang mahahalagang gawain at problema ng pamumuno.

3. Ano ang wastong relasyon ng kalihim at ng mga kagawad ng komite?

Umiiral sa pagitan ng kalihim at mga kasapi ng komite ang mahigpit na pagkakaisa—pagkakaisang tupdin ang kanilang tungkulin sa pamumuno na ipinabalikat sa kanila ng organisasyon. Mahalaga ito para maging mabisa at mabunga ang pamumuno ng komite. Mahalagang sangkap ang pagtitiwala ng mga kagawad sa isa’t isa para mapanatiling buo ang pagkakaisa ng buong komite.

Bilang pinuno ng komite, sinusubaybayan ng kalihim ang pagkilos ng mga kagawad para tiyaking mahusay na naipapatupad ang mga desisyon ng komite. Ginagabayan at tinutulungan niya ang bawat isa sa paggampan ng mga gawain. Ipinapakita niya ang wastong paraan ng paggawa sa pamamagitan ng halimbawa. Ngunit ang pamumuno ng kalihim ay hindi nangangahulugang natatangi at nangingibabaw siya sa komite at mga kagawad nito. Kapantay ang boses at mga karapatan niya sa iba pang kagawad. Wala siyang espesyal na mga pribilehiyo, at tungkulin niyang tupdin ang mga kolektibong desisyon.

Tungkulin naman ng mga kasapi na sumuporta at tumulong sa kalihim nang may pagkilala at pagrespeto sa pamumuno ng huli.

4. Ano ang mga tungkulin ng pangalawang kalihim?

Ang pangalawang kalihim ay tagahalili sa kalihim, kung sakaling hindi magampanan ng huli ang kanyang mga gawain bunga ng iba’t ibang dahilan.

Kapag bago at maliit pa ang organisasyon at ang komiteng namumuno rito, sapat nang may isang pangalawang kalihim. Sa paglaki ng organisasyon, karaniwang nagtatakda na tayo ng pangalawang kalihim para sa organisasyon, edukasyon, pinansya at iba pa, depende sa pangangailangan.

Ang kalihim at ang mga pangalawang kalihim ang bumubuo ng kalihiman. Sa pamamagitan ng kalihiman, kolektibong ginagampanan ang mga tungkulin sa pang-araw-araw na pagsusubaybay at pangangasiwa ng pagkilos ng komite. Ang kalihiman ay hindi hiwalay na pamunuan o nakapangingibabaw sa komite.

5. Paano patuloy na pinapahusay ang kolektibong pagkilos ng komite?

Para patuloy na patatagin ang kolektibong pagkilos ng komite, kailangang pairalin at paunlarin ang pagkakaisa, pag-uunawaan at pagtutulungan sa hanay ng mga kagawad nito. Sa gayon magiging maluwag at palagay ang loob sa isa’t isa, maaalis ang pagkakanya-kanya, at magiging madulas ang pagsunod ng kolektibong pamumuno sa pagkilos nito.

Dapat bigyang pansin ang pagbubuo ng iisang wika sa hanay ng mga kagawad

Kailangang linangin ang pagiging bukas ng mga kagawad sa isa’t isa.

Kailangang matutong makipagkaisa sa mga kakolektibo, matutong kumilos kahit na di natin kapalagay ang kasama natin.

 

Ipabahagi paano isinasapraktika ang kolektibong pamumuno. Isuma ang mga sagot.

 

Linawin ang kolektibong pamumuno sa pamamagitan ng kongkretong karanasan ng isang KP baryo, pabrika, komunidad o eskwelahan halimbawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ipabahagi ang karanasan sa sistemang komite – paano ang hatian ng gawain, sistema ng pagpupulong, paano isinasabuhay ang kumbinasyon ng kolektibong pamumuno at indibidwal na responsibilidad; ang mga naranasan o dinaranas na problema kaugnay dito at paano nilulutas.

 

Sumahin ang mga sagot. Magdagdag ng paglilinaw kung kailangan.

 

 

 

 

Ipabahagi sa mag-aaral kung umiiral ba ang wastong relasyon ng kalihim at ng mga kagawad sa komiteng kinapalolooban nila; ang mga problemang kinakaharap at paano nilulutas.

Sumahin ang mga sagot.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Linawin na ang pagtatakda ng pangalawang kalihim ay anyo ng pagtutulungan ng gawain.

 

Ibahagi o ipabahagi ang karanasan ng mga kp nito.

 

Itanong kung ano ang karaniwang pag-unawa sa kalihiman.

Linawin na ang kalihiman ay hindi nakatataas na organo ng komite kundi bahagi ng komite.

 

 

Ipabasa ang mga paraan sa patuloy na pagpapahusay ng kolektibong pagkilos ng komite.

Itanong sa mag-aaral kung ano ang pagsisikap o plano nila sa patuloy na pagpapahusay ng kolektibong pagkilos ng kani-kanilang komite.

 

 

 

 

K. Paraan ng Paggawa ng Isang Komite

MAHAHALAGANG PUNTO
MUNGKAHING PARAAN

1. Ano ang kahalagahan ng wastong mga paraan ng paggawa ng isang komite?

Ang wastong mga paraan ng paggawa ng komite ang magtiyak sa mahusay na pagpapatupad sa nabuong mga desisyon. Maaari pa ring sumulpot ang mga bara sa pagpapatupad ng mga gawain, maski wasto ang nabuong mga desisyon, kung hindi nabibigyang-pansin ang wastong mga paraan ng paggawa.

2. Ano ang ibig sabihin ng ang kalihim ng komite ay dapat magpakahusay bilang isang “iskwad lider”?

Ang komite ay maihahalintulad sa isang “iskwad” ng hukbong bayan, at ang kalihim, sa “iskwad lider”. Upang magampanan ang kanyang tungkulin sa pamumuno, dapat umasa ang komite sa “mga kagawad ng iskwad” at bigyang-daan ang kanilang lubos na pagtugon sa mga responsibilidad.

Upang maging mahusay na “iskwad lider”, dapat masikhay na mag-aral at malalim na mag-imbestiga ang kalihim, magsagawa ng gawaing propaganda at organisasyon sa “mga kagawad ng iskwad”, magpakahusay sa paghawak ng kanyang relasyon sa kanila o pag-aralan kung paano mahusay na pinapatakbo ang mga pulong.

3. Ano ang ibig sabihin ng “ihapag ang mga problema sa mesa”?

Kapag may mga problemang sumusulpot, kailangang maagap na tumawag ng pulong, “ihapag ang mga problema sa mesa” para matalakay ang mga ito at gumawa ng karampatang mga desisyon para lutasin ang mga problema.

Gawain ito ng lahat ng mga kasapi ng komite. Hindi nakakalutas sa mga problema ang pagsasalita sa likod ng mga tao tungkol sa mga ito, bagkus, malimit na nakapagpapalala pa nga sa mga problema at magiging hadlang sa pagpapatupad ng mga tungkulin at gawain.

4. Ano ang ibig sabihin ng “pagpapalitan ng impormasyon”?

Ang "pagpapalitan ng impormasyon" ay nangangahulugan na ang mga kagawad ng isang komite ay dapat laging nagtatalastasan sa isa’t isa at nagpapalitan ng pananaw tungkol sa mga usaping nakatawag ng kanilang pansin. Napakahalaga ito upang matamo ng mga kagawad ng komite ang lenggwaheng komun.

5. Bakit mahalaga ang matiyagang pakikinig sa mga opinyon at pagtingin ng mga kasama sa nakabababang antas at ng masa?

Isinasanib sa ating mga desisyon ang wastong mga pagtingin nila kung kaya mas makakaasa tayong susuportahan nila ang mga ito. Mas mararamdaman nilang bahagi sila sa pagbubuo ng mga desisyon kung kaya maikikintal natin sa kanila ang paggana ng tunay na demokrasya.

Hindi dapat mahiyang magtanong sa mga nakabababa sa atin at dapat laging bukas na matuto sa kanila. Huwag magkunwaring alam ang hindi nalalaman.

Hindi rin dapat dagliang sinasang-ayunan o di sinasang-ayunan ang mga sinasabi ng mga nakabababa sa atin na maaaring wasto o mali. Dapat suriin ang mga ito. Kasabay, dapat maging mahusay sa paghawak ng tagisan ng mga ideya at matiyagang maglinaw upang mapangibabaw ang wasto. Sa gayon, mabubuo ang mas matibay na pagkakaisa sa pagitan ng mga namumuno at pinamumunuan batay sa kung ano ang wasto at nakakatulong sa pagsusulong ng rebolusyon.

6. Ano ang ibig sabihin ng matutong “tumugtog ng piano”?

Hinaharap ng isang komite hindi lamang ang isang gawain kundi maraming gawain. Katulad ng pagtugtog ng piano, kailangang may tiyak na kaayusan at koordinasyon sa pagharap sa iba’t ibang gawain para mabisang maipatupad ang mga ito. Upang magawa ito, kailangang masapol at mahigpit na mapanghawakan ng komite ang naitakda nitong sentral na tungkulin sa isang panahon. Mahalaga ito dahil ang sentral na tungkulin ang siyang nagtatakda sa pangunahing direksyon ng mga gawain at dito umiinog ang iba pang mga pagsisikap. Kinakailangang malinaw na maitakda ang mga prayoridad sa isang panahon, ibig sabihin, ang mga gawaing inuuna o pangunahing hinaharap.

Sa proseso ng pagtupad sa mga gawain, tiyak na may susulpot na mga problema. Hindi pupwedeng hindi bigyang-pansin ang mga ito. Gayunman, kailangang matukoy ang pangunahing problema sa isang panahon at ibuhos ang mga pagsisikap para sa paglutas nito. Nasa paglutas ng pangunahing problema ang magbibigay-daan para sa mas madulas na paglutas sa iba pang mga problema.

7. Ano ang ibig sabihin ng “hawakan nang mahigpit” ang pangunahing mga tungkulin?

Ang “hawakan nang mahigpit” ang pangunahing mga tungkulin ay nangangahulugan ng pagbubuhos ng atensyon at pagsisikap sa mga ito para matiyak na maipatutupad ang mga ito. Mabibigo tayo sa ating mga gawain kung hindi nakapokus ang ating pag-iisip at pagkilos sa pangunahing mga tungkulin. Ang bagay na hinawakan pero hindi naman mahigpit ang hawak ay maaaring madaling mabitawan.

8. Ano ang ibig sabihin ng “magpakahusay sa mga numero”?

Ang "pagpapakahusay sa mga numero" ay nangangahulugan na dapat nating bigyang-pansin ang kantitatibong aspeto ng isang sitwasyon o problema at gumawa ng batayang kantitatibong pagsusuri. Nagkakaroon ng hugis ang bawat kalidad sa isang takdang kantidad, at walang kalidad kung walang kantidad.

9. Ano ang ibig sabihin ng “abiso para pabatiran ang publiko”?

Ang "abiso para pabatiran ang publiko" ay nangangahulugan na dapat may paunang abiso ng idaraos na mga pulong, kung ano ang mga tatalakayin at mga problemang lulutasin. Dapat maisagawa ang karampatang mga paghahanda tulad ng mga ulat at borador ng panukalang mga resolusyon, at ng pagdadausan ng pulong mismo at mga pangangailangan dito.

10.  Ano ang ibig sabihin ng “mas kaunti at mas mahusay na mga tropa at mas simpleng administrasyon”?

Ang "mas kaunti at mas mahusay na mga tropa at mas simpleng administrasyon" ay nangangahulugan na ang mga pangungusap, talumpati, artikulo at resolusyon ay dapat gawing maikli at direkta sa mga punto. Hindi rin dapat maging napakahaba ang mga pulong.

Susi dito ang mahusay at masinop na paghahanda nang sa gayo'y maiiwasan ang pagsasayang ng panahon at magiging mas mabunga ang mga pulong.

11.  Bakit kailangang makipagkaisa at makipagtulungan maging sa mga kasamang hindi natin kapareho ang mga ideya?

Sa ating hanay karaniwang nagkakaroon ng pagkakaiba ng pagtingin sa mga sumusulpot na usapin dahil nagmula tayo sa iba’t ibang lugar, at iba-iba ang ating mga pinagdaanan at karanasan. Kaya hindi lang dapat tayong magpakahusay sa pakikipag-isa sa mga kasamang kapareho ang pagtingin sa atin kundi maging sa mga kasamang may ibang pagtingin.

Ganun din sa mga kasamang nakagawa ng seryosong mga pagkakamali. Hindi natin sila masamain at ihiwalay, at maging handa tayo na makipagtulungan sa kanila sa pagtupad ng mga gawain.

Ang mga pagkakaiba ng pagtingin sa mga usapin ay nireresolba sa pamamagitan ng pagpuna at pagpuna-sa-sarili. Sa pagresolba ng mga pagkakaiba, laging panghawakan ang diwa ng pagpapangibabaw sa interes ng rebolusyon at ng malawak na masa, hindi ang pansariling interes. Sa pagsasagawa ng punahan, magsimula tayo sa hangaring makipag-isa.

12.  Bakit kailangang bantayan ang arogansya?

Ang mahigpit na pagbabantay para hindi dapuan ng arogansya lalu na ang mga namumuno ay isang usapin ng prinsipyo at isang mahalagang rekisito para mapanatili ang pagkakaisa sa ating hanay.

Ang mga kasamang “lumalaki ang ulo” dahil hindi nakagawa ng seryosong mga pagkakamali at nagkamit ng malalaking tagumpay ay karaniwang nagkakaroon ng tendensyang maging kampante, magluwag sa pagmamatyag sa pagkakamali at maging padalus-dalos sa pagtupad sa mga gawain dahil iniisip na hindi siya maaaring magkamali. Sa mga talakayan, iniisip niya na siya lamang ang laging tama at sinasarhan ang sarili para makinig at matuto sa iba.

Importante na panatilihin ang pagiging mapagpakumbaba. Laging panatilihin ang simpleng pamumuhay at ang masikhay na paggawa.

13.  Bakit mahalagang gumuhit ng linya ng pagkakaiba sa pagtingin sa mga bagay- bagay?

Itinuturo nito na dapat nating sapulin ang batas ng kontradiksyon at tingnan ang mga bagay-bagay nang buo, di lang ang isang panig.

Una, kailangang gumuhit ng linya ng pagkakaiba sa pagitan ng rebolusyon at kontrarebolusyon.

Ikalawa, sa loob ng rebolusyonaryong hanay, kinakailangang gumawa ng malinaw na pag-iiba sa pagitan ng tama at mali, sa pagitan ng mga natamo at mga pagkukulang at linawin kung alin ang pangunahin, alin ang segundaryo.

Upang maging bihasa tayo sa pag-iiba, kinakailangan ang masikhay na pag-aaral at malalim na pagsusuri.

 

Linawin ang kumbinasyon ng wastong desisyon at wastong paraan sa paggawa sa mahusay na pagpapatupad ng mga gawain. Magbigay o humingi ng mga kongkretong halimbawa.

 

 


Ang # 2 – 13 ay ang mga wastong paraan ng paggawa ng isang komite. Talakayin nang tuluy-tuloy.

 Kung hukbo ang mag-aaral, ipabahagi kung paano namumuno ang isang mahusay na iskwad lider.

Itanong kung may naging kalihim na sa kanila. Ipabahagi ang pagpapatupad ng responsibilidad.

Linawin ang mga paraan para maging isang mahusay na kalihim.

 

 

Itanong kung ano ang karaniwang ginagawa nila kapag may problema o may napansing problema sa grupo.

Isuma ang mga sagot at idiin ang tamang paraan sa paglutas ng mga problema – ”ihapag ang mga problema sa mesa.

 

 

 

 

Ipabahagi kung sa anong paraan ginagawa ang palitan ng impormasyon sa mga kasama sa komite at tungkol sa ano.

 

 


Ipasagot ang ang tanong sa mag-aaral.

Itanong kung ano ang dapat gawin sa mga sinasabi ng mga nakabababang antas o ng masa.

Idiin kung paano makikintal sa mga kasama sa nakabababang antas o sa masa ang paggana ng tunay na demokrasya.

 

 

 

 

 

 

 

 

Suriin muna kung alam ba ng lahat paano pinapatugtog ang piano. Ilinaw na ganun din ang wastong paraan sa paggawa ng isang komite.

Maaaring ipabasa ang # 6. Hikayating magtanong ang mag-aaral.

Idiin ang kahalagahan sa pagtakda ng mga prayoridad sa isang panahon. (hindi pwedeng pantay ang binibigay na bigat sa iba’t-ibang gawain.)

 

 

 

 

 

 

 

Idiin ang pangangailangang ipokus ang pag-iisip and pagkilos sa pangunahing gawain. Magbigay ng kongkretong halimbawa. (Maaari ding humingi ng halimbawa sa mag-aaral ayon sa plano nila.)

 

 


Ihalimbawa ang mga usaping kailangang itala ang numero: bilang ng batayang masa sa baryo, ilan ang nasa GP na, bilang ng kasapi sa bawat GP, bilang ng nakapag-aral ng anong aralin, upa sa lupang sinisingil ng PML, atbp. Idiin na kailangan ang mga ito para maging masinop ang pagsusuri.

Ipabahagi kung paano ito ginagawa. Ilinaw na mahalaga ito para sa paghahanda ng mga kasamang dadalo sa pulong.

 

 

 

 

Itanong kung gaano katagal ang mga pulong ng kani-kanilang komite; kung ano ang kadalasang nakapagtatagal ng mga pulong; paano pinaghandaan ang mga pulong.

Idiin kung ano ang susi para maging mabunga ang mga pulong na walang nasayang na panahon.

 

 

 

Ipabahagi kung paano nila pinakikitunguhan ang mga kasamang may kaibang pagtingin sa mga usapin o yung nakagawa ng seryusong pagkakamali.

Ituwid ang mga maling aktitud, kung meron.

Linawin kung paano nireresolba ang mga pagkakaiba ng pagtingin sa mga usapin.

Bigyang diin ang layunin ng punahan at pagtatagisan ng mga ideya: Patampukin at panghawakan kung ano ang wasto, kamtin ang mas mataas na antas ng ating pagkakaisa.

 

 

 



Itanong sa mag-aaral kung ano ang epekto sa kanila ng mga taong arogante; kung maging mahusay na pamuno ba ang aroganteng tao.

Idiin ang mga peligrong dulot ng paglaki ng ulo” at ang mga katangian ng isang rebolusyonaryo – mapagkumbaba, simple at masikhay sa trabaho.

 

 

 


 

Itanong kung ano ang magiging epekto kung paghaluin ang tama at mali; kung hindi malinaw kung ano ang natamo sa gawain at ano ang hindi o kulang pa.

Diinan ang pagtingin sa mga bagay-bagay ng buo; ang pag-iwas sa pagtingin sa isang panig lang.

Sumahin ang wastong paraan ng paggawa ng isang komite. Maaaring gumawa ng strips ng mga halimbawa ng bawat paraan at patukuyin sa mga mag-aaral sa kung alin ang paraan para sa bawat isa.

 

 

 

Pagsasara ng Paksa:

1. Balikan ang layunin ng pag-aaral.

2. Idiin ang mga katangian ng matatag na pamunuan sa rebolusyonaryong samahan at kilusang masa:

a. Taglay ang mga saligang rebolusyonaryong aktitud
b. Nagpupunyagi sa rebolusyonaryong pag-aaral at wastong paraan ng pagsusuri
k. Tinataguyod ang Linyang Masa
d. Sinasabuhay ang demokratikong sentralismo at sistemang komite.

3. Linawin na ang paglinang ng mga katangiang ito ay nagaganap sa pamamagitan ng rebolusyonaryong praktika, sa walang tigil na paghalaw ng mga aral mural dito at sa tuluy-tuloy na pag-angat ng rebolusyonaryong praktika at teorya sa mas mataas na antas.